Thursday, October 7, 2010

"BABAE" (national anthem of Filipina feminists) :)




"BABAE," by Inang Laya
(the national anthem of Filipina feminists) :)

Kayo ba ang mga Maria Clara, mga Hule at mga Sisa
Na di marunong na lumaban, kaapiha’y bakit iniluluha
... Mga babae, kayo ba’y sadyang mahina?

Kayo ba ang mga Cinderella, na ang lalaki ang ang tanging pag-asa
Kayo nga ba ang mga Nena, na hanapbuhay ang pagpuputa
Mga babae, kayo ba’y sadyang pangkama?

Ang ating isip ay buksan at lipuna’y pag-aralan
Pa’no nahubog inyong isipan at tanggaping kayo’y mga libangan
Mga babae, ito nga ba’y kapalaran?

Bakit ba mayroong mga Gabriela, mga Teresa at Tandang Sora
Na di umasa sa luha’t awa, sila’y nagsipaghawak ng sandata
Nakilaban, ang mithiin ay lumaya

Bakit ba mayroong mga Lisa, mga Liliosa at mga Lorena
Na di natakot makibaka, at ngayo’y marami ang kasama
Mga babae, ang mithiin ay lumaya

Ang ating isip ay buksan at lipuna’y pag-aralan
Pa’no nahubog inyong isipan at tanggaping kayo’y mga libangan
Mga babae, ito nga ba’y kapalaran?

Bakit ba mayroong mga Lisa, mga Liliosa at mga Lorena
Na di natakot makibaka, at ngayo’y marami ang kasama
Mga babae, ang mithiin ay lumaya

Mga babae, ang mithiin ay lumaya.

No comments:

Post a Comment