Wednesday, November 16, 2011

Tungkol sa Laban nila Pacquiao-Marquez: Patas o 'Talangka Mentality' ang (ibang) Pinoy???

Nanalo muli si Manny 'Pacman' Pacquiao laban kay Juan Manuel 'El Dinamita' Marquez. Kontrobersyal na pagkapanalo na naman. At may mga, o marami ba, na mga Pilipino ang nagsasabing si Marquez ang tunay na nanalo. Opinyon nila base sa kanilang nasaksikan kahit na ang Computer Stats ay nagsasabing mas maraming tira at nakonektang suntok si Pacquiao.

Hindi ko malaman kung ano ang magiging reaksyon ko sa kanila. Masasabing nakakatuwa dahil nagpapakita ito na patas at hindi pala bulag o nagbubulag.bulagan ang mga Pinoy--na kahit kababayan natin si Pacman ay kaya nating makita at sabihin kung ano talaga ang basa natin sa pangyayari, kung sino talaga ang tingin natin ay nanalo.
Subali't bakit sa katotohanan ng pandaraya ni Gloria Arroyo sa halalang 2004, na binigyang pruweba pa ng Hello Garci na pagsisiwalat, ay hindi ko yata nakita ang pagiging patas at mulat ng ilan o marami dito sa nagsasabing si Marquez ang tunay na wagi? Nagbulag.bulagan o pinabayaan lang ang pagre.reyna ng ilehitimong si Gloria Arroyo y dorobo sa loob ng mahabang panahon. Pati nga sa EDSA 2 power grab niya at sa 2010 Hocus Pcos na pagkapanalo ni "Pangulong" Abs ay todo pasa lang sila.
 
Tandaan na sa mahabang panahon, maraming Pilipinong boksingero ang nadaya, natalo dahil sa hindi patas na desisyon ng referee at mga huwes dahil ang ating bansa ay minamaliit noon. Sa panahon ni Pacquiao ay mukhang tayo naman ang angat, at may pabor (at mukhang si Pacman nga mismo ay pinaboran?).
OK, kung mukha ngang pinaboran si Pacquiao, sana yung mga nagsasabi niyan ay nag.iingay din laban sa power grab at mga dayaang nangyari sa ating bayan.

 

Ewan ko ba. Mulat nga ba, patas nga ba, o talangka mentality lang tayo?

Kung sabagay, itong si Pacman ay nagpagamit pa kamo kay Arrobo para magmukha itong tanggap at lehitimo--imbes na lumayo/mag.neutral na lamang o tuligsain si Pacquiao. Karma kaya? Ewan ko ba....
 _________

Photo credit:
http://www.pacquiaofights.net/wp-content/uploads/2011/05/pacquiao-marquez-3.jpg

1 comment:

  1. Sa mga nagsasabi hong nanalo lang sa daya si Manny 'Pacman' Pacquiao ay maari sigurong tingnan ninyo ang video na ito: http://www.youtube.com/watch?v=9z5jkzyRT7s&fb_source=message

    Bukod sa CompuBox stats on punches connected, maganda sigurong bilangin din ang pananapak ni Marquez kay Pacman (meron din yata si Pacman pero napakarami ng kay Marquez).

    Hindi ko ho gusto nitong si Pacquiao dahil galit ako sa pagsuporta niya kay Gloria Arroyo y Dorobo. SUBALI'T mainam sigurong maging bukas tayo sa katotohanan, ano po?

    ReplyDelete