Friday, November 4, 2011

Ang Fratricide na Trahedya ng Agimat ni Tatay?

Updated Nov. 5, 2011 


 Itong kaso ng pagpaslang ng isang Revilla kasangkot ang sariling mga kapatid ay maaring basahin bilang isang kaso ng sobra o maling patriarkiya/machismo. Bakit naman kasi nibigay nitong si matandang Ramon "Agimat" Revilla ang pamamahala ng P1M piso sa anak na panganay samantalang buhay na buhay pa ang ina ng siyam na (buong) magkakapatid??? Isa pa, bakit kasi gawa ng gawa ng maraming anak sa labas kahit napakatanda mo na, eh kaya hindi magampanan ang paggabay ng matuwid sa kanyang mga anak.

Kalaki na nga ng agwat ni ex-Sen. Agimat sa nanay nila Ramgen at kinabit na nga lang niya at inanakan pa ng napakaraming 9 na anak sa labas ay hindi pa niya ito pinagkatiwalaang mamahala sa pera ng mga anak ninyo. Dapat talagang ang nanay ang humawak ng pera dahil mas patas ito, o hindi titingnang sakim o may pinapanigan, at syempre mas may natural na awtoridad ito.

Ayan, masama daw ang lagay nitong si Lolo Agimat Revilla dahil sa pangyayari. Baka kaya ang trahedyang ito ay karma mo at pinapatino ka na ng nasa itaas? Ginamit mo yata kasi ang agimat mo sa masama, sa pagsilo at pagkama ng maraming magandang babae kahit may asawa at hanggang maging gurang ka na.....
 
 ___________
Raw Photo Credits:
http://www.interaksyon.com/assets/images/articles/interphoto_1320320003.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEg1baSDbe-USwqCeCgyrThkAb1bvPUUQE1eg_NT9D7hMEKh-YjucmihVLO6NlY5KLWYGeCiuZfT7ZaHl7Sa-vaje1cpS6yQ-u5CULMbWpJo0-OSXPk_9g-YilfGG0zRg4zlDMwOOBXVQkkI/s400/Ramon_revilla.jpg
http://en.wikipilipinas.org/index.php?title=Image:AgimatRamonRevilla.jpg

No comments:

Post a Comment