Sunday, January 18, 2015

Pagtira sa Kapitalismo: Masusubukan ni Papa Kiko ang Elit

Meron daw 23 propesor ng Economics ang pumirma ng isang pahayag na tumitira kay Papa Francesco dahil sa pagtawag nito sa "Pag-rereporma ng istrakturang panlipunan na nagpapalawig ng kahirapan at naghihiwalay sa mga mahihirap."

Inaabangan ko nga ba na papalag ang mga elit sa kasalukuyang Papa ng Simbahang Katolika dahil sa pagiging medyo radikal nito. Nauna nang tinira ni Papa Francesco ang sistemang kapitalismo sa pangkahalatan dahil likas na raw dito ang sobrang paggamit ng mga likas na yaman at ang malaking agwat ng mayaman at mahirap. 

 

Dahil sa mga makataong sinusulong ng nakaupong Papa sa Roma (assuming na totoo siya), masusubukan ang antas ng pagiging debotong Katoliko ng mga Pilipino/a. Hindi magugustuhan, aalma ang mga elit--na nakita na natin sa nasabing Economics professors--ang magiging direksyon ng Simbahan sa bansa. Tatalima ba ang elit, kikilos ba ang masa kung sakaling magmatigas ang mga Dilaw at kakosa nilang mga kapitalista? Malalaman natin sa susunod na mga araw, buwan, taon. 

"It bids us break the bonds of injustice and oppression which give rise to glaring and indeed scandalous social inequalities. Reforming the social structures which perpetuate poverty and the exclusion of the poor first requires a conversion of mind and hearts."

. -- POPE FRANCIS

_________

Galing ang orihinal na imahe sa:

https://www.facebook.com/govph/photos/a.157660287611576.31610.140660295978242/886357401408524/?type=3&permPage=1

No comments:

Post a Comment