Friday, May 18, 2012

Isang Paglalarawan ng American Colonial MisEducation

HINDI ko rin minsan masisi kung bakit may ilan/marami sa tabi-tabi na pag nakakanti ang imperyalistang Kalbong Agila ay na.hi-highblood, nagagalit, minsan ay nagmumura pa... Balikan po natin ang mga itinuro sa atin noong American Colonial Period.

The emblem of Bald Eagle IMPERIALISM. The primary tool of imperialism--COLONIAL misEDUCATION.... Sa ginawang Brainwashing sa ating mga ninuno o mga lola at lola, magtataka pa ba tayo na hindi alam ng iba/marami diyan ang Philippine-American
WAR (1899-1914) at ang alam lang ay Filipino-American "FRIENDSHIP"????


Ang kanila--mga Amerikano--daw ba namang WATAWAT ay atin.... matapos nakawin ang ating kasarinlan gamit ang nakakasuka de kakatwang Treaty of Paris at rasista de malupit na militar na kumitil sa lampas milyong Pilipino/Pilipina (directly & indirectly) kabilang sina Hen. Macario Sakay, Hen. Lucio San Miguel, at Hen. Gregorio del Pilar noong Digmaang Pilipino-Amerikano. Makaraang magpatupad ang Estados Unidos ng FLAG Law of 1907 na nagbabawal sa paglantad ng bandila ng Republika (ni Aguinaldo) o ng Katipunan, ituturo na ang Stars & Stripes daw ang ating bandila???

Kasama sa panguuto sa atin ay ang pagtuturo ng kanilang BANYAGANG WIKA. Sinasabi nga ng linguistic determinism theory: worldview is determined/influenced by verbal language and/or a language's structures grammar-wise, inherent ontologies, and distinctions semantics-wise. Dagdag pa ay patriarchal ang wikang ito, di tulad ng ating wikang Pilipino/Tagalog na patas sa kababaihan kahit papaano. Opo, patriarchal dahil sa wikang Ingles ay ang lalaking kasarian ang 'norm'-- "chairman," "mankind," atbp. Kahit hanggang ngayon ay inirereklamo ng mga feminista ang patuloy na sexism ng wika/lipunang Amerika.


Ang Pilipinas/Tagalog/Taga-Ilog/Maharlika ang kauna-unahang malayang bansa na biniktima ng malupit na militar nito. And that United States has NOT yet apologized for their Fil.Am war crimes--stealing of our independence and our land, the rapes of Filipinas, the water cure tortures, reconcentration camps, the racist insults, the genocidal murders. Ang mga nasa ilalim ng patuloy na kontrol ng Kalbong Agila--ang mga colonial-minded, ika nga, walang alam kundi ikumpara ang U.S. sa bansang Hapon na kesyo mas malupit daw, mas maraming pinatay, atbp. Hindi natin masisisi ng lubos kung bakit hindi nila makita o hindi alam na ang Hapon ay humingi na ng tawad sa mga ginawa nitong noong Ikalawang Digmaan Pandaigdig samantalang ang Amerika ay hindi pa? Ang Hapon ay nagbayad pa nga ng reparation sa atin kahit papaano. Japan, which was A.bombed by that imperialist nation, had the decency to apologize to the Filipinos. ... Wonder who are the real barbarians....


Dahil sa continuing o entrenched na colonial miseducation ay marami sa atin ang 'docile' o yumakap ng husto sa Amerika. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig daw ay nagulat nga daw si Hen. Artemio Ricarte sa sobrang pro.Kano ng utak ng pinoy noon samantalang noong Fil.Am War ay kaaway na mananakop ang tingin sa Kalbong Agila...... Hanggang ngayon, dahil thru the unpatriotic elites ay hawak nila ang, o malakas ang impluwensa nila sa sistema, kabilang ang mahalagang educational system na makikita sa mali o baluktot na kasaysayang tinuro sa atin.... Fil.Am War na lamang, glossed over at justified na pananakop ng Amerika ang bersyong itinuro sa atin ng mainstream education subali't napakarami palang atrocities, napakasinungaling at mang.uuto pala ng Imperyalista.


Imulat po natin ang ating mga mata. Mahalin ang ating sariling wika, watawat, lahit, kasaysayang tunay. Sa atin hong mas mulat, subukan ho nating i.resist ang patuloy na colonial miseducation gamit hindi lamang ang mga paaralan kundi pati ang yellow mainstream media. Alamin ang ating kasaysayan, ang kasaysayan ng ating relasyon sa "stateside" na bansa.


_____

 

2 comments:

  1. Totoo yan! ayun sa mga istoryang wala sa libro ng mga paaralan dito sa ating bansa (Philippine History Books ni Zaide)isang moro moro lang ang Battle of Dewey sa Manila Bay... ibenenta pala ang ating bansa ng mga Kastila sa mga kano at kunwari ay natalo ang mga Kastila kaya lumayas sila ... subalit hindi ito nalingid sa mga bayani nating naghimagsik. Kaya nagka-roon ng Fil-Am War.
    Dyan magaling ang mga kano... sa estrateheyang, Divide & Conquer, estratehiyang ginagamit pa rin nila hanggang sa ngayon.
    Pati nga ang mga tribung Indian sa Amerika ay pinag-away away nila upang mapadali ang pag-kubkub ng mga lupain nila.
    Sabi nila tayo daw tulad ng mga American Indians ay mga barbaro (Barbarians) subalit kung titingnang mabuti ay, sila ang tunay na BARBARO.

    ReplyDelete
  2. Tumpak na tumpak talaga Ka Jesusa, tumalab ng matagal ang imperyalismo ng Kano sa mahal nating Pinas dahil sa mga taktikang tulad ng pagpapaamo sa mga tulad ni Pedro Paterno, Felipe Calderon, Felipe Buencamino para 'payapain' ang pakikibaka ng mga Pilipino, pagpapamulat sa mga kabataaan tungkol sa kultura at wika ng Kano, pagpapagamit muli sa Simbahang Katolika (maliban sa mga simbahang bumubuo ngayon ng NCCP) upang itanim sa isip ng mga Pilipino na tanggapin na lang ang pananakop ng Kano, at armadong panunupil. Nakatatak na ito sa isip ng mga Pilipino, nga lang, may mga na-brainwash ng mga libro nina Zaide na nagpapahiwatig na 'kaibigan' ng mga Pilipino ang Kano

    ReplyDelete