Wednesday, May 30, 2012

Hamong 'SALn Waiver' ni Corona bilang Paglilinis ng Bayan

BENTE-TRES, 20-3, ang hatol ng impeachment court. May sala daw ang Pinuno ng Korte Suprema sa kasong hindi wastong o kakulangan sa pag.disclose ng kanyang ari-arian sa kanyang Statement of Assets and Liabilities and net worth o SALN.

Naalala ko ang sinabi noong Enero ng isang tao na medyo malapit sa akin at nasa periphery of power kumbaga. Sabi niya ay ma.impeach (guilty verdict) daw itong si Corona. Akala ko ay ek-ek lang niya ang mga salitang binitiwan niya. Siya nga rin pala ang taong nagsabi sa akin noong bandang April 2004 na mandaraya ang kampo ni Gloria Arroyo sa halalan ng taong iyon at sana raw 'the country could weather the storm that could follow' o basta malapit doon.

Tama pala siya. Convicted nga si Corona. At mukha daw bang ginapang dahil ilang oras o araw ba bago ang paghahatol ay alam na ng iba na nasa 19 o 20 ang senador na boboto ng 'guilty'? Sabi daw ni Llamas....





Si Corona at si Tabako y Arrobo y EDSA 2


Hinding hindi ko naman gusto itong si Corona. Inis na inis nga ako dito noong maging alipores ni Arrobo sa Malacanang matapos maagaw nila ang kapangyarihan mula kay Pangulong Joseph "Erap" Estrada. Bilang bataan ni Fidel V. Ramos (naging presidential legal counsel pa nito) at Presidential Chief of Staff, tapos Presidential Spokesman at Acting Executive Secretary pa ni Arroyo, sigurado akong may kinalaman ito sa sedisyong-pang.a.agaw-kapangyarihan noong EDSA 2. 


Bwisit na bwisit ako sa kanyang mga ngisi noon lalo na pag tinitira ang kanilang inagawan ng pagkapangulo. Naalala ko nang ginawa siyang Hukom sa Korte Suprema ni Arroyo (noong Abril 2002) ay tuwang-tuwa ang Civil Evil Society pero sa aking isip ay kontrang-kontra ako dahil makakadagdag lang si Corona sa mga dilawang Pilipinong walang paggalang sa Saligang Batas at sa boto ng taumbayan ang hudikatura.

Kaya nga ng mag.umpisa ang impeachment kay Corona sa pagtutulak ni Hocus Pcos "President" BS A_Noy Aquino halos limang buwan na ang nakakaraan, ang posisyon ko ay 'let them box each other till no one's left standing.' Sa tingin ko kasi ay makakaganda sa bayan ang pagu.umpugan ng mga ito. At MUKHANG may nangyari namang maganda dahil sa naging hatol ng Korte Suprema na ibigay na ang Hacienda Luisita sa mga magsasakaw (kahit na may hinihinging kabayaran na dapat ay wala na dahil ilang dekadang overdue ang pagbabahagi nito). 





Hamong "Waiver"


Ngayon, tapos na ang telenobelang impeachment trial ni Corona at tanggal na bale siya, ang mainam sanang mangyari ay ma.pataw sa lahat ang voluntary waiver ng Punong Hukom ukol sa confidentiality ng kanyang mga bank accounts, tax records, and properties. Noong una ay hinamon muna ni Corona ang lahat ng mga mambabatas na nagtulak ng impeachment trial niya at itong hamong ito raw ngayon ay medyo mainit na itinutulak ng mga ordinaryong mamamayan. Ayon sa kanya:

I am humbly asking all 188 complainants from the House of Representatives...and Sen. Franklin Drilon to join me in this moment of truth as a gesture of transparency and reconciliation of the Filipino people. I am asking them to sign these blank forms and join me sapagkat hiling po ito ng bayan. Let us face the people together....

Magiging mainam para sa bayan ang paglilinis at hindi persecution ng isa o ilang tao lamang. Dapat LAHAT silang mambabatas at mga halal ng bayan ay maging bukas ang rekord pagdating sa kanilang mga ari-arian. Kasama si "Pangulong" BS Aquino, kabilang ang lahat ng luma at bagong mga dokumento ukol sa pagiging bahaging may-ari niya ng Hacienda Luisita.

... pero talaga nga bang hindi moro-moro lang lahat ng away daw ni A_Noy at Corona/kampo ni Arroyo samantalang hindi naman tunay na umuusad ang paghahabol sa mga pagnanakaw ng pera at boto ni EDSA 2-cum-Hello Garci former "President" na si Gloria?

Anupaman, may PETISYON ho para sa pagtutulak ng hamon upang pirmahan ng mga opisyal ng pamahalaan ang waiver patungkol sa confidentiality ng kanilang mga ari-arian:

188 Philippine Congressmen and Sen. Franklin Drilon: Accept the challenge: Sign the Waiver!

http://www.change.org/petitions/188-philippine-congressmen-and-sen-franklin-drilon-accept-the-challenge-sign-the-waiver

_____


References:

Manalo, Charlie. "Your Move." The Daily Tribune. 24 May 2012. http://www.tribuneonline.org/commentary/20120524com5.html

Supreme Court of the Philippines. Justice Renato C. Corona. http://sc.judiciary.gov.ph/justices/j.corona.php

 

Thursday, May 24, 2012

Si Jessica Sanchez, ang rasismo sa Amerika, at ang Pepper Spray is "Food Product, Essentially" na Fox News

Si JESSICA SANCHEZ, ang 16 na taong kalahating Pinay, kalahating Latina na kalahok sa paligsahang "American Idol"...
  •  si JS na may amang sundalo/ahente ng imperyalistang Kalbong Agila sa pananakop sa Iraq noong nakaraan dekada... at maaring ilang Iraqi na napatay nito
  • si JS na alienated sa kalinangang Pilipino na kalahati ng kanyang pinanggalingan dahil halos, halos walang alam ito na salitang Pilipino/Tagalog kahit na taga-Bataan ang kanyang butihing ina
  •  na anupaman, si Jessica Sanchez na todo pinahanga ang napakarami sa mga nakatunghay sa kanyang mga video sa internet o nanonood sa AI na palabas ng Fox News dahil sa angkin (at pinagtrabahuhang) kagalingan sa pag-awit...

'American Idol' Bias

HINDI naipanalo ni Jessica Sanchez, sampu ng mga fans niya kabilang ang mga Fil-Ams at Mexican-American supporters niya, ang korona. Siguro dahil napaka.BIAS laban sa kanya ng programang AI makaraan o malapit na sa Top 7 na episode nito. Unang-una, nakakadudang napunta sa ilalim si Jessica noong Top 7 dahil consistent na nasa itaas ito at up to that point ay madalas papurihan at bigyang standing ovation ng mga judges--tapos biglang baba?

Tapos, makaraan ang pag-save sa kanya, napansin n'yo ba na halos hindi na siya binigyan ng standing ovation (1 o 2 beses lang yata) ng mga judges samantalang ang mga iba na hindi kagalingan ay parang ang gaan ng mga puwet nila sa pagtayo. AT naging matipid din sila kay Jessica sa pagpuri dito samantalang ang gaan ng mga dila nila sa pagpuri kahit sa mga hindi kapuri.puring pag-awit ng ibang kalahok.

Ang AI huwes na Randy Jackson nga ay halata dito dahil sa mukhang pagpipilit nitong maipasok si Joshua Ledet sa finals, sobrang ang papuri nito dito at laging ikinakabit ang pangalan nito sa mga komento niya kay Jessica (samantalang wala siyang ikinakabit na papuri kay Jessica pag kay Joshua siya nag.ko.komento). At mahihirap na kanta ang binigay dito pag AI ang namimili. Doon sa labanan ng Top 3, halimbawa, ang tunay namang "hard" na kanta ni Mariah Carey, ang "My All" ang pinili ni Jennifer Lopez para sa kanya. Mas masama pa, sa finale, ang piniling "winning song" ng AI para kay Jessica ay napansin ng ilan na hindi lang sa mahirap bagkus ay hindi pa bagay para sa boses nito, ang "Change Nothing" na piano lang ang accompaniment. Samantala, swak na swak kay Philip Phillips ang binigay ditong kanta na "Home" na may marching band pa at killer production.

Kung ano ang ibinaba ng standards nila sa ibang kalahok, kabaligtaran naman ang pagtrato nila kay Jessica (magmula sa kalahatian ng Top 12) dahil ang higpit, ang taas ng standards ng paghusga nila dito. In other words, the judges were trying to influence the voters not to consider Jessica so much. Mukhang ayaw siyang papanalunin kung maari.





Racism & Faux Journalism?

Ewan ko ba, pero parang galing sa itaas, galing mismo sa Fox News ang mukhang script na harangan ang popularidad o potensyal na pagkapanalo ng ating pambato. Siguro parang hindi handa ang Estados Unidos na isang half-Filipina/Asian ang manalong American Idol. Oo nga at half-Latina rin si Jessica subalit ang MUKHA nito ay walang dudang ASYANO...

Bakit naman kasi ganyan ang media entity na iyan ng Kalbong Agila. Hanggang ngayon ba ay todo rasista ang mga maimpluwensyang pwersa sa bansang iyan--mahiya naman sila samantalang Asia bore the severest brunt of their imperialistic, genocidal.level killing expansion from the Philippines during the Fil-Am War to Vietnam where they dumped their Monsanto-created Agent Orange, etc. chemicals.

Mukhang bang nega conspiracy ang sinasabi ko? Tandaan ho, mga Taga-Ilog, na ang Fox News ang naglabas ng programa kung saan sinabi at pinangalandakan ng anchor nito na ang pang-rally dispersal na instrumento na PEPPER SPRAY daw ba naman ay isang "FOOD PRODUCT." Bale, notorious ang Fox News, na producer ng AI, sa news manipulation o misreporting (sa kabila ng pagtawag nito sa sarili bilang "fair & balanced" daw). Sa kasong 'pepper spray is a food product' ay mind manipulation pa. Lol. Eto ho ang link ng sinasabi kong kahindik-hindik sa pagiging katawatawang balita:




Talk about reshaping perceptions of reality. Hihihihihi. Eto ho news article pa ukol diyan:

Fox News calls pepper spray a food product


Ganito na lang, para malaman natin kung hindi lutong makaw ang resulta ng 2012 na American Idol, bigyan natin ng ilang sunod-sunod ng BURST ng PEPPER SPRAY sina Jennifer Lopez, Randy Jackson, at Steven Tyler. Kapag nakuha pa nilang sabihing Pepper Spray is
"a food product, essentially"--ibig sabihin siguro talagang hindi si Jessica Sanchez kundi si Philip Phillips ang totoong nagwagi ng AI. Deal ka ba, Faux, este, Fox News? lol.



Maski si Philipps Hindi Makapaniwala?


Maski si Philip Philipps parang hindi na.take ang pagka-"panalo" niya at ilang beses na nga ba niyang inamin na vocally o technically ay mas magaling na manganganta si Jessica (at Ledet). Kung iisiping napaka.professional niya at kahit kailangan nang operahan ay lumaban pa rin, sukat ba namang hindi tapusin kantahin ang kanyang 'winning song sa bandang kalagitnaan o umpisa pa lamang yata, umiyak o medyo nag.sob at bumaba na lamang. Iyan pa lamang ang alam kong American Idol winner o contestant ba na gumawa ng Big No na ganyan. Para bang walkout ang dating. Buti na lamang at ang marching band na accompaniment ng kanyang final song noong finale (na wala si Jessica) ay natakpan ang pagputol niya ng kanyang musila.

Eto ang video ng ala-walkout na "Coronation" ni Philip Phillips: 





Anupaman, hindi bale na. Panalo na rin naman si Jessica sa mata ng karamihan sa mundo siguro. Kahit hindi siya ang "American Idol, Jessica Sanchez, is nonethless potentially the greatest female singer in the Western (and Filipina/Latina?) world. Bukas na ang malaking opportunity door. She will still start a new and very important phase in her life--important for her, for the Filipinos, Mexicans, and the world possibly. Sa tingin ko ay magiging kahanay niya si Shirley Bassey sa galing sa pagkanta at magiging kasing.laki o higit pa kina Whitney Houston, Macariah Carey (sa pagkanta), Beyonce, Rihanna, at iba pa. Sa sobrang galing ni Jessica hindi lamang sa teknikal na aspeto ng pagkantan kung hindi sa pag.interpret, pag.emoteng/konek sa kanta, she is really beyond any race issue although we are, of course, proud that she is at least half of our race.

Pero talagang mainam na rin siguro ang nangyari para GUMISING na ang mga Pinoy kung gaano ka.RASISTA ang malalakas na pwersa--o mga Amerikano mismo?--sa Kalbong Agila. :)

_________


Photo Credits:

http://3.bp.blogspot.com/-qRCbukBs644/T4OUYGmTyGI/AAAAAAAA G- o/JpLVtZwyRDw/s1600/9e587a60980350d777 c4c611ef5f44ef327193a2-Jessica-Sanchez-I- Will-Always-Love-You-American-Idol-Top- 13.jpg

http://www.csmonitor.com/var/ezflow_site/storag
e/images/media/content/2012/5-10-12-jessica- sanchez/12525823-1-eng-US/5-10-12- Jessica-Sanchez_full_600.jpg

http://3.bp.blogspot.com/
- FhKS2VWdsUg/T1i7m- CsaOI/AAAAAAAAAp8/QRV14CjuuT8/s160 0/Jessica-Sanchez.jpg

http://images.buddytv.com/userquizimages/c3e42f
eb-9ce1-48f8-965b- 25c8e151da23americanidol_logo.jpg

Friday, May 18, 2012

Isang Paglalarawan ng American Colonial MisEducation

HINDI ko rin minsan masisi kung bakit may ilan/marami sa tabi-tabi na pag nakakanti ang imperyalistang Kalbong Agila ay na.hi-highblood, nagagalit, minsan ay nagmumura pa... Balikan po natin ang mga itinuro sa atin noong American Colonial Period.

The emblem of Bald Eagle IMPERIALISM. The primary tool of imperialism--COLONIAL misEDUCATION.... Sa ginawang Brainwashing sa ating mga ninuno o mga lola at lola, magtataka pa ba tayo na hindi alam ng iba/marami diyan ang Philippine-American
WAR (1899-1914) at ang alam lang ay Filipino-American "FRIENDSHIP"????


Ang kanila--mga Amerikano--daw ba namang WATAWAT ay atin.... matapos nakawin ang ating kasarinlan gamit ang nakakasuka de kakatwang Treaty of Paris at rasista de malupit na militar na kumitil sa lampas milyong Pilipino/Pilipina (directly & indirectly) kabilang sina Hen. Macario Sakay, Hen. Lucio San Miguel, at Hen. Gregorio del Pilar noong Digmaang Pilipino-Amerikano. Makaraang magpatupad ang Estados Unidos ng FLAG Law of 1907 na nagbabawal sa paglantad ng bandila ng Republika (ni Aguinaldo) o ng Katipunan, ituturo na ang Stars & Stripes daw ang ating bandila???

Kasama sa panguuto sa atin ay ang pagtuturo ng kanilang BANYAGANG WIKA. Sinasabi nga ng linguistic determinism theory: worldview is determined/influenced by verbal language and/or a language's structures grammar-wise, inherent ontologies, and distinctions semantics-wise. Dagdag pa ay patriarchal ang wikang ito, di tulad ng ating wikang Pilipino/Tagalog na patas sa kababaihan kahit papaano. Opo, patriarchal dahil sa wikang Ingles ay ang lalaking kasarian ang 'norm'-- "chairman," "mankind," atbp. Kahit hanggang ngayon ay inirereklamo ng mga feminista ang patuloy na sexism ng wika/lipunang Amerika.


Ang Pilipinas/Tagalog/Taga-Ilog/Maharlika ang kauna-unahang malayang bansa na biniktima ng malupit na militar nito. And that United States has NOT yet apologized for their Fil.Am war crimes--stealing of our independence and our land, the rapes of Filipinas, the water cure tortures, reconcentration camps, the racist insults, the genocidal murders. Ang mga nasa ilalim ng patuloy na kontrol ng Kalbong Agila--ang mga colonial-minded, ika nga, walang alam kundi ikumpara ang U.S. sa bansang Hapon na kesyo mas malupit daw, mas maraming pinatay, atbp. Hindi natin masisisi ng lubos kung bakit hindi nila makita o hindi alam na ang Hapon ay humingi na ng tawad sa mga ginawa nitong noong Ikalawang Digmaan Pandaigdig samantalang ang Amerika ay hindi pa? Ang Hapon ay nagbayad pa nga ng reparation sa atin kahit papaano. Japan, which was A.bombed by that imperialist nation, had the decency to apologize to the Filipinos. ... Wonder who are the real barbarians....


Dahil sa continuing o entrenched na colonial miseducation ay marami sa atin ang 'docile' o yumakap ng husto sa Amerika. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig daw ay nagulat nga daw si Hen. Artemio Ricarte sa sobrang pro.Kano ng utak ng pinoy noon samantalang noong Fil.Am War ay kaaway na mananakop ang tingin sa Kalbong Agila...... Hanggang ngayon, dahil thru the unpatriotic elites ay hawak nila ang, o malakas ang impluwensa nila sa sistema, kabilang ang mahalagang educational system na makikita sa mali o baluktot na kasaysayang tinuro sa atin.... Fil.Am War na lamang, glossed over at justified na pananakop ng Amerika ang bersyong itinuro sa atin ng mainstream education subali't napakarami palang atrocities, napakasinungaling at mang.uuto pala ng Imperyalista.


Imulat po natin ang ating mga mata. Mahalin ang ating sariling wika, watawat, lahit, kasaysayang tunay. Sa atin hong mas mulat, subukan ho nating i.resist ang patuloy na colonial miseducation gamit hindi lamang ang mga paaralan kundi pati ang yellow mainstream media. Alamin ang ating kasaysayan, ang kasaysayan ng ating relasyon sa "stateside" na bansa.


_____

 

Wednesday, May 9, 2012

Ang Pinakamasaklap na Kaarawan ni Gat Gregoria de Jesus

"Matakot sa Kasaysayan Pagka't Walang Lihim na Di Nahahayag"
- Gregoria "Oriang" de Jesus

 
TAON 1897, Mayo 9, edad eksaktong dalawangpu at dalawang taon (22) si Gregoria "Oriang" de Jesus noon nang naranasan niya ang pinakamasaklap at pinakamapanglaw na kaarawan sa makulay at makabayan niyang buhay. Nang araw na iyon ay aping nakapiit sa bilangguan ng pwersang Magdalo ni Hen. Emilio Aguinaldo y Famy ang kanyang butihing kabiyak, si Supremo Andres Bonifacio y de Castro, isang sa mga nagtatag at kasalukuyan sanang pinuno/Pangulo ng secret-society-turned-revolutionary-government Kataastaasang Kagalanggalangang Katipunan nang manga Anak. Sa katunayan, nang nakaraan araw lamang ay tinukuran o itinaas ng pinsan ni Aguinaldo ang pasya ng 'kangaroo court' na hukumang militar na kanilang itinatatag na "may sala" daw ng sedisyon, atbp. si Bonifacio at kailangang itong paslanging o i.execute. Kaarawan niya subali't kahabag-habag na nakakulong ang Supremo... papatayin na ang kanyang kabiyak kasama ang kapatid na si Procopio, ng masamang kampong nandaya sa balota ng Tejeros at pinilit ang pagtatatag ng pamahalaang labas at sedisyoso sa Katipunan.

Tumatangis marahil abot hanggang langit si Oriang sa napipintong kasamaang gagawin sa kanyang bayaning asawa. Pananaghoy, imbes na pagdiriwang, sa kanyang kaarawan ang kanyang nararamdaman. Hindi mawari kung paanong si Gat Andres, na binigyang buhay at tinarbaho ang pangarap na Kasarinlan ng Bayan... nang walang pag-iimbot na nagbigay ng kanyang oras, at kagalingan at ibinuhos ang kanyang naguumapaw na katapangan, katapatan, at pagmamahal sa ating lahi--ay magiging biktima ng sukdulang kabuktutan ng mga itinuring nitong kapatid sa Himagsikan. Pati siya mismo, nang daklutin ang Supremo, si Oriang mismo ay nakatikim ng kahayupang panghahalay na isinagawa ng tauhan ni Aguinaldo...



________ 

 

Ipinanganak ng Mayo 9, 1875 sa Caloocan sa Maynila si Gregoria ng kanyang inang si Baltazara Alvarez Francisco at teniente del barrio/gobernadorcillo na ama, si Nicolas de Jesus. Magiging malaki ang papel ni Oriang sa Himagsikan ng Pilipinas/Tagalog/Taga-Ilog/Maharlika laban sa Kastila.

Marunong si Oriang, nakakuha ng pagkilala sa kanyang pag-aaral, subalit huminto ito at isa pang kapatid na babae upang tumulong sa kanyang pamilya sa paghahanap-buhay, sa pag.aasikaso ng kanilang manggagawa at kasama, maliban pa sa paminsan-minsang pananahi at pagtupad sa gawaing bahay. Naging magandang dilag pa si Oriang, kung kaya't marami ang nanligaw dito, kasama na si Andres Bonifacio na noon ay balo na sa kanyang unang asawa. Ayaw ng kanyang mga magulang kay Bonifaco dahil ito ay isang mason subalit nanaig ang kanilang pag-iibigan.

Kinasal si Oriang at si Andres noong Marso 1893 sa Simbahan ng Binondo. Makalipas ang isang linggo ay ikinasal ulit sila sa ritwal ng Katipunan. Naging Katipunero rin si Oriang pagkatapos na pagkatapos ng kasal. Sa kanyang inisasyon sa KKK ay nilapat sa kanya ang simbolikong pangalang "Lakambini."

Tumira sila ni Bonifacio sa Calle Anyahan sa tapat ng Bisita ng San Ignacio at doon niya inumpisahan ang pagkilos para palakihin ang Katipunan, tumulong paramihin ang mga kasapi nito. Siya rin ang gumawa ng unang watawat ng Katipunan, katuwang ang kanyang ninang na si Benita Rodriguez y Javier. Inatas din sa kanya ang delikadong gawain na pag-iingat sa mga tagong papel ng KKK. Maraming beses daw na pag nakakatanggap sila ng babala na may kapulisang Veterana na nagsisiyasat ay dali-dali niyang iipunin lahat ng mga dokumento, armas, at selyo ng KKK, isasakay ang mga ito sa isang sasakyang maisasara ang mga bintana, at aandar ng tuloy. tuloy sa Bay of Tondo at mga kalsada ng Binondo hanggang abutin ng kalagitnaan ng hatinggabi. Ginawa niya ito ng walang palya dahil sa kanaisang huwag maparusahan ng malulupit na Kastila ang ating mga mamamayan.

Nagka-anak ng batang lalaki si Oriang at Andres na pinangalanan nila ng tulad sa ama nito. Ninong pa nga si Pio Valenzuela sa binyag nito. Sa kasamahaan palad, namatay sa sakit na small pox ang bunga ng pagmamahalan ni Lakambini at Supremo. Nauna rito ay nasunog ang kanilang bahay sa Manila.

Nang madiskubre ang Katipunan ay kinailangang sumama si Oriang kay Andres sa pagtatago sa kanayunan at sa huli ay sa mga Kabundukan. Alias siyempre ang mga ginamit nilang pangalan--"Manuela Gonzaga" raw si Oriang. Sumama na rin siya sa pakikibaka ng kanyang asawa. Sa pagnanasang maiwagayway ng bayan ang watawat ng Katipunan, ng kalayaan, hindi natakot si Oriang na masaktan, mahuli, mamatay. Naranasan niyang matulog sa lapag, sa sahig, ang hindi kumain ng isang buong araw, ang uminom ng tubig sa mud-holes o mapait na katas/dagta ng mga halabang baging/kalipkip. Sa madaling salita, naghirap sa paglaban para sa ating kalayaan si Gregoria de Jesus. Naging isang Katipunerang sundalo siya--sumasakay ng kabayo, bumabaril, gumagamit ng iba pang mga sandata.

Nagkitang muli nina Oriang at kabiyak nito sa San Franciso del Monte. Isang gabi, kinailangan kasi niyang lumisan papuntang Balara habang ang Supremo at ilang Katipunero ay nagpunta sa Marikina. Ang sumunod na pagkikita nila ay sa Cavite, na balot na ng kasamaan ng kampo ni Aguinaldo. Abril 27/28, 1897 ay patraydor na dinaklot si Bonifacio ng nagpanggap na kapatid sa Katipunan na sina Agapito "Yntong" Bonzon, Jose "Intsik Paua," atbp. na naatasang dakpin ang Supremo 'dead or alive.' Mainit pang tinanggap ang mga ito ng nakaraang gabi nina Bonifacio subalit binaril siya sa braso at sinaksak siya sa lalamunan. Pinatay pa ang isang kapatid ng Supremo na si Ciriaco at dinaklot na nga ang Supremo at isa pang kapatid na si Procopio. Hinalay o tinangkang halayin si Oriang ni Yntong samantalang itinapon sa isang masikip at madilim na preso ang magkapatid na Bonifacio. Hindi pinayagan ang pagbisita at dili't hindi sila pakainin.

_____



Hindi
lang dinaya, inagawan ng kapangyarihang maghihimagsik, pa.traydor na dinaklot pa 'dead or alive,' at lutong makaw na hinatulan ng kamatayan nila Aguinaldo... ni Aguinaldo na minsan nang sinagip sa kahihiyan, at maari ay kamatayan, ni Bonifacio. Walang magawa subalit ay nagngingitngit siguro si Oriang at marahil ay naisip na sana pala ay pinabayaan na lang ng Supremo na magkabanatan si Aguinaldo at ang nakaalitang kapwa Katipunero na si Ramon Padilla y Garcia noong Marso ng isang taon. Sa ulat ni Hen. Alvarez ay kinakabahan daw si Aguinaldo sa napipintong duelo sana nila ni Padilla. Maari, naisip siguro ni Gregoria de Jesus na kung hindi nagbigay ng tulong at suporta ang kanyang kabiyak, natapos na sana noon pa ang buhay ng walang utang na loob na si Miong... at hindi sana nasira ang demokratikong Katipunan, maayos pa sana ang Himagsikan at hindi papatayin ang Supremo... Masaya sana ang kanyang kaarawan habang silang mag-asawa ay patuloy na nangangarap at kaisa ng bayan sa pagplaplano at pagsasakatuparan ng ikalalaya ng bayan.

Bukas, Mayo 10, 1897, papaslangin na ng walang katarungan, ng mga sakim sa kapangyarihan, ang kanyang mahal na kabiyak, ang Supremo....


*********

Mga Batis:

Alvarez, Santiago. The katipunan and the revolution: memoirs of a general : with the original Tagalog text. Paula Carolina S. Malay. Trans. Ateneo de Manila University Press, 1992. http://books.google.com/books?id=F3q-krDckHwC&dq=SANtiago+alvarez+tejeros+forced&source=gbs_navlinks_s

Artemio Ricarte Declaration date 24 March 1897. Filipiniana.net.
http://www.filipiniana.net/publication/artemio-ricarte-declaration-dated-24-march-1897/12791881635983

Duka, C. Struggle for Freedom. Rex Bookstore, Inc., 2008.
http://books.google.com/books?id=4wk8yqCEmJUC&dq=bonifacio+aguinaldo+dead+noriel&source=gbs_navlinks_s

National Historical Commission. Gregoria F. de Jesus (1875-1943).
http://www.nhi.gov.ph/index.php?option=com_remository&Itemid=2&func=download&id=278&chk=5822fe75cb3bd7f812de4b4422f03e55&no_html=1
-----

Raw Photo Credit:

Photo credit: http://bahaynakpil.org/images/lola_gorya_invite.pn


...