Tuesday, February 21, 2012

Colt .45, Made to Kill the Filipino Freedom-Fighter

Ang kasaysayan ng COLT .45 ACP, o .45 ACP (11.43x23 mm Automatic Colt Pistol) ay dapat sigurong intindihin ng lubos ng.... mga rebeldeng MORO na nakikipagsabwatan sa "scourge of the human race," ang pamahalaang US at itinutulak ang SUBSTATE.

Isang rimless na pistol cartridge na dinesenyo noong 1904 ni John Browning na ginamit noong Digmaang Pilipino-Amerikano (1899-1914) upang 'isang baril (putok)' lang daw ay bagsak na ang mga panatiko daw na Moro (na nagrerebelde sa pananakop ng mala.buwaya de hyena na Kalbong Agila).

Itong baril na rito, o imahe niya, ay dapat na isaksak sa kamalayan ng mga traydor na rebelde Moro na hibang na nakikipagalyansa sa damhong Kalbong Agila upang IHIWALAY ang Mindanao, o bahagi ng Mindanao sa PILIPINAS. "CRACKHEADS" ang bansag ng imperyalistang barbaro sa inyong mga ninunong Moro, sa ATING mga ninunong (batay sa ating common Austronesian heritage) na nagpatuloy ng paglaban para sa kalayaan mula sa kanluraning magnanakaw nito.

"The Cavalry had fielded some double action revolvers in .38 Long Colt, and they determined that the .38 caliber round was significantly less effective against determined opponents, such as those encountered in the Moro Rebellion warriors they were fighting at the time of the Philippine-American war, than the .45 Colt. The current issue rifle at the time, the .30-40 Krag, also had failed to stop Moro warriors... This experience, and the Thompson-LaGarde Tests of 1904 led the [Bald Eagle] Army and the Cavalry to decide that a minimum of .45 caliber was required in the replacement handgun."

http://www.gunslot.com/articles/45-acp

Ang isang na kwento ukol dito ay tunkol kay Panglima Hassan na isang pinuno ng tribong Tausug. Dahil ayaw niyang sumuko sa mananakop, walang takot na lumusob siya sa linya ng mga kaaway na Amerikano. Gamit lamang ang kanyang bolo ay tatlong imperyalista sundalo ang kanyang kinatay bago siya bumagsak, hindi yata talaga dahil sa mga putok ng kaaway kundi kinailangan pang pagpapaluin siya ng dulo ng mga pistol nila: "It was determined that the thirty-two Krag bullets hit Hassan before a last bullet from a sergeant's revolver plugged him dead between the eyes."

Kaya mga kapatid naming Pilipinong Muslim na kumakapit sa dmnyo para humiwalay sa Pinas, tandaan n'yo ang Colt .45 ACP. Sabi nga ng isang Moro sa isang taga Kalbong Agila:

""Well you know, we were the people your Army had to invent the .45 automatic for!" – Moro Warrior of Mindanao"


Mga Batis:

Escuyos, Kenji. https://www.facebook.com/photo.php?fbid=2627350371009&set=o.138342639615065&type=1&theater


Glockster. http://www.gunslot.com/articles/45-acp

Nash, David. http://www.guns.com/shoot-to-wound-shoot-to-kill-shoot-to-live.html


PHOTO credit:  


http://www.gunslot.com/

No comments:

Post a Comment