Alam n’yo ba na ang Tejeros Convention ang unang “Hello Garci” at “Hocus Pcos”???? Ang UNANG DAYAAN sa botohan sa bayan nating Pilipino. Ngayon, eh bakit kung ituring ito ay ipinagmamalaki pa imbes na dapat ay ibasura at tuligsain.
PRE-FILLED ang mga balota ng halalang iyon nong Marso 22, 1897 ayon kay Diego Mojica, ang Magdiwang Council Treasury Secretary. Si Gen. Artemio Ricarte, mismo nahalal bilang Kapitan-Heneral diyan sa Tejeros Convention na iyan, ay gumawa ng deklarasyong marumi ang nasabing halalan. According to Ricarte, the Tejeros elections were charactererized by “dirty or shady practices in the manner.”
Ayaw din ni Ricarte na tanggapin ang kanyang
posisyon at manumpa subali’t parang natakot siya. He insinuated that his
eventual oath-taking came under a sort of duress:
That they kill me
that same night, for the reasons above cited, or that they give me three
hours, or at least one hour, to think over what I must necessarily do
in order to accept said office; this second request was but a mere
pretext, in order to enable me to absent myself from that Assembly. I
obtained nothing of what I requested, because not even one of them gave
me his assent.
Supremo Andres Bonifacio y de Castro, the
chairman of the convention, declared the proceedings null and void after
the scandal caused by Daniel Tiroja who committed grave violations of
the prior agreement to honor the electoral results. Nagdeklara din sina
Bonifacio at mga 40 pang ibang Katipunero na bale wala ang Tejeros
Convention sa pamamagitan ng Acte de Tejeros.
Madaya ang
Tejeros Convention. Pwera pa sa iskandaloso at wala sa order.
Deklaradong null and void. Sabihin pa, PATAGO ang oath-taking nila
Aguinaldo, patago upang hindi malaman ng mga Magdiwang, ayon sa
memoirs nila Santiago Alvarez. AT isang Kastilang pari ang
nag.officiate. At kahit hindi Kastila, kung isa itong pari na hindi kumalas sa ilalim ng kapangyarihan ng Kastilang Simbahang Katolika ay ganoon din. Saan ka nakakita ng nagrerebelde ay isang authority ng
pinagrerebeldehan ang nagbasbas ng pagkapanalo nito?
Tejeros Convention. Isang basurang pangyayari. Pero tinatanghal ng pamahalaan natin. Bakit kaya????
__________
Mga Batis:
Alvarez,
Santiago. The katipunan and the revolution: memoirs of a general :
with the original Tagalog text. Paula Carolina S. Malay. Trans. Ateneo
de Manila University Press, 1992.
http://books.google.com/books/about/The_katipunan_and_the_revolution.html?id=F3q-krDckHwC
Artemio Ricarte Declaration date 24 March 1897. Filipiniana.net.
http://www.filipiniana.net/publication/artemio-ricarte-declaration-dated-24-march-1897/12791881635983
Bonifacio,
Andres. “Letters to Emilio Jacinto.” In The Writings and Trial of
Andres Bonifacio, trans. Teodoro A. Agoncillo and S. V. Epistola.
Manila: Antonio J. Villegas; Manila Bonifacio Centennial Commission;
University of the Philippines, 1963. 13-22.
http://bonifaciopapers.blogspot.com/2005/09/bonifacio-andres_112726277825094355.html
Letter to Emilio Jacinto, 24 April 1897. Filipiniana.net.
http://www.filipiniana.net/publication/letter-to-emilio-jacinto-24-april-1897/12791881633428
The “Acta de Tejeros”.
http://kasaysayan-kkk.info/docs.adt.230397.htm