Tuesday, August 23, 2011

Salamat sa Pagtutol ni Erap sa Moro Substate

ERAP: 'BangsaMoro SUBSTATE a MISTAKE'

MARAMING MARAMING SALAMAT sa pagpapahayag/paglilinaw ng tutol na posisyon hingil sa Moro substate (MOaAD rehash), tunay na Pangulong Joseph Estrada.

Kung nagawa ninyong magparaya sa pandarayang Hocus Pcos noong Mayo 2010, itong dismemberment ng ating bansa ay hindi dapat palampasin. Paano na lamang ang mga ipinaglaban nila Supremo Andres Bonifacio y de Castro at iba pa nating mga bayani noong Himagsikan at Digmaang Pilipino-Amerikano upang mabuo ang ating bansa/mapaglaban ang kasarinlan.




Maganda ho sigurong talikuran n'yo na itong si Pangulong" A_Noy Aquino y Hocus Pcos. Ang dilaw na nanay ay ipinamigay ang Sabah. Itong dilaw na a_noy na anak ay ipinagpatuloy naman ang MOaAD substate ni Gloria Dorobo.

Alalahanin ho natin na ang pangunahing nagtutulak nitong Moro substate ay ang Kalbong Agila na kumitil ng daang libo kung hindi man isa't kalahating milyong mga kakabayanan natin noong Fil-Am War (1899-1914). Such happened directly through military encounters and indirectly through torture, grievous concentration camps a.k.a. military kidnappings, etc.

Ang alam ko ho ay noong unang KAMASA Eyeball ay sinabi ninyong gusto talagang hatiin nila Arrobo at Kalbong Agila ang Mindanao. Akala ko rin ay pababayaan n'yo lamang ang isyung ito dahil kampi na kayo kay A_Noy Aquino.

Buti na lamang at nagsalita na kayo. Ako ho ay pinanghihinaan na ng loob at parang gusto kong tumigil sa paglaban, sa pagsusulat ukol sa ating bayan dahil parang lahat na lang suportado itong halos karimarimarim na pagtratraydor na ito sa Mindanao. 



A Matter of Territorial Integrity & Historical Sobriety

Utang na loob, Pangulong Erap, ipaglaban ho nating todo ang ating territorial integrity, ang ating pagkabansang hinangad at binuwisan ng dugo't buhay ng ating mga bayani, Katipunero, sundalo at freedom fighters, kabilang ang ating mga kapatid na Muslim, mahigit isang siglo na ang nakakalipas.

Oo nga at kinamkam ng mga Kastila ang lupain ng mga Moro sa katimugan ng ating archipelago. Subali't kahit sa mga lumad sa halos buong parte ng kapuluan ay nangyari rin ito.

Oo nga at may pagka-imperial ang Manila at napapabayaan ang Mindanao samantalang mayaman ang lupaing ito. Subali't ang mga gumagawa naman nito ay ang mga dilaw na elit at hindi ito kasalanan ng karamihan sa ating mga Pilipino. Kung kaya't bakit parurusahan ang ating bansa sa pamamagitan ng paghahati rito.

Isa pa, bakit relihiyon, o kulturang hinubog ng isang relihiyon, ang gagawing batayan sa paggawa ng substate ng ito? At kung sakaling matuloy at idaan sa reperendum ito, malamang sa hindi ay matulad lamang ito sa Hocus Pcos ng Mayo 2010. Hinding-hindi dapat payagan ito.

Dapat lamang ay pagtuunan ng mas malaking pondo at pagaasikaso, o kumpuninhin ang kasalukuyang autonomiya kaya, sa Mindanao. Nguni't hinding-hindi substate ang sagot sa mga suliranin sa Mindanao. Kapayapaan ay nais nating lahat subali't hindi makatarungan at hindi sagot ang paghahati ng Republika.

Maraming salamat, Pangulong Erap. Para sa Bayan, ating mga Bayani, sa Pagkakaisa sa ilalim ng isang Republika at Bandila.

_______


 

Check out:

Erap: BangsaMoro substate a mistake By Mario J. Mallari 08/16/2011. http://www.tribuneonline.org/headlines/20110816hed4.html

Olivarez, N. Noynoy ‘Amboy’ Aquino. http://www.tribuneonline.org/commentary/20110814com2.html

Tiu-Laurel, H. The traitor class DIE HARD III Herman Tiu Laurel 08/08/2011. http://taga-ilog-news.blogspot.com/2011/08/traitor-class-die-hard-iii-herman-tiu.html

Big mistake EDITORIAL 08/11/2011. http://taga-ilog-news.blogspot.com/2011/08/big-mistake-editorial-08112011.html

Gov’t, MILF to have joint powers under substate. http://taga-ilog-news.blogspot.com/2011/08/govt-milf-to-have-joint-powers-under.html

Olivarez, N. Treason, any which way it is cut. http://taga-ilog-news.blogspot.com/2011/08/treason-any-which-way-it-is-cut.html

Noy, MILF dead set on setting Muslim substate. http://taga-ilog-news.blogspot.com/2011/08/sneaky-noynoy-frontline-ninez-cacho.html

Olivarez, N. A skunk is a skunk is a skunk. http://taga-ilog-news.blogspot.com/2011/08/skunk-is-skunk-is-skunk-frontline-ninez.html

Noy: Bangsamoro substate will include non-Muslim communities. http://www.tribuneonline.org/headlines/20110813hed3.html



Raw photo credits:

http://images.gmanews.tv/video_thumbnails/2010a/2011a/08/sona_080911_8.jpg

http://images.otsopya.multiply.com/image/1/photos/upload/300x300/SM-Y7AoKCC0AACK3u0s1/moroland-settingsun.jpg?et=nQ1eF37wkMYToQfvyguvVA&nmid=0

http://4.bp.blogspot.com/_A7sMufBg5uU/SLwNzDl13NI/AAAAAAAAAFc/M4l6USEFOg8/s200/mindanao+ancestral.jpg

http://www.amazon.com/gp/reader/B005CVMIA2/ref=sib_dp_kd#reader-link

http://3.bp.blogspot.com/-VwqrCj8XhN8/TkTtOVi7yyI/AAAAAAAAgEw/scnNgUNFmB8/s200/moroland_.jpg

http://texaninthephilippines.com/wp-content/uploads/2011/08/President-Aquino-and-MILF-Chair-Al-Haj-Murad-Ibrahim-in-a-meeting.jpg

http://newsinfo.inquirer.net/files/2011/08/Moro-rebels.jpg

http://4.bp.blogspot.com/_A7sMufBg5uU/SLwNzDl13NI/AAAAAAAAAFc/M4l6USEFOg8/s200/mindanao+ancestral.jpg

http://images.otsopya.multiply.com/image/1/photos/upload/300x300/SM-Y7AoKCC0AACK3u0s1/moroland-settingsun.jpg?et=nQ1eF37wkMYToQfvyguvVA&nmid=0

 
Filipiniana.net

Philippine.americanwar.webs.com

Tuesday, August 2, 2011

NAGMULTO Sina BONIFACIO At LUNA Noong HALALANG 1935

NAGMULTO Sina BONIFACIO At LUNA Noong HALALANG 1935

Maaring may iba sa inyo na hindi masyadong alam na si Hen. Emilio Aguinaldo y Famy ay tumakbo--at natalo syempre--sa halalang pampanguluhan noong 1935, "Commonwealth," Panahon ng imperyalistang Amerikano. Masasabing ang dahilan ng pagkatalo ni Aguinaldo ay ang mga MULTO nina Supremo Andres Bonifacio y de Castro at Hen Antonio Luna y Novicio.

Tumpak, multo ngang masasabi dahil minulto ng kanyang nakaraan si Aguinaldo. Ipinaalala ng kampanyang propaganda ni Quezon, dating ayuda-de-campo ni Aguinaldo noong Digmaang Pilipino-Amerikano, ang sinasabing naging kamay (o utos) ng huli sa mga pagpapatay kay Bonifacio at Luna. Makikita ito dito sa flyer na nagsasabing dapat parusahan si Aguinaldo sa "panakaw, pasukap at mahiwagang pagliligpit" sa "mga tunay na Bayani!"

Sa lawaran sa flyer ay makikita sina Bonifacio at Luna--mga pinatay noong Himagsikan (o Digmaang Pilipino-Amerikano) na may halos dalawang (2) taon lamang ang pagitan--na umuusig kay Aguinaldo habang ito ay may panakaw na kinukuha mula sa labas ng bintana. Maaring sabihing "black propaganda" ito dahil panahon iyon ng halalan. Subalit's black propaganda nga ba, samantalang isinulat naman talaga nina Hen. Santiago Alvarez at Julio Nakpil, atbp. ang mga pangyayaring nagtuturo sa salang utos na pagliligpit kina Bonifacio at Luna?

Naalala ko tuloy na noong mag-aaral pa ako sa Mataas na Paaralan, minsan akong nagbukas ng aklat ng Social Science at nabungad iyon sa pahina ukol kay Hen. Aguinaldo. Natingin ang aking ama at medyo paismid na sinabi na noong panahon niya ay mababa ang tingin diyan kay Aguinaldo.






Kung wala bang batayan ay matatalo ba ni Manuel Luis Quezon y Molina si Aguinaldo samantalang naging pangulo ang huli at sa panahon pa ng Himagsikan? Wala naman yatang nagreklamo na nagkaroon ng dayaan sa pampanguluhan noon halalan ng 1935, na ginanap pa kamo noong Setyembre 15, na siyang araw ng pagbubukas ng Kongreso ng Malolos ng panahon ni Aguinaldo. Malaki ang naging lamang ng nanalong si Quezon kay Aguinaldo: 695,332 laban sa 179,349 (67.99% - 17.54%). Sa katunayan nga ay pinayuhan si Aguinaldo na huwag na kailanman tumakbo sa halalan. Malinaw, nilampaso ng taumbayan si Aguinaldo at ang pinili ay si Quezon.

Maari ring idagdag na kung sa Tejeros Convention--na halos ay sinalihan lamang ng mga taga Cavite--ay nanalo si Aguinaldo sa pamamagitan ng daya batay na rin sa pahayag ni Hen. Artemio Ricarte at pag-uulat kasaysayan ni Hen. Santiago Alvarez, dito sa halalang 1935 ay hindi na umubra si Ka Miong. Kung hindi man tunay na nagmulto ang Supremo at si Hen. Luna ay ginamit naman ng wasto ni Quezon ang isyung pagligpit sa kanila.

*******


Nakasulat sa flyer:

Nahuli Ng Mga Kaluluwa Ang Isang Nangangalulwa Ng Kapangyarihan.

MGA MANGHAHALAL:

Magpakagising kayo, sapagka't ang dating gawi ni Aguinaldo noong panahon ng Himagsikan ay siya na naman daw ibig gawin ngayon. Diwa'y nasasalat na niyang di-maaring maluklok siya sa Panguluhan ng "Commonwealth" sa mabutihang paglalaban, ay tinatangkang makuha ito sa mga kaparaanang ginagamit-gamit niya nang panahong lumipas, na panakaw, pasukap at mahiwagang pagliligpit sa mag kaagaw niya sa kapangyarihan, na gaya ng ginawa kina Bonifacio at Luna.

Ang larawang nasa itaas ay naghihiwatig ng bagong tangka: agawin nang palihim o panakaw ang Malyete ng Panguluhan ng Mangkomunidad, at huwag dumaan sa hagdanan kundi sa bintana, na ang ibig-sabihi'y bonipasyuhin at lunahin ang kanyang kalabang ngayon pa'y tiyakang Pangulo nang mahahalal sa Mangkomunidad.

BAYAN: Parusahan mo ang mga mamamatay ng iyong mga tunay na Bayani!
Setyembre 17, 1935.

________


Mga Batis:

http://pinoykollektor.blog​spot.com/2010_09_01_archiv​e.html (mga larawan)

http://www.quezon.gov.ph/q​mk/mlq.html

http://en.wikipedia.org/wi​ki/Philippine_presidential​_election,_1935

http://www.activeboard.com​/forum.spark?forumID=11720​0&p=3&topicID=19180666

Thursday, July 21, 2011

Legobrick Homes--Sulit, Mainam, Maganda, para sa Pinoy


LEGOBRICK HOMES. Bahay na matibay at magara. Tipid sa kuryente: hindi mainit. Less expensive in the long run. May totoong Transfer of Technology pa.

Produktong Pinoy. Gawa ng Pilipinong ma-prinsipyo...kahit dati ay mukhang malapit sa dilaw, at kahit wala siyang mapapala ay tinuligsa ang Hocus Pcos ng Mayo 2010.

Legobrick. Maipagmamalaki. Sulit. Komportable.



FAQs

WHAT IS LEGOBRICK SYSTEMS AND DESIGNS?

It is a pioneering Filipino manufacturing company that introduces brick as a practical and economical building block. What is unique about it is that it brings to the Philippines the modular interlocking system where the brick used is a “hollow brick.” This means it could accommodate steel and cement which makes it different from the bricks sold in the Philippine market which is merely decorative and cladded.

We inspire to build with brick by supplying (with transfer technology) and / or building elegant, genuine brick homes and other constructions.


WHERE IS LSD’S MAIN OFFICE?

LSD’s main office is in Rizal Ave., Olongapo City and we manufacture our bricks at a 1.2 hectare production plant in New Cabalan, Olongapo City. However, for our Metro Manila clients, we schedule an onsite presentation and briefing at on-going project sites.


WILL LSD CONSTRUCT OR DO CLIENTS SIMPLY BUY THE BRICKS?

LSD has accredited contractors and builders to do the construction but if our client wants to do it themselves, we work with them, making sure that there is a thorough transfer of technology. We will only charge for minimal supervision fee.


HOW DO YOU KNOW HOW MANY IS THE BRICK REQUIRED FOR A HOUSE OR A BUILDING?

Formula: Brick size [2x4x8 inch. (96 bricks per sq.m) or 2.5x5x10 inch. (64 bricks per sq.m)] multiplied by walling area in sq. m. minus wall openings = indicative amount of bricks needed.


COULD YOU BUILD A HIGH RISE WITH LEGOBRICK?

Yes. The first project of LSD was in Baguio City. A 3 storey home completely made out of brick. We also did a 4 storey building in Olongapo City. The main components in constructing with a “hollow brick” is the same as constructing with hollow blocks, e.g. footing, foundation, rebars, cement, stirrups, etc. The difference is in the “look” and “feel.” Brick is more elegant and room temperature is much cooler.


HOW MUCH IS LEGOBRICK?

-we supply 3 sizes of brick building blocks as well as brick cladding
- to get rough estimate of building, formula is total wall area in sq.m x number of bricks minus openings. There are 96 regular bricks / sq.m or 64 big brick / sq.m. regular is 14 pesos inclusive of vat and delivery, big is 21 pesos inclusive of vat and delivery. builder's step by step manual is free. other costs to building are minimal that's why it not expensive. for waterproofing, we use liquid silicone


HOW DOES LEGOBRICK COMPARE WITH HOLLOW BLOCKS?

As to aesthetics and elegance, there is no comparison. Brick is the building block par excellence. As to pricing, while a hollow block is taller and could cover more walling area when you set it, the numerous stages to finish the wall, adds to cost. Brick is faster to lay and set and requires less finishing yet. Over-all savings would be at 20% to 30% depending on factors like, e.g., how good mason is, kind of finishing, etc.

As to construction methodology, what is done using hollow block, is done with a hollow brick. Same footing, foundation and distribution of steel bars.

Basically, brick is clay-based while hollow block is sand-based. This difference is the basis for asserting that brick homes are more suitable in tropical climates as clay is a natural insulator. Sand and cement are known to absorb heat. This is why the brick homes we have built are cool and less humid inside.
What is the difference between legobrick and ordinary bricks?

Legobrick is a hollow brick that is structural not decorative unlike brick veneers or brick clads. Legobrick has holes to accommodate steel and cement. It also has interlocking grooves to lock bricks with the help of a thin mortar paste.

_____


Ang FAQ/larawan ay galing sa: http://www.legobrick.info/


Ang ilang larawan sa collage ay hango sa: http://www.facebook.com/legobricksystems​designs?ref=ts

Thursday, July 7, 2011

Sa Ika-119 Taon ng Pagkakatatag ng Katipunan... ng manga Anak ng Bayan

Sa Ika-119 na pagkakatatag ng Kataastaasang, Kagalanggalangang Katipunan nang manga Anak nang Bayan  (KKK), narito ang ilang batis:
Katipunan Founding

XXXX

With this in mind, Jose Rizal came home to the Philippines on 26 June 1892. After meetings with local activists, Rizal established a civic society called the Liga Filipina. On 3 July, a week after he arrived in Manila, Rizal launched the organization in Doroteo Ongjunco’s house on Ilaya Street, Tondo. The aims of the society were national unity, mutual aid, common defense, the encouragement of education, agriculture and commerce, and the study and application of reforms.

The Liga Filipina was short-lived. On 6 July, Rizal was arrested and detained upon the orders of the Governor-General Eulogio Despujol. Two weeks later, he was sent to Dapitan, Mindanao, where he lived in exile for four years.

One of the founding members of the league was Andres Bonifacio. On 6 and 7 July, when it had become apparent that an openly pro-Filipino organization like the Liga Filipina would be suppressed by the colonial government, Bonifacio and some friends formed a secret society. Among them were Deodato Arellano, Ladislao Diwa, Valentin Diaz, Jose Dizon, and Teodoro plata. The organization was called the Kataastaasan Kagalang-galang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan. The aims of the Katipunan were to unite the country and to win independence from Spain by means of revolution.
Andres Bonifacio & the 1896 Revolution
http://www.ncca.gov.ph/about-culture-and-arts/articles-on-c-n-a/article.php?i=5&subcat=13






Si Andres Bonifacio naman ang bumuo sa isang himagsikan ng mga mamamayan. Ipinanganak siya sa Tondo noong Nobyembre 1863. Sa tulong ng Katipunan, pinalaganap ni Bonifacio ang konsepto ng bayan. Ibang iba ito sa konsepto ng nación ng mga ilustrado. Ito ay nakabatay sa pagbuo ng/kay Inang Bayan at pagtatag ng Haring Bayan (estadong bayan) para sa buong kapuluan (Republika ng Katagalugan). Sinasabing ang Inang Bayan ang dapat panggalingan ng pagbubuo dahil sa kanyang sinapupunan lamang nagkakaroon ng tunay na kabuuan. Sa ilalim ng iisang Inang Bayan, nagkakaroon ng kapatiran ng mga ito. Ginamit ni Bonifacio ang metapora ng mag-anak bilang simbolo ng pagkakaisa ng mga bayan sa buong kapuluan at noong Hulyo 6, 1892, itinatag niya ang Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK).

Si Gat Andres Bonifacio at ang Pagbuo ng PagkaBANSA
http://blog-by-taga-ilog-news.blogspot.com/2010/11/si-gat-andres-bonifacio-at-ang-pagbuo.html


______


Iba pang mga batis o artikulo:

The Katipunan Founding Speech of Andres Bonifacio
http://blog-by-taga-ilog-news.blogspot.com/2010/11/katipunan-founding-speech-of-andres.html

Watawat ng Katipunan - Tunay na Sumasagisag sa Kalayaan
http://jesusabernardo.blogspot.com/2011/06/watawat-ng-katipunan-tunay-na.html

Ang DEKALOGO ni Gat Andres Bonifacio (with English translation)
http://blog-by-taga-ilog-news.blogspot.com/2010/09/ang-dekalogo-ni-gat-andres-bonifacio.html

Initiation Ritual of the Kataastaasang, Kagalanggalangang Katipunan nang manga Anak nang Bayan
http://jesusabernardo.blogspot.com/2011/04/ang-ritwal-na-dapat-sundin-ng-isang.html

Andres Bonifacio: Mararahas na manga Anak ng Bayan
http://jesusabernardo.blogspot.com/2011/04/andres-bonifacio-mararahas-na-manga.html

Andres Bonifacio: Mararahas na manga Anak ng Bayan
http://jesusabernardo.blogspot.com/2011/04/katipunan-initiation-rites.html

Deklarasyon ng KALAYAAN, Enero 1892 - Foundational document of the KKK (Catipunan)
http://jesusabernardo.blogspot.com/2011/04/deklarasyon-ng-kalayaan-enero-1892.html

Ang Palatuntunan ng Katipunan
http://blog-by-taga-ilog-news.blogspot.com/2010/11/ang-palatuntunan-ng-katipunan.html

Ika-119 na taong pagkatatag ng Katipunan ni Bonifacio ngayong Hulyo 7, 2011
http://rizalnewsonline.blogspot.com/2011/07/public-service-ika-209-na-taong.html?spref=fb

MABUHAY ANG ARAW NG PAGKATATAG NG KATIPUNAN!
http://www.indybay.org/newsitems/2009/07/08/18606261.php

Rizal, Bonifacio and "Pahimakas" ("Mi Ultimo Adios")
http://jesusabernardo.newsvine.com/_news/2010/12/29/5734940-rizal-bonifacio-and-pahimakas-mi-ultimo-adios

Si Gat Andres Bonifacio sa Pananaw ni Joma Sison at ng KM
http://blog-by-taga-ilog-news.blogspot.com/2010/11/si-gat-andres-bonifacio-sa-pananaw-ni.html

Bonifacio Series I: Gat Andres Bonifacio: The Anti-Colonial National Hero of the Philippines
http://jesusabernardo.newsvine.com/_news/2008/11/29/2161186-gat-andres-bonifacio-the-anti-colonial-national-hero-of-the-philippines

Bonifacio Series II: Andres Bonifacio's Tagalog Nation & Predictions of Global Warming
http://jesusabernardo.newsvine.com/_news/2009/05/10/2800625-andres-bonifacios-tagalog-nation-predictions-of-global-warming

Bonifacio Series III: The Devaluation of a Hero & Promotion of Counter-Hero: Where's Andres Bonifacio in the P5 Coin?
http://jesusabernardo.newsvine.com/_news/2010/01/03/3710118-the-devaluation-of-a-hero-promotion-of-a-counter-hero-wheres-andres-bonifacio-in-the-p5-coin

The Tragedy of the Katipunan: The Supremo's Assassination-cum-Execution (Bonifacio Series IV)
http://jesusabernardo.newsvine.com/_news/2011/05/10/6619505-the-tragedy-of-the-katipunan-the-supremos-assassination-cum-execution-bonifacio-series-iv

Debunking the Outrageous Glenn May Thesis on Supremo Andres Bonifacio
http://jesusabernardo.newsvine.com/_news/2011/04/05/6412546-debunking-the-outrageous-glenn-may-thesis-on-supremo-andres-bonifacio

*************