Saturday, December 17, 2011

Samu't Saring mga Paskil (Disyembre 11 - 17, 2011)

"Paumanhin sa pagluluksa ng mga naiwan ni Hen. Angelo Reyes subali't MASAMANG halimbawa ang pagpapalibing sa nagpatiwakal (daw) na Heneral sa Libingan ng Mga Bayani (LNMB). Bakit? It sends the message that SUICIDE is a way for a general to instantaneously absolve himself from the crimes of plunder and mutiny, thus ensuring his place in the LNMB no matter his crimes to the people."

    • TAGA-ILOG News
      As of October 2003, there were nearly 44 thousang remains interred at the LNMB. Those authorized to be interred at the LNMB include those of: National Scientists and National Artists; Medal of Valor Awardees (Burial Section 1A); VIP and Dignitaries; Philippine presidents, secretaries of national defense and chiefs of staff, along with cremated remains of their widows; Katipuneros, generals of the Filipino-American Revolution, PNP generals, and a number of retired generals of the AFP; active and retired personnel of the AFP and other veterans. As earlier said, military officers with DISHONORABLE records are NOT entitled to interment at the Libingan ng mga Bayani.

"Alam n'yo ba na sa sobrang pagmamalaki ng mga lalaki sa kanilang sekswalidad ay nagkaroon ng panahon na ang pagsumpa ay ginagawa hindi sa paghawak ng kung anong banal na aklat kundi sa PAGHAWAK/PAGSUMPA sa kanilang ARI???

"Kung kaya nga't ang ibig sabihin ng salitang "testes" at "testicles" ay galing sa Latinong salitang na ang ibig sabihin sa Ingles ay "testify.""

jesusabernardo.blogspot.com

    • TAGA-ILOG News ‎"Men held their own genitals in such high esteem that it was common courtroom practice for them to swear to tell the truth with their hands on their genitals--as we swear to tell the truth in the name of God or by placing our hands on the Bible."

      -- Rathus, Spencer A. and Jeffrey S. Nevid. Human Sexuality in a World of Diversity. 6th Ed. Allyn and Bacon, 2005.
Hindi ko mapigilang ipaskil ito. May pag.asa pa naman pala na maka.iskor ang mga kontra sa imperyalista.cum.teroristang Kalbong Agila, kahit na super.powered ang nahuli ng weapons of mass destruction and aids to WMD.


"The loss of the second drone within days raises questions about security within the US military and the unmanned crafts themselves. It was reported earlier this year that drones dispatched from Creech Air Force Base in Nevada were plagued with a computer virus that made its way into the cockpits of the crafts without American authorities able to quickly identify it. Even though US military officials claimed that the virus didn’t harm the security of US aircraft, it is suspicious that now two American drones have been downed in only such a short amount of time, raising questions whether it is possible retaliation from Iran for an alleged cyber attack the year prior. Stuxnet, a 2010 computer warm that targeted Iranian nuclear facilities, was suspected to be perpetrated by American intelligence agencies, much to their dismissal."

rt.com
With America still scrambling to explain why and how they lost a drone aircraft over Iran last week, the Pentagon is trying to make sense of how another high-tech unmanned spy craft crashed Tuesday morning in the Seychelles.

    • TAGA-ILOG News
      deny, belie, be shocked, be humiliated. may kredibilidad pa ba ang u.s. military?


      "A week earlier, the Department of Defense denied losing a drone, only for Iran authorities to in turn publish video proof of an American craft that they have recovered. The Pentagon later admitted that they lost contact with the drone while allegedly flying it over Afghanistan, prompting President Obama to ask Tehran to return the spy plane. Iranian President Mahmoud Ahmadinejad has shot down Obama’s plea, however, telling Venezuelan state television this week, “The Americans have perhaps decided to give us this spy plane. We now have control of this plane.” Ahmadinejad added that Iranian authorities are able to make sense of the craft’s complex technical system, perhaps providing a crucial addition to Iran’s arsenal as tensions between Tehran and Washington intensify over a budding nuclear program overseas."
Huwag nating kalimutan ang mga kasamaan sa ilalim ni Gloria Arroyo y Dorobo, na iniluklok ng civil evl society at tantads na politiko tulad ni Ramos, ilang epal na business elites, at sinamahan pa ni Cardinal Sinful, nila Tita Cory Aquino kasama si A_Noy Aquino, AT mga Soldiers of Fortune tulad ni Angelo Reyes.

"Whether or not the yellow government and the yellow media succeed in making a "hero"
out of a former mutineer general who reaped the graces of the illegitimate EDSA 2 "Most Corrupt President in Philippine History" and later did suicide to avoid the hounds of corruption investigations, retired Gen. Angelo Tomas Reyes' own words betray the despicable kind of government "service" he gave the Filipino/Taga-Ilog people."

jesusabernardo.blogspot.com

    • TAGA-ILOG News ‎"Apat (4) na kagawaran ang pinamunuan niya matapos magretiro sa Sandatahang Lakas tapos wala nga siyang bayad sa Edsa 2 coup? Tapos si Erap, tunay na halal ng bayan, pwedeng patalsikin at si Arroyo, hindi kailanman tunay na ibinoto para maging pangulo, ay hindi?"
Ang walang kamatayang usapang ukol sa imperyalismo ng Kalbong Agila (paano kasi, walang katapusang pananakop at pag.giyera sa mahihinang bansa itong tantads na bayang ito).

"SA MGA hindi pa nakakaalam, the American invasion/annexation of the Philippines was a RACIST war. Ininsulto, niyurakan ang ating pagkabansa, kultura, pagkatao, kakayanan, at pati histura. Para ano? Para sa MERKADO ng hilaw at yari nang produkto.

"Kapal ng propaganda. Mas sibilisado pa nga tayo sa kanilang Kalbong Agila sila dahil bago pa man dumating ang mga Kastila, pantay na ang katayuan ng babae at lalaki sa ating bayan."


blog-by-taga-ilog-news.blogspot.com

TAGA-ILOG News ‎"They referred to the Filipino as "niggers," "barbarians," and "savages," reflecting both the racist and imperialist attitudes of American society at large."

Syria naman ang nakaambang tirahin ng Kalbong Agila at co.imperialist nitong NATO. huwag nating kalimutan na tayo, ang ating bansang Pilipinas/Tagalog/Taga-ilog ang unang biniktima ng malala.pa.sa.buwayang pamahalaan ng estados unidos. dahil nagapi tayo noong digmaang pilipino-amerikano, nagtuloy.tuloy na ang pagiging colonial/imperialist power ng Estados Unidos. siguro dapat tayo rin ang pumutol nito? lol.
Ayon kay Hen. Antonio Luna:  “...people are not to be bought and sold like horses and houses. If the aim has been to abolish the traffic in Negroes because it meant the sale of persons, why is there still maintained the sale of the countries with inhabitants?”

mgatanongpo.tumblr.com
MGA TANONG PO 6 . Bakit kaya kung isulat ang December 1898 Treaty of Paris ay akala mo lehitimong kasunduan ito??? Anong karapatan ng virtually napatalsik nang Kastila na ibenta tayo sa Kalbong Agila? Patawa ba? At...
Para sa ating kaalaman.

Kilalanin nang husto ang ating bayan, ang ating kalikasan, kasama ang mga katangiang maaring madali ng kung minsan ay pagsusungit ng planetang it.

blog-by-taga-ilog-news.blogspot.com
106 People Reached · 1 Person Talking About This


"Sa kaso ni Reyes ay inakusahan siya ni Col. George Rabusa ng malaking katiwalian ukol sa “pabaon” system. Hindi niya tinanggi ito at bagkus ay nagsabing: “…naging sakim ba ako sa inyo,o naging maramot sa inyo.”

"Binaril daw niya ang sarili niya sa DIBDIB samantalang hindi ganoon ka.instantaneous ang mamatay sa cardiac wounds. Kung tunay nga na pagpapatiwakal iyon, ang tapang ni Angelo Reyes kasi di ba mas matagal at masakit ang mamatay from cardiac wounds? Kaso lamang, nakakapagtaka pa rin—eh kung matapang pala siya eh bakit hindi niya hinarap ang akusasyon sa kanya at sa halip ay TINAKBUHAN ito by killing himself???"

mgatanongpo.tumblr.com
‎24. Napapansin n’yo ba na parang nagiging kombinyente ang mga kaso ng pagpapatiwakal ng mga taong may kinalaman sa mga iskandalong katiwalian sa panahon ni Gloria Arroyo y Dorobo? Ang kaso ni Angelo...

    • TAGA-ILOG News ‎"Kesehodang ang pamilya mismo ang humiling na huwag nang i.autopsy, katungkulan ng pamahalaan/pulis na alamin ang tunay na pangyayari dahil hindi lamang kaso ng pagpatay ito kundi may malaking kaso ng pagnanakaw sa kaban ng taumbayan. Sabi nga ni Atty. Alan Paguia, bakit ayaw imbestigahan??? Sabihin pa, ang dilaw na media ay puro pagtatakip yata ang ginawa. "
Ang alam ko SOP kahit sa ordinaryong tao ang imbestigasyon/autopsy pag may kahit konting bahid lang ng suspetsa na maaring hindi nagpakamatay ito. Si EDSA 2 coup general Reyes pa na may isyung pagnanakaw-cum-pabaon

Huwag kalimutan ang mga isyu sa pagkamatay ni dating Hen. Angelo Reyes.

Pinagusapan ni ni Herman Tiu Laurel at Alan Paguia. PLAYLIST ito--5 video.

Unang-una, NAGPAKAMATAY NGA BA? May tumawag bago may putok na nabaril....
"Before the revelations made in line with the Senate probe on AFP comptroller Carlos Garcia, there was the expose made by Capt. Joenel S. Pogoy. In this 2008 video, Pogoy discusses the corruption in the Philippine Air Force, which is basically centered on the illegal cannibalization of two (2) of the at least four (4) C-130 planes to supply the spare parts of those allowed to fly. The wanton corruption lies in how the cannibalized spare parts are passed off as brand new, complete with procurement papers. After this video was uploaded to YouTube, Capt. Pogoy was detained for two years, almost losing his life after an apparent poisoning attempt inside his cell."

    • TAGA-ILOG News
      panahon ng magnanakaw ng malacanang.2x at magnanakaw ng limpak.limpak na perang si gloria arroyo y dorobo


      "MAALAB na pagbati sa mga Pilipinong may natitirang pagmamahal sa Inang Bayan. Dahil sa inyong buwis, ang Philippine Air Force ay dapat simbulo ng inyong dugo, pawis, at paghihirap. Kaya nais kong iparating sa buong sambayanan ang tunay na estado ng inyong Philippine Air Force na kinabibilangan ko.

      "Kaya bilang piloto at opisyal ng Philippine Air Force, obligasyon ko na pangalagaan ang mga eroplanong ipinagkatiwala ninyo sa amin upang kami ay makapagserbisyo ng tapat lalong-lalo na sa panahon ng trahedya, kalamidad at iba pang pangangailangan ng bayan."
GNN's Herman Tiu-Laurel (HTL) talks with Ambassadors Manuel Perez Iturbe of the Bolivarian Republic of Venezuela and Juan Carlos Arencible Corrales of the Republic of Cuba about the 'No Fly Zone' [read: military intervention] imposed by United Nations but led by what can be called the imperialist triumvirate: United States, United Kingdom, & France.
Paano kaya naatim ng Liberal Party na pinangungunahan ni “Pangulong” A_NOY y Hocus Pcos, Kiko “Mr. Noted” Cu_eta Pangilinan, at Franklin (Babs) Drilon ang magkunwaring itinutulak nila ang paghabol sa Dayaang ‘Hello Garci’ noong 2004 samantalang sila ang pangunahing nag.RAILROAD ng CONGRESSIONAL CANVASSING para igiit ang pagproklama kay Gloria Macapagal Arroyo???

May tunay na konsensya at paniniwala ba sa paghuhukom sa kabilang buhay ang mga ito? O larong kapangyarihan na lang sa kanila na pagtawanan at paikutin lang ang mamamayang Pilipino?

mgatanongpo.tumblr.com
‎13. Paano kaya naatim ng Liberal Party na pinangungunahan ni “Pangulong” A_NOY y Hocus Pcos, Kiko “Mr. Noted” Cu_eta Pangilinan, at Franklin (Babs) Drilon ang magkunwaring itinutulak nila ang paghabol sa Dayaang ‘Hello Garci’....

    • TAGA-ILOG News
      Gloriagate No. 2 Delay Senatorial Canvassing
      (Conversation between Gary and a female on 11:25 26 May 2004)


      Gary: Hello, Ma’am
      Female: Hello…,
      …Is it possible that there will be a delay in the, the senatorial canvassing until after the voting on the rules tonight?
      Gary: On the rules? Ah yes…
      Female: …in the Senate, so there will be no fight. Between two allies, this
      …one will of course get mad, the other one, will also get mad for sure…
Ito ang initial na pag.aaral ko sa lumang kayamanan ng mga Cojuangco na lumalabas na mula sa treasury ng Philippine Republic nila Hen. Antonio Luan/Emilio Aguinaldo--na pinal kong sinulat sa artikulo kong Old Cojuangco Fortune (http://jesusabernardo.newsvine.com/_news/2011/06/30/6980380-the-old-cojuangco-fortune-the-first-philippine-republic-funds) mahigit 4 na buwan na ang nakakalipas.

"After losing an encounter at Sto. Tomas, Pampanga, Luna ordered Hilario to bring the valuables to Tarlac, where the revolutionary government planned to establish its capital.

" General Luna, so the story goes, then turned over the treasure to Ysidra Cojuangco, Melecio’s sister then an attractive 32 year old woman, for safe-keeping. The Luna proceed to Cabanatuan to meet with Aguinaldo, and was assassinated."

    • TAGA-ILOG News ‎"Even the biographical book on the late former President Corazon Cojuangco Aquino alludes to the relationship between Ysidra (Isidra) Cojuangco and "a revolutionary general" who is none other than Gen. Luna." 
Sino nga ba talaga ang nag-utos at nagplanong patayin si dating Sen. Benigno “Ninoy” Aquino??? Nakapagtatakang sa panahon ni Pangulong Cory Cojuango Aquino ay hindi natukoy ang mastermind nito. Nakapagtatakang kahit itinuro na ng nakulong na mga sundalo, nitong huli sa pamamagitan pa ni Chaplain Msgr. Robert Olaguer, na si tycoon DANDING COJUANGO, dating Ambassador at Marcos Crony DANDING COJUANGCO, ang UTAK ng pagpatay kay Ninoy sa airport ay tinutulan ng pamilya Aquino na buksang muli ang kaso sa panahon ng dating (pekeng) administrasyon.

mgatanongpo.tumblr.com
MGA TANONG PO: 27. Sino nga ba talaga ang nag-utos at nagplanong patayin si dating Sen. Benigno “Ninoy” Aquino??? Nakapagtatakang sa panahon ni Pangulong Cory Cojuango Aquino ay hindi natukoy ang...

    • TAGA-ILOG News
      ‎"Ito rin ay inulit ni Chaplain Olaguer na nagsabing umamin si Martinez—na naging born-again nga pala noon 1994 kung kailan niya unang inamin ang pagkakasangkot niya sa plano ni Danding—na siya at ang kasama niyang nakulong ay nakipagplano sa pagpatay kay Ninoy at sa Carlston Hotel sa Baclara, Paranaque pa sila nag.meeting kasama ng mga tauhan ni Danding Cojuangco na umaming ito nga (Danding) ang utak.

      "Bakit naman gustong patayin ni Danding ang asawa ng sarili nitong pinsan? Kasi raw ay ang tingin nito kay Ninoy ay balakid sa plano niyang lagong lumago ang crony businesses nito. Ang kilalang dikit at crony ni Marcos ay ganito lamang po kalakas:"
" Sino nga ba talaga ang nag-utos at nagplanong patayin si dating Sen. Benigno “Ninoy” Aquino??? Nakapagtatakang sa panahon ni Pangulong Cory Cojuango Aquino ay hindi natukoy ang mastermind nito. Nakapagtatakang kahit itinuro na ng nakulong na mga sundalo, nitong huli sa pamamagitan pa ni Chaplain Msgr. Robert Olaguer, na si tycoon DANDING COJUANGO, dating Ambassador at Marcos Crony DANDING COJUANGCO, ang UTAK ng pagpatay kay Ninoy sa airport ay tinutulan ng pamilya Aquino na buksang muli ang kaso sa panahon ng dating (pekeng) administrasyon. "
Write something...
‎"It is a book of continuing relevance because it sheds light on the persistent semicolonial and semifeudal character of Philippine society. It unfolds the contending revolutionary and counterrevolutionary classes and forces. It continues to give revolutionary direction to the revolutionary forces and people that persevere in the new democratic revolution with a socialist perspective."

    • TAGA-ILOG News ‎"The regime is carrying out the Oplan Bayanihan under the US Guide on Counterinsurgency and the US global policy of terror. The new oplan is a futile attempt at making state terrorism and US military intervention look acceptable and become effective against the revolutionary forces and the people through palliatives and psywar claims of good governance, delivery of services, economic development and security reform."

Itigil ang SOBRANG Pagsamba kay Gat Jose P. Rizal

Hindi kaya panahon na upang itigil ang SOBRANG PAGSAMBA kay Gat JOSE P. RIZAL?

Kung tutuusin, si Rizal ay maituturing na katulad ng mga Federalistang sina Cayetano Arellano, Pedro Paterno, Pardo de Tavera, at Benito Legarda. Ang "mother country" ni Rizal ay ang ESPANA, samantalang ang kina Arellano at Legarda ay ang ESTADOS UNIDOS.

Fellow propagandist Marcelo del Pilar helped preserved the image of Jose Rizal in his belief that Filipinos should be united in order to achieve their reformist ideal. This tendency to deify Rizal persists to this day.

Indeed, Taga-Ilog/Pilipinas should be united. But to deify Rizal at the expense of aspirations for genuine independence? At the expense of the "Father of Philippine Revolution," Andres C. Bonifacio???
I am of the opinion that we must avoid at any cost a judgment unfavorable to our Rizal; I want to preserve intact the great name he enjoys there. You will remember that when he was insisting on returning there, I recommended to you specially to be on the watch for anything which could diminish his stature....
- Marcelo H. del Pilar

Isa pa eh dapat nating itanong kung para saan ba namatay si Rizal? He offered his services to colonial Spain, apparently to run away from the fires of the Himagsikan. That did not work to appease the colonial authorities so what he did next was officially DISOWN the revolution, even calling it "absurd." Tapos, may pagkakataong tumakas siya subali't pinili niyang harapin ang mga bala ng Kastila. So what did he die for? Is that really martrydom considering that he disowned the uprising of the people? In fairness to Rizal, he already did his part with his writings that articulated the need for an Elias. Kahit na nagdalawang isip siya, nagbigay daan na para sa isang Bonifacio at mga katulad nitong masugid na Katipunero/Katipunera ang mga sulatin ni Rizal.
 
Hindi ko sinasabing huwag kilalanin si Rizal bilang isang bayani dahil talaga namang marami siyang naiambag sa ikagigising ng mga Pilipino/Taga-Ilog (kahit na hindi siya lubusang naintindihan ng taumbayan dahil sa wikang Kastila ang kanyang mga obra maestra) at mismong si Supremo Bonifacio nga ay mataas ang tingin sa kanya at napukaw niya ang makabayang isip at damdamin nito. Subali't  kung makakapagsalita lamang ito ngayon, malamang si Rizal mismo ay ituturong kilalanin natin  si Bonifacio at hindi siya bilang Pambansang Bayani. Rizal would probably tell us that whatever he achieved, the Supremo pushed it to the next level. 

Kahit ang mga kapatid ni Rizal at mismong asawa nitong si Josephine Bracken ay kinilala ang pamumuno ni Bonifacio. Ayon sa isang sulatin ng National Historical Commission:
Josephine and Rizal reunited for the last time at the latter’s cell in Fort Santiago on December 30, 1896.  The couple were married in Catholic rites by Fr. Victor Balaguer two hours before Rizal’s execution at Bagumbayan.  After his execution Josephine, accompanied by Paciano and Trinidad Rizal entered rebel territory in Cavite.  They were received by Andres Bonifacio who received from the Rizals a copy of the hero’s last poem which would be known as the Mi Ultimo Adios. 


Kung ang mga Rizal ay kinilala at binigyan halaga si Bonifacio, sapat upang ibigay dito ang kopya ng tula nito--kahit na itinakwil officially ni Rizal ang Himagsikan ng 1896--hindi malayong may impluwensya si Pepe kahit na bahagya sa naging pasya ng  kanyang asawa at mga kapatid. Maaring ibig sabihin, bukas pa rin ang isip ni Rizal  sa konsepto ng himagsikan na itinanghal niya kahit papaano sa kanyang mga sulatin...na maaring ibig sabihin naman ay tiningala rin ni Rizal ang pangunahing Pilipino/Taga-Ilog na nagsilbing Elias sa kanyang nobela, ang bayaning si Andres Bonifacio.

__________

Karagdagang Batis:

Guerrero, Milagros. Bahaging bideo ng Talakayan ukol sa Heroe at Bayani. http://www.youtube.com/watch?v=nvrNQL1CGXQ&feature=related


Photo art: Jesus Bernardo

Raw photo credits:

http://www.loeser.us/flags/spanish.html
http://philippineamericanwar.webs.com/ilustradoscollaborate.htm

Tuesday, December 6, 2011

Ang BANSANG Tagalog at ang 'Marangal na Dalit ng Katagalugan'

(Updated December 9, 2011)

Ang unang pambansang awit ng "Pilipinas" ay ang MARANGAL NA DALIT NG KATAGALUGAN' na ipinagawa ni  Gat Andres Bonifacio y de Castro, Supremo ng Kataastaasang Kagalanggalangang Katipunan nang manga Anak nang Bayan, kay Julio Nakpil y Garcia. Si Nakpil ay hindi lang isang musikero kundi isang bayani na lumaban laban sa mga Kastila. Ayon sa blog na gawa ng kanyang saling-lahi:
He served as the Secretary of Command under Andres Bonifacio using a covert name, J. Giliw. Together with Supremo Isidro Francisco, Nakpil accepted to command the revolution north of Manila. His deep concern for the Katipuneros lack of munitions earned him the task in watching over the funds and purchase of weapons. In one of his missions, he bravely led the extraction of gun powder kegs from the Spanish powder magazines in Morong to resupply the revolutionists in Cavite.


Narito ang orihinal na sulat-kamay na titik ng 'Marangal na Dalit ng Katagalugan'' ni Julio Nakpil:


(Image enlarged and photoshop.enhanced by JB)


The final copy of 
the Himno Nacional of the secret-society-turned-revolutionary-government is not the same as the original or draft. Below is the final song lyrics, which slightly differ from the draft (in the photo below):
Mabuhay yaong Kalayaan
At pasulungin ang puri't kabanalan
Kastila's mailing ng Katagalugan
At ngayo's ipagwagi ang kahusayan

(Image enlarged and photoshop.enhanced by JB)



Narito ang pinagsamang una at ikalawang bahagi ng pambansang awit na Marangal na Dalit ng Katagalugan, pinal na sipi na mula sa blog ng pamilya ng bayaning si Nakpil:

Mga imaheng pinagsama at  inayos ni JB


Tagalog/Katagalugan  =  Bansa/Mamamayan ng "Pilipinas"


Tungkol sa paggamit ng "Katagalugan" o salitang "Tagalog," nila Supremo Andres Bonifacio y de Castro at iba pang mga Katipunero, dapat maunawaan na ang ibig sabihin nito ay bansang ito o mga mamamayan nito. Lahat ng ipinanganak sa arkipelago, kabilang ang mga Bisaya, Kapampangan, Ilokano, Tausug, atbp. ay mga Tagalog. Sa madaling salita, hindi lamang iyong mga kasapi sa ethnolinguistic na grupo sa Gitnang Luzon ang Tagalog kundi lahat ng mga mamamayan dito.


Kung pareho pala ng ibig sabihin ng "Pilipino" o "Pilipinas" ay bakit Tagalog/Katagalugan pa ang ginamit? Noong panahon kasing iyon, ang “Filipino” ay ginagamit pantukoy sa mga Kastilang ipinanganak dito sa ating mga Isla at ang natives ay "indio" ang tawag. Hindi siguro masikmura nina Bonifacio, Emilio Jacinto y Dizon at sampu ng mga bayani nating Katipunero na gamitin ang salitang 'Filipino' para sa ating mga 'Pilipino' dahil naghihimagsik nga sila eh.


Dahil kakatwa at hindi katanggap-tanggap sa mga Katipunero noon na gamitin ang salitang "Filipinas" na isang katagang hindi lamang bansag ng mga mananakop kundi nagpapahiwatig pa ng kolonyal na estado ng bansa dahil mula ito sa pangalan ng Hari ng Espanya (King Philip/HaringFelipe) noong unang sakupin ang ngayon ay "Pilipinas."


"Tagalog" is a term derived from Taga-ilog"," which is a term that literally translates as "from/of the river" or, simply, riverine. Bonifaco and other  independentist Filipino heroes of the earlier century chose this country name in place of the very colonial "Filipinas" (now Philippines). The inspiration for Tagalog/Taga-Ilog is the archipelagic feature of the Southeast Asian country that renders its over 7,000 islands dotted with rivers or surrounded by bodies of water.


Malinaw na ang tinutukoy ng salitang Tagalog batay sa konsepto at paggamit dito ng mga Katipunero ay ang buong kapuluan at mga mamamayan nito. Makikita ito sa tanyag na isinulat ng pangunahing nagtatag at nagpalakas ng KKK, si Supremo Bonifacio, sa "Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog" at iba pang kasulatan. Ayon sa historyador na si Milagros Guerrero:
In his patriotic writings, Bonifacio expressed his concept of nationhood. In K.K.K Katungkulang Gagawin ng mga Z.Li.B., Pagibig sa Tinubuaang Bayan, Hibik ng Filipinas sa Ynang Espana and Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog, he referred to the Philippine islands as sangkapaluan or Katagalugan. In a revolutionary leaflet printed in Cavite during the first quarter of 1897, Bonifacio wrote: "Mabuhay ang Haring Bayang Katagalugan."

 

Walang duda na ang Katipunan ay isang pambansang pakikibaka at ang mga kinausap at tinawag nila Bonifacio upang lumahok dito ay ang lahat ng mamamayan ng kapuluan, ang mga 'Tagalog.' Binigyang linaw at ipinagpatuloy ni Hen. Macario Sakay ang ganitong konsepto sa kanyang pagtatatag ng Republika ng Katagalugan noon kalagitnaan ng mahabang Digmaang Pilipino-Amerikano (1899-1914). Ayon kay Sakay (na isang Katipunerong nakasama/nakatulong nina Bonifacio noong Himagsikan laban sa Kastila):
Ang mga Nayon, bayan Hucuman nitong Filipinas ay siyang tinatauag na Kapuluang Katagalugan, sa macatuid baga, ay gaya ng Jolo, Mindanao, Kabisayaan, Kailokohan iba't iba pang lupa na tunay na Tagalog.[28] (The villages and municipalities of this Filipinas are called Katagalugan Archipelago, which in effect, are the likes of Jolo, Mindanao, Visayas, Ilocos and all other different lands that are truly Tagalog.)


Ipinaliwanag ng Katipunero/manghihimagsik na si Carlos V. Ronquillo sa kanyang unpublished memoir, “Ang Paghihimagsik ng 1896-1897” (The Revolution of 1896-1897) na ang ibig sabihin ng pagtawag nila ng "tagalog" ay tumutukoy sa ating lahat na mamamayan ng bansang ito. Sa madaling salita, ang "Tagalog" ay nangangahulugan ng bansag natin ngayon sa ating sarili na "Pilipino." Ayon kay Ronquillo:
Ito ang dapat unawain ng mga bumabasa: sa tawag naming tagalog na makikita sa bawat dahon halos ng kasaysayang ito, ay di ang ibig naming sabihi’y ang paris ng palagay ng iba, na inuukol lamang sa tubong Maynila, Kabite at Bulakan, at iba pa, hinde kundi ang ibig naming tukuyin ay Filipinas…

Sapagka’t sa palagay naming ay ganito ang talagang nararapat ikapit sa tanang anak ng Kapilipinuhan. Ang tagalog o lalong malinaw, ang tawag na “tagalog” ay walang ibang kahulugan kundi ‘tagailog’ na sa tuwirang paghuhulo ay taong maibigang manira sa tabing ilog, bagay na di maikakaila na siyang talagang hilig ng tanang anak ng Pilipinas, saa’t saan mang pulo at bayan.

Kung sakaling magbabago o ma-overhaul ang sistema ng Pilipinas, mainam na mapalitan ang kolonyal at nakakainsultong pangalan nito pabalik sa Tagalog/Katagalugan na siyang ninais ng ating mga bayaning Katipunero. Maari ring gawing "Taga-Ilog" para mas malinaw na ito ay tumutukoy sa buong kapuluan dahil sa ngayon ay malalim ang pagmamaliit sa Tagalog/Katagalugan na republika nina Bonifacio at Sakay. Anupaman, malinaw na ang Tagalog na tinutukoy dito sa Himno Nacional na ginawa ni Nakpil ay ang lahat ng mamamayan ng bansang/kapuluang ito.

Sunday, December 4, 2011

Ang 'Signos' sa Pagpasok ni Aguinaldo sa Katipunan

Naniniwala ba kayo sa SIGNOS???

Si Gat Andres Bonifacio y de Castro mismo ang nagpanumpa kay Emilio Aguinaldo y Famy, ang taong mang-aagaw ng kanyang kapangyarihan at magpapapatay sa kanya, bilang Katipunero. Naging mahaba ang gabi ng Marso 14, 1896 at napatagal nang husto ang inisasyon ni Aguinaldo dahil sa mali-maling paraan ng pagsagot nito.


Photo Art: JB

Para bang binibigyan babala ng espiritu ni Inang Bayan si Bonifacio na huwag nang papasukin sa Kagalanggalangang, Kataastaasang Katipunan nang manga Anak nang Bayan (KKK) ang taong iyon. Kung nakinig lamang sa mga lihim na paniniwala si Supremo....


LOL.


"Santiago Alvarez tells us that when Emilio Aguinaldo was initiated into the Katipunan in the evening of March 14, 1896, he kept responding to questions in "the Masonic manner," because of which "his cross-examination was prolonged...."



http://books.google.com/books?id=o2DaAAAAMAAJ&q=Santiago+Alvarez+tells+us+that+when+Emilio+Aguinaldo+was+initiated+into+the+Katipunan+he+kept+responding+to+questions+in+%22the+Masonic+manner%2C%22+because+of+which+%22his+cross-+examination+was+prolonged.%22&dq=Santiago+Alvarez+tells+us+that+when+Emilio+Aguinaldo+was+initiated+into+the+Katipunan+he+kept+responding+to+questions+in+%22the+Masonic+manner%2C%22+because+of+which+%22his+cross-+examination+was+prolonged.%22&hl=en&ei=VsU8TdiUMom3cPf4hIUH&sa=X&oi=book_result&ct=result&resnum=1&ved=0CCMQ6AEwAA

_____


Batis:

Fajardo, Reynold. The Brethren: Masons in the struggle for Philippine independence. E.L. Locsin and the Grand Lodge of Free and Accepted Masons of the Philippines, 1998


Photo art: 

Jesusa Bernardo