Sunday, November 20, 2011

Erap to the Rescue (Pansamantalang Nabara ang Moro-Moro)

Palagay ko ay na.pressure lang ng pagiingay ni Pangulong Erap Estrada ang Malakanyang kaya natapos ang moro.moro ng kampo nila "Pangulong" A_Noy y Hocus Pcos at Gloria Arroyo y Dorobo. Biruin ninyo--18 buwan na nakaupo si Abs ay hindi nagsampa agad ng kaso kahit ang daming ebidensya. In other words, DELIBERATE, ORCHESTRATED DELAY, if not REFUSAL to file a case, apparently to allow Gloria to fly out of the country and escape from the clutches of the law. on technical grounds.
Artist's sketch of Arroyo's mugshots
Photoart: JB
Noong isang araw kasi ay nagpainterview si Pangulong Joseph Erap Estrada sa media at sinabi nito na kung may teknikalidad o di tamang desisyon ay dapat sumunod at pailalim na lamang si Gloria. Ipinaliwanag niya na kung siya nga naging biktima ng isang pasya ng Korte Suprema na kakatwa o hindi tama--ang "constructive resignation" ruling na ipinilit dahil they couldn't satisfy the conditions set by the Constitution on removing a president noong EDSA 2 power grab. Hanggang ngayon daw ay hindi maipali-paliwanag ang constructive resignation na totoo naman dahil wala pa hong ganyang legal concept sa buong kasaysayan ng buong mundo. 

Sa pagsasampa ni COMELEC Chairman Brillantes ng kaso ng electoral sabotage laban kay Gloria ay nagawa na rin ang dapat naisakatuparan at ipinangako ni Abs subali't hindi tinutupad. Eh bakit nga ba sa loob ng 1 1/2 pagkakaluklok kay Abs ay hindi ito nagsampa ng kaso kahit hitik sa ingay laban kay Gloria? (Huwag n'yo hong kalimutan ang Dayaan ng Halalang 2010--na pinaniniwalaan ng mga computer experts sa TANDEM, e-MIGHT, nina Sen. Jamby Madrigal, Nicanor Perlas, JC de los Reyes at Joma Sison. Ayon ho kay Sison, niluto ho ng Central Intelligence Agency, Gloria Arroyo at Pinky Aquino-Abellada ang naturang halalan mga ilang linggo bago sumapit ang Mayo 10, 2010*.)

Anu't anupaman, napansin rin ng Kaliwa itong moro-morong ito. Ayon sa Communist Party of the Philippines ay puro hangin ang anti-Arroyo rhetoric ni Abs dahil ang dami nang impormasyong nalabas ukol sa mga kaso tulad ng ZTE bribery scandal, fertilizer fund scam, dayaan sa 2004 at 2007 na mga halalan, maliban ba sa mga extrajudicial killings. Nasabi ng CPP mga isang linggo na ang nakakaraan:
“The more important issue is that the Aquino regime has wasted its almost 500 days in office in failing to file a single case against Gloria Arroyo and prosecute her for the high crimes of plunder and electoral fraud as well as war crimes committed against the Filipino people during her nine-year rule,” said the CPP."
http://www.tribuneonline.org/nation/20111111nat1.html
 
Sinasanggayunan ni journalist Herman Tiu-Laurel ang pananaw na puro moro-moro lang ang sinayaw ni Abs patungkol sa isyung huwag pabayaang matakasan ni Gloria ang mga ginawa niya sa bayan sa kapanahunan niya. Sabi niya:
As many sensible watchers of PeNoy and Justice chief Leila de Limas HDO drama have pointed out, the easy way to avoid the controversy is to just file one of the numerous complaints that already have ample evidence to ensure a prima facie case. The Hello Garci caper alone would have sufficed as the tapes and the witness testimonies are already there.
Many have also surmised that both PeNoy and De Lima (a former Gloria Arroyo appointee) dont really want to keep the supposedly ailing Pampanga solon in the country. So they had to set things in motion in such a way that the Supreme Court (SC) would have to decide on the issue to get them off the hook all, while enjoying the PR bonanza from appearing anti-Gloria.
http://taga-ilog-news.blogspot.com/2011/11/hdo-aquinorroyo-pr-bonanza-die-hard-iii.html 
Ngayon, kung talagang hindi na makakatakas si Arroyo sa mga kabalastugan nito ng 9 1/2 taong iligal na panunungkulan, may ipagdarasal ako. Hihilingin ko kay Bathala na ikanta sana ni Gloria lahat ng kasabwa't niya sa dayaan hindi lamang noong 2004 at 2007 na dayaan kundi pati sa 2001 Oplan Excelsis/EDSA 2 conspiracy at ang 2010 Hocus Pcos. Isipin na lang niya na mas maganda kung may kasama siya sa kulungan, hindi ba?

_____

*How Joma Sison first revealed the AQUINORROYO operations behind the May 10, 2010 automated poll fraud http://blog-by-taga-ilog-news.blogspot.com/2010/06/how-operations-for-aquinorroyo-secret.html
 
******
Iba pang mga Batis:

Look Back: 'Oplan Excelsis' plot to oust then-RP President Joseph Estrada hatched in 2000. http://jesusabernardo.newsvine.com/_news/2009/10/10/3369444-look-back-oplan-excelsis-plot-to-oust-then-rp-president-joseph-estrada-hatched-in-2000

 How Joma Sison first revealed the AQUINORROYO operations behind the May 10, 2010 automated poll fraud. http://blog-by-taga-ilog-news.blogspot.com/2010/06/how-operations-for-aquinorroyo-secret.html

 In Search of the Truth of the May 10, 2010 Philippine Polls. http://jesusabernardo.newsvine.com/_news/2010/06/27/4572236-in-search-of-the-truth-of-the-may-10-2010-philippine-polls

 The Stupidity of the EDSA 2 "People Power" Gullibles Relived. http://jesusabernardo.newsvine.com/_news/2008/01/22/1246701-the-stupidity-of-the-edsa-2-people-power-gullibles-relived

The Wiretapped Case of the Bogus Presidency of Philippines' Gloria Arroyo ("Hello Garci" in English). http://jesusabernardo.newsvine.com/_news/2008/06/30/1627254-the-wiretapped-case-of-the-bogus-presidency-of-philippines-gloria-arroyo-hello-garci-in-english

No comments:

Post a Comment