Buti
na lang at nandiyan ang media outfit na RT.com (dating Russia Today)
dahil kung hindi ay mas matinding "zombiezation" ang nangyayari sana sa
mga mamamayan ng mundo kabilang ang Kalbong Agila.
Bago.bago
lang nagiging sikating ang RT sa mga taga Kanluran at mga mamamayan ng
mga tutang bansa nito kagaya ng Pinas. Subali't batay sa isang survey ng
Nielsen Research na ang RT na ang paboritong news source ng mga Amerikano sa Washington, D.C., maliban sa BBC.
Ang dahilan daw dito, ayon sa FAIR, isang media watchgdog group, ay
dahil hindi pinagtutuunan ng mainstream U.S.-based news channels ang mga
balita sa ibang bansa. Kitang-kita ang bias ng US mainstream media
noong 2003 nang nag.rally ang kalahating milyong Amerikano laban sa Iraq
War nguni't halos hindi ito ibinalita sa U.S.
Ang 2009 na
pag-aaral ng Nielsen Research ukol sa American media patronage ay noong
Enero 2010 pa pinalabas. Mas lalo na sigurado ngayon kung kailan pumutok
na ang OWS o Occupy Wall Street Movement. Sabi nga ng isang OWS
protester nitong linggo lang na ito:
Nationally we have managed to change the narrative, especially in the mainstream and corporate media in the US. If it were not for news organizations like Russia Today, many of us here would not be getting the information economic situation on our economic situation and foreign policy. - Jeannie Dean
No comments:
Post a Comment