Pages

Thursday, November 3, 2011

Ang Undas at Nawawalang Kandila, Bulaklak, at Paso.

Noong isang araw, Undas, nabanaag ko ang hirap ng bansa at baba ng antas ng moralidad ng lipunan. Pati kandila at bulaklak, kinukuha o 'ninanakaw.'
Ang mga batang naghahanapbuhay sa pagiipon at pagbenta ng "tulo" ng kandila ay pati ba naman BUONG kandila kinukuha pag umalis na ang mga bantay ng mga nitso. Pagdating ng gabi at nag-alisan na ang karamihan sa public cemetery ay ayun na ang kuhanan ng buong kandila.
Utang na loob, igalang naman ang mga patay, ang tradisyon. Oo nga at kailangang kumita, pero dapat magpakita ng magandang asal at gawi kahit na sa kahirapan.

Sabihin pa, pati mga paso, kinukuha, tinatanggal sa bulaklak kinaumagahan. At iyong ibang bulaklak, gabi pa lamang ay wala na (nilagay sa patay nila?).

Mga magulang turuan natin ang ating mga anak. Kagandahang asal at gawi sana sa kabila ng kahirapahan....
 _________
Pinagkunan ng Larawan:
http://en.wikipilipinas.org/images/thumb/b/bd/Undas.jpg/250px-Undas.jpg

No comments:

Post a Comment