Blg. 15 sa series ng naging Panayam ni Dok Zeus Salazar ukol sa Pantayong Pananaw at Cordillera Studies.
Ang Pantayong Pananaw na nagtataguyod ng wikang pambansa at bagong
historiograpiyang Pilipino--hindi mula sa pananaw, pag-iisip, o wika ng
banyaga--patungo sa ating pagkabuo at tunay na pagkabansa.
Ayon kay Dok Zeus Salazar, "Ang mga akademiko, mangyari pa, ay aral sa Ingles at mga teoryang
Anglo-Amerikano
(hal. post-istrukturalismo at postkolonyalismo o pos-pos) at
Kanluranin; samatuwid ang kanilang kausap at katalastasan ay yaon ding
nagturo sa kanila (o pinaghanguan nila) ng mga teoryang nabanggit, kung
kaya't ang hangarin nila ay mailathala sa mga lathalain ng kanilang mga
maestro sa Ingles. Yung mga balikbayan o hindi na magbabalik sa bayan ay
kadalasan nakatira rin sa mga bansang Ingles ang wika."
________
Pinagkunan ng ALBUM:
Salazar, Zeus. Ang Pantayong Pananaw at ang Cordillera Studies. Panayam sa U.P. Baguio. UP Baguio Auditorium. https://www.facebook.com/photo.php?fbid=2025564525365&set=a.2025564365361.2097170.1431586222&type=3&theater
No comments:
Post a Comment