Saturday, July 28, 2012

Ang Karahasan sa Ika-3ng SONA ni BS Aquino at ang Katipunan

Maraming tumuligsa dito sa mga ginawa ng ilang kalalakihan dito sa larawang ito (bahaging itaas). Ikatlong SONA ni "Pangulong" BS Aquino de Hocus Pcos noong Hunyo 23, 2012..... Talaga namang hindi maganda. Subali't hindi naman kaya tulak na sa pader ang mga tao at wala nang mapaglabasan ng kanilang paghihirap at kawalang pag-asa?........... Kung buhay ang tunay na bayaning si Gat Andres Bonifacio, ano kaya ang sasabihin niya?

Hindi talaga mainam ang ginawa ng mga demonstrador dito sa larawan dahil 1) Gastos lang yan pag nasira ang kotse eh bulsa ng taumbayan ang matatamaan at tiyak na may makikinabang na naman sa kick.back kung kailangang ipagawa; 2) Pag nasaktan si mamang pulis ay baka, baka sakali lang na mabait naman siya sa hanay ng mga bulok sa kapulisan; 3) Lahat ng mob actions ay pangit dahil labag sa batas at kaayusan, katulad na lamang ng epal na EDSA 2.






Subalit ano ang gagawin ba kung ang marami sa mga Pilipino ay nagugutom; walang trabaho; walang panlunas sa karamdaman dahil sa direksyon privatization ng healthcare; madalas putol ang kuryente dahil ang presyo nito ay ang isa sa pinakamataas sa buong mundo; o kaya naman ay tinotorture o pinapatay kapag mining activist o human rights defender? Hirayain ninyo na kayo ay isang marginalized, mahirap lamang at nasa kalagayan ng mga tutol sa pagmiminang makakasama sa inyong lugar sa mabundok na kanayunan, halimbawa, subalit military harassment, kundi salvaging, ang pinapalasap sa inyo?

Mukhang marami ang hindi gising o nakakakaalam sa katotohanang masama na ang lagay ng bayan, kabaligtaran ng marami sa pinagsasabi ni "Pangulong" Abs sa SONA. Napakarami ho ng kaso ng nakawan at paghoholdup ngayon, itinatago lamang. Magtanong kayo sa mga kaibigan ninyong pulis at malalaman ninyo na tinatakpan na lamang nila ang mga ganyang pangyayari hangga't maari. Holdup sa fx, holdup o hablutan ng pera sa kalsada pag natiktikan kang nag.withdraw, o akyat.bahay. At urban legend na nga ang kain de PAGPAG. Maliban pa nga sa matinding panunupil ng karapatan, kung hindi ng buhay, sa mga kanayunan pag aktibista ka.

Dapat ngang turuan o hikayatin ang lahat na huwag maging mapanira o manakit pag nagproprotesta. Buhayin ang ethics ng Kataastaasang, Kagalanggalangang Katipunan nang manga Anak nang Bayan (KKK), ang Kartilya para mamuhay tayo ng may paggalang sa isa't isa, kapatiran kumbaga. Ngayon, kung desperado na dahil walang nakikinig o walang tamang pagkilos mula sa pamahalaan, tumingin din siguro tayo sa KATIPUNAN. :)


_______________


P.S.:

Sabi naman sa mga aktibista, kaya nagkagulo ay dahil pinigil/dinisperse ng kapulisan ang rally kahit may permit daw o ayon naman daw  sa batas ang kilos protesta noong SONA. Batay sa ulat ng Bulatlat.com:
“We have all the legal grounds to march to Congress. What was illegal that day were the police barricades, the violent dispersal of our ranks, and the arrest and continued detention of our fellow activist,” Quiza said.

Bayan filed an application for a rally permit with the Quezon City Government ten days before President Benigno Aquino III delivered his third State of the Nation Address (SONA), but the local government did not act upon the petition. Under Batas Pambansa 880, an application is deemed granted if not acted upon within two days.



Mga larawang galing sa Arkibong Bayan


Mula naman sa Arkibong Bayan ay makikita na ang Pamahalaan ang mas naging marahas, matinding manakit matanggal o mapigilan lang ang protesta laban sa SONA. Namalo lang naman ho sa ulo ang mga pulis ng hindi isa, hindi dalawa, kundi maraming beses. Susmeyo, MASAMA ho ang pamamalo sa ulo dahil nakakasira ito ng grey matter ng utak at pag minalas ay baka makapatay pa. Eto ho ang kuwento ng isang pinagtitira ng mga pulis:
Ang lakas ng mga pulis, ang lakas nila pumalo, napalo nila ako sa ulo ng 3 beses, sa likod ng 12 beses, sa braso ng 6 na beses at nahataw din nila ako ng shield ng 2 beses sa braso. Nasira din nila ang aking damit.

Madami din silang nasaktan at nabato, babae, bata, matanda na higit pa sa sinapit ko. Pero hanggang diyan nalang pala kaya nila, ang manakit at mambato.

Ang hindi nila kaya ay ang ginagawa ng mga dumalo kahapon, ang maghangad ng pagbabago, ang magtanggol sa katarungan at kapayapaan... ang likhain ang isang lipunan kung saan di nagsasamantala ang tao sa tao.

Mga iba pang larawang magpapakita ng kabilang mukha ng naging kaguluhan sa SONA ni "Pangulong"  BS Aquino:


__________


Orihinal na larawan:


https://www.facebook.com/photo.php?fbid=428166497236220&set=a.198146146904924.61420.198144786905060&type=1&relevant_count=1

May iba pang larawan mula sa Reuters na maaring makita:

http://news.daylife.com/photo/05RIaVpdQm2pG?__site=daylife&q=manila

Saturday, July 7, 2012

Hulyo 7, 1892: Pagkakatatag ng Katipunan


ISANG siglo at dalawampung taon na ang nakakalipas sa araw na ito, noong Hulyo 7, 1892, nang itinatag nila Gat Andres Bonifacio y de Castro ang Kataastaasang, Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan. Sa isang pagpupulong sa Azcarraga St. (na ngayon ay tinatawag na Claro M. Recto Avenue) malapit sa Elcano St. sa Tondo, Manila nila Bonifacio, and kanyang bayaw na si Teodoro Plata, kaibigang Ladislao Diwa, at sina Valentin Diaz at Deodato Arellano ay pinagpasyahan nilang panahon na upang tahakin ang isang daang mas marahas kaysa sa Kilusang Propaganda nila Gat Jose Rizal, Marcelo H. del Pilar, Graciano Lopez Jaena, atbp.

Nakapaloob sa talumpati ng magiging Supremo ng Katipunan, si Gat Bonifacio, ang buod ng mga kadahilanang nagtulak sa pagtatag ng Katipunan.
Mga Capatid:

Tayo'y di mg?a pantás, caya hindî mariringal na talumpatî at dî maririkit na sulat ang ating idaraos; sa gawâ natin daanin: ang catubusa'y hindî nacucuha sa salita ó sa sulat; kinácamtan sa pagsasabog ng dugô."

Talastas na ninyo ang calupitáng guinawâ sa ating capatid na si Dr. Rizal, iya'y maliwanag na halimbawang nagpapakilala sa ating di tayo macaliligtas sa caalipnan cung dî daraanin sa pakikibaca."

¡Sucat na ang pagpapacababà! ¡Sucat na na ang pangangatuwiran! ¡Nangatuwiran si Rizal ay hinuli pagcatapos na mapag-usig ang mg?a magulang, capatid, kinamag-anacan at cacampí!"

¡Sucat na! Papagsalitain natin naman ang sandata! ¿Na tayo'y pag-uusiguin, mabibilango, ipatatapon, papatayin? Hindî dapat nating ipanglumó ang lahat ng? ito, mabuti pa ng?a ang tayo'y mamatay cay sa manatili sa pagcabusabos."

At ng maganap natin ang dakilang cadahilanan ng pagpupulong nating ito'y ating maitayô ang isáng malacás, matibay at macapangyarihang catipunan ng? mg?a anác ng? Bayan."

¡Mabuhay ang Filipinas!!!
                                                                                                             - Andres Bonifacio y de Castro



Sa loob ng apat na taon at dalawang buwan ay itatatag ng Katipunan ang Manghihimagsik na Pamahalaan sa ilalim ni Bonifacio at sisiklab ang HIMAGSIKANG Pilipino.

____


Mga Batis:
Milagros C. Guerrero, Emmanuel N. Encarnacion, & Ramon N. Villegas. Andres Bonifacio and the 1896 Revolution. 16 July 2003. http://www.ncca.gov.ph/about-culture-and-arts/articles-on-c-n-a/article.php?i=5&subcat=13

Pascual H. Poblete. Buhay at Mga Ginawa ni Dr. Jose Rizal. Project Gutenberg, 2006. http://www.gutenberg.org/files/18282/18282-h/18282-h.htm

La Revolución filipina (1896-1898). http://www.museo-oriental.es/ver_didactica.asp?clave=138&loc=0


Photo Art:  Taga-Ilog


BASAHIN din po sana ang:

The Katipunan Founding Speech of Andres Bonifacio. http://blog-by-taga-ilog-news.blogspot.com/2010/11/katipunan-founding-speech-of-andres.html