Ang
pagkiling nga naman ng Pamahalaan ng Pilipinas para sa Kalbong Agila.
Nakikita sa mga itinayong istrakturang pangkasaysayan. No wonder
Leftists consistently dub GPH as "tuta ng Kano."
Imagine the
partiality for World War II battles and soldiers over the longer,
bloodier, and more important Philippine-American War (1899-1914). We
have much of Corregidor as WW II national shrine whereas there a re
so few shrines and landmarks dedicated to commemorate the Fil-Am War.
Dapat nga ay mas pagtuunan ng pansin ang Digmaang Pilpino-Amerikano
kaysa sa paglaban sa Hapon noong Pangalawang Digmaang Pandaigdig dahil
mas mahaba, mas madugo, at mas mahalaga ang una.
The Fil-Am War
was way much longer because, having lasted from some 14-15 years, with
the last battles fought around 1913 compared to World War II's Japanese
rule that lasted for a mere three years. The Fil-Am War's about as
bloody as the Japanese Occupation bloodier because some estimates put
the total direct and indirect Fil-Am War (Filipino) deaths at a
million--about the same figure as in World War II. The Fil-Am War is
more important by virtue of our status as combatant country--the
Philippines was an independent nation battling the imperialist United
States, compared to us being a mere U.S. colony fighting against
Japanese Occupation during WW II.
Sa totoo, mas maraming national shrines/landmarks/ monuments
patungkol sa Himagsikan laban sa Kastila, kabilang ang pook ng labanan,
katulad na lamang ng Pinaglabanan Shrine. At dapat lamang. It is just
so anomalous that what's in-between the Revolution and World War II
seems largely forgotten. Or glossed over.
Meron din namang
patungkol sa Digmaang Pilipino-Amerikano subali't kaunti lamang ito. Ang
Tirad Pass National Shrine ay kung saan napatay si Hen. Gregorio Del
Pilar. Nandiyan din ang Bantayog ni Ricarte o Ricarte National Shrine na
nagpapahalaga kay Hen. Artemio "Vibora" Ricarte, lumaban mula
Himagsikan at hindi sumuko sa mga Amerikano. Ang Miguel Malvar
Historical Landmark ay maisasali na dahil si Hen. Malvar na lumaban din
mula Himagsikan ay isa sa pinakahuling heneral na sumuko sa
imperyalistang kaaway.
Subali't ihambing sa dami ng patungkol
sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Kabilang riyan ang Dambana ng
Kagitingan o Mt. Samat Shrine (Shrine of Valor) na nasa Mt. Samat,
Pacific War Memorial Museum at ang Corregidor National Shrine na mga
nasa Bataan. Ang Paggunita sa Capas o Capaz National Shrine na nasa
Tarlac. Ang Bantayog Sa Kiangan na matatagpuan sa Ifugao province at
kung saan sumuko si Gen. Tomoyuki Yamashita. Nandiyan din ang Bantayog
ng Balantang (Balantang Memorial Cemetery National Shrine) na nasa
Panay. At pati ba naman ang pagdating ni Hen. Douglas McArthur sa
Leyte--ang McArthur Landing Site. Sabihin pa, nandiyan ang Battling
Bastards of Bataan Memorial na para lamang sa mga Amerikanong sundalong
at nasa loob na Camp O'Donell sa Tarlac.
Even at the Libingan
ng mga Bayani (LNMB), the lack of appreciation for Fil-Am War
patriots/soldiers is apparent. While there is a pylon for Philippine
World War II Guerillas and also for Vietnam War Memorial and Korean War
Memorial, there is none for Philippine-American War freedom fighters.
Sixty-four years (64) after our supposed independence from the Bald
Eagle nation, and 112 years after the Filipino-American War, the
Philippine government still acts subserviently before the imperialist
Americans. Bahag pa rin ang buntot natin sa Kano? Kesehodang mabaluktot
ang ating kasaysayan.
Nakakaawa ang mga bayani nating lumaban
sa imperyalista at rasistang Amerikano. Mas lalong nakakaawa siguro ang
maraming henerasyon Pilipino na napailalim sa "brainwashing" o colonial
miseducation kung kaya't naiwaksi ang pait at katotohanan ng pananakop
ng, at marubdob nguni't nagaping paglaban natin sa kaaway na, Estados
Unidos.
Mas mahaba pa sa Himagsikan ang pakikipaglaban natin
laban sa Amerikano. It is possibly even the most important because our
freedom fighters then fought with us having the status of a free nation.
Time to have more Fil-Am War shrines and landmarks, including one about
the Republic of Katagalugan/Gen. Sakay. Dapat din tayong magkaroon ng
Museo ng Digmaang Pilipino-Amerikano.
________
Photo art: Jesusa Bernardo
Raw Photo credits:
http://server.pvao.mil.ph/militaryshrine.html
http://www.bukisa.com/articles/94123_famous-historic-shrines-and-monuments-in-the-philippines
http://www.virtualtourist.com/travel/Asia/Philippines/Province_of_Cavite/Corregidor_Island-1402136/Things_To_Do-Corregidor_Island-TG-C-14.html
http://www.ourawesomeplanet.com/awesome/2005/11/paying_due_resp.html
References:
Gordon L. Rottman. War 2 Pacific island guide. Illustrated Edition. Greenwood Publishing Group, 2002
DECLARING NATIONAL SHRINES AS SACRED (HALLOWED) PLACES AND PROHIBITING DESECRATION THEREOF
http://www.chanrobles.com/presidentialdecrees/presidentialdecreeno105.html
A Soldier of Courage and Compassion
http://www.nhi.gov.ph/index.php?option=com_content&task=view&id=75&Itemid=10
Shrines and Landmarks
http://www.nhi.gov.ph/index.php?option=com_content&task=category§ionid=1&id=9&Itemid=10
Famous Historic Shrines And Monuments in The Philippines
http://www.bukisa.com/articles/94123_famous-historic-shrines-and-monuments-in-the-philippines
National Parks in Luzon
http://www.visitphilippines.org/guide/8_0_37_1_National-Parks-in-Luzon-.:-VisitPhilippines.org-a-Best-Destination-Travel-Guide-by-Travelindex.html
Corrigedor Island Tour
http://trailsntravelogues.com/2008/02/corrigedor-island-tour.html
______________