Pages

Thursday, January 22, 2015

Pope John Paull II kay Marcos; Pope Francisco kay BS Aquino

Bakit ganoon? Si Pope John Paul II, public ang pagpuna niya sa administration ni Marcos pero itong si Pope Francis, hindi isinapubliko ang pagtira niya (kung ginawa nga) kay "Pangulo" BS Aquino de Hocus Pcos. Bagkus, ang Simbahan pa niya o mga tauhan nito ang publikong tinira ni A_Noy! Ibig sabihin ba ay may matino ang administration ni Aquino de Hocus Pcos kaysa kay Presidente Ferdinand Marcos? Naku, isa akong sobrang galit kay Marcos noon at maka-Ninoy pero maliban sa HR ay mas sobrang sama ng kalagayan ng Pinas ngayon... mass automation pa ang dayaan sa halalan! O kaya naman ay mahina lang talagang bumulong sa Papa ang Obispo ng Maynila ngayon kung ihahambing sa panahon ni Marcos? Hindi naman kaya pwedeng sabihing hindi diretso si Papa Kiko dahil kilala nga ito sa pagiging medyo.medyo radikal sa mga ideya at pagsasalita... o baka kaya hindi totoong totoo ang kasalukuyang Papa??? ...Nagtatanong lang po.

No comments:

Post a Comment