Pages

Saturday, July 7, 2012

Hulyo 7, 1892: Pagkakatatag ng Katipunan


ISANG siglo at dalawampung taon na ang nakakalipas sa araw na ito, noong Hulyo 7, 1892, nang itinatag nila Gat Andres Bonifacio y de Castro ang Kataastaasang, Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan. Sa isang pagpupulong sa Azcarraga St. (na ngayon ay tinatawag na Claro M. Recto Avenue) malapit sa Elcano St. sa Tondo, Manila nila Bonifacio, and kanyang bayaw na si Teodoro Plata, kaibigang Ladislao Diwa, at sina Valentin Diaz at Deodato Arellano ay pinagpasyahan nilang panahon na upang tahakin ang isang daang mas marahas kaysa sa Kilusang Propaganda nila Gat Jose Rizal, Marcelo H. del Pilar, Graciano Lopez Jaena, atbp.

Nakapaloob sa talumpati ng magiging Supremo ng Katipunan, si Gat Bonifacio, ang buod ng mga kadahilanang nagtulak sa pagtatag ng Katipunan.
Mga Capatid:

Tayo'y di mg?a pantás, caya hindî mariringal na talumpatî at dî maririkit na sulat ang ating idaraos; sa gawâ natin daanin: ang catubusa'y hindî nacucuha sa salita ó sa sulat; kinácamtan sa pagsasabog ng dugô."

Talastas na ninyo ang calupitáng guinawâ sa ating capatid na si Dr. Rizal, iya'y maliwanag na halimbawang nagpapakilala sa ating di tayo macaliligtas sa caalipnan cung dî daraanin sa pakikibaca."

¡Sucat na ang pagpapacababà! ¡Sucat na na ang pangangatuwiran! ¡Nangatuwiran si Rizal ay hinuli pagcatapos na mapag-usig ang mg?a magulang, capatid, kinamag-anacan at cacampí!"

¡Sucat na! Papagsalitain natin naman ang sandata! ¿Na tayo'y pag-uusiguin, mabibilango, ipatatapon, papatayin? Hindî dapat nating ipanglumó ang lahat ng? ito, mabuti pa ng?a ang tayo'y mamatay cay sa manatili sa pagcabusabos."

At ng maganap natin ang dakilang cadahilanan ng pagpupulong nating ito'y ating maitayô ang isáng malacás, matibay at macapangyarihang catipunan ng? mg?a anác ng? Bayan."

¡Mabuhay ang Filipinas!!!
                                                                                                             - Andres Bonifacio y de Castro



Sa loob ng apat na taon at dalawang buwan ay itatatag ng Katipunan ang Manghihimagsik na Pamahalaan sa ilalim ni Bonifacio at sisiklab ang HIMAGSIKANG Pilipino.

____


Mga Batis:
Milagros C. Guerrero, Emmanuel N. Encarnacion, & Ramon N. Villegas. Andres Bonifacio and the 1896 Revolution. 16 July 2003. http://www.ncca.gov.ph/about-culture-and-arts/articles-on-c-n-a/article.php?i=5&subcat=13

Pascual H. Poblete. Buhay at Mga Ginawa ni Dr. Jose Rizal. Project Gutenberg, 2006. http://www.gutenberg.org/files/18282/18282-h/18282-h.htm

La Revolución filipina (1896-1898). http://www.museo-oriental.es/ver_didactica.asp?clave=138&loc=0


Photo Art:  Taga-Ilog


BASAHIN din po sana ang:

The Katipunan Founding Speech of Andres Bonifacio. http://blog-by-taga-ilog-news.blogspot.com/2010/11/katipunan-founding-speech-of-andres.html

2 comments:

  1. Dahil po Dito sa Post mo May script napo kami sa Aming Play SALAMAT PO!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Walang anuman, Nue True. Nagagalak akong nakatulong sa inyo at sa pagpapakalat o pagpapaala.ala tungkol sa ating mga bayaning Katipunero at Katipunera.

      Kung nais, marami ka pang mapupulot sa aking primerang blog, ang Sobriety for the Philippines, dito sa link na ito: http://forthephilippines.blogspot.com/

      Delete