Pages

Wednesday, May 30, 2012

Hamong 'SALn Waiver' ni Corona bilang Paglilinis ng Bayan

BENTE-TRES, 20-3, ang hatol ng impeachment court. May sala daw ang Pinuno ng Korte Suprema sa kasong hindi wastong o kakulangan sa pag.disclose ng kanyang ari-arian sa kanyang Statement of Assets and Liabilities and net worth o SALN.

Naalala ko ang sinabi noong Enero ng isang tao na medyo malapit sa akin at nasa periphery of power kumbaga. Sabi niya ay ma.impeach (guilty verdict) daw itong si Corona. Akala ko ay ek-ek lang niya ang mga salitang binitiwan niya. Siya nga rin pala ang taong nagsabi sa akin noong bandang April 2004 na mandaraya ang kampo ni Gloria Arroyo sa halalan ng taong iyon at sana raw 'the country could weather the storm that could follow' o basta malapit doon.

Tama pala siya. Convicted nga si Corona. At mukha daw bang ginapang dahil ilang oras o araw ba bago ang paghahatol ay alam na ng iba na nasa 19 o 20 ang senador na boboto ng 'guilty'? Sabi daw ni Llamas....





Si Corona at si Tabako y Arrobo y EDSA 2


Hinding hindi ko naman gusto itong si Corona. Inis na inis nga ako dito noong maging alipores ni Arrobo sa Malacanang matapos maagaw nila ang kapangyarihan mula kay Pangulong Joseph "Erap" Estrada. Bilang bataan ni Fidel V. Ramos (naging presidential legal counsel pa nito) at Presidential Chief of Staff, tapos Presidential Spokesman at Acting Executive Secretary pa ni Arroyo, sigurado akong may kinalaman ito sa sedisyong-pang.a.agaw-kapangyarihan noong EDSA 2. 


Bwisit na bwisit ako sa kanyang mga ngisi noon lalo na pag tinitira ang kanilang inagawan ng pagkapangulo. Naalala ko nang ginawa siyang Hukom sa Korte Suprema ni Arroyo (noong Abril 2002) ay tuwang-tuwa ang Civil Evil Society pero sa aking isip ay kontrang-kontra ako dahil makakadagdag lang si Corona sa mga dilawang Pilipinong walang paggalang sa Saligang Batas at sa boto ng taumbayan ang hudikatura.

Kaya nga ng mag.umpisa ang impeachment kay Corona sa pagtutulak ni Hocus Pcos "President" BS A_Noy Aquino halos limang buwan na ang nakakaraan, ang posisyon ko ay 'let them box each other till no one's left standing.' Sa tingin ko kasi ay makakaganda sa bayan ang pagu.umpugan ng mga ito. At MUKHANG may nangyari namang maganda dahil sa naging hatol ng Korte Suprema na ibigay na ang Hacienda Luisita sa mga magsasakaw (kahit na may hinihinging kabayaran na dapat ay wala na dahil ilang dekadang overdue ang pagbabahagi nito). 





Hamong "Waiver"


Ngayon, tapos na ang telenobelang impeachment trial ni Corona at tanggal na bale siya, ang mainam sanang mangyari ay ma.pataw sa lahat ang voluntary waiver ng Punong Hukom ukol sa confidentiality ng kanyang mga bank accounts, tax records, and properties. Noong una ay hinamon muna ni Corona ang lahat ng mga mambabatas na nagtulak ng impeachment trial niya at itong hamong ito raw ngayon ay medyo mainit na itinutulak ng mga ordinaryong mamamayan. Ayon sa kanya:

I am humbly asking all 188 complainants from the House of Representatives...and Sen. Franklin Drilon to join me in this moment of truth as a gesture of transparency and reconciliation of the Filipino people. I am asking them to sign these blank forms and join me sapagkat hiling po ito ng bayan. Let us face the people together....

Magiging mainam para sa bayan ang paglilinis at hindi persecution ng isa o ilang tao lamang. Dapat LAHAT silang mambabatas at mga halal ng bayan ay maging bukas ang rekord pagdating sa kanilang mga ari-arian. Kasama si "Pangulong" BS Aquino, kabilang ang lahat ng luma at bagong mga dokumento ukol sa pagiging bahaging may-ari niya ng Hacienda Luisita.

... pero talaga nga bang hindi moro-moro lang lahat ng away daw ni A_Noy at Corona/kampo ni Arroyo samantalang hindi naman tunay na umuusad ang paghahabol sa mga pagnanakaw ng pera at boto ni EDSA 2-cum-Hello Garci former "President" na si Gloria?

Anupaman, may PETISYON ho para sa pagtutulak ng hamon upang pirmahan ng mga opisyal ng pamahalaan ang waiver patungkol sa confidentiality ng kanilang mga ari-arian:

188 Philippine Congressmen and Sen. Franklin Drilon: Accept the challenge: Sign the Waiver!

http://www.change.org/petitions/188-philippine-congressmen-and-sen-franklin-drilon-accept-the-challenge-sign-the-waiver

_____


References:

Manalo, Charlie. "Your Move." The Daily Tribune. 24 May 2012. http://www.tribuneonline.org/commentary/20120524com5.html

Supreme Court of the Philippines. Justice Renato C. Corona. http://sc.judiciary.gov.ph/justices/j.corona.php

 

No comments:

Post a Comment