Pages

Monday, January 23, 2012

Kung Hei Fat Choi! Subali't Babala sa 2012


Kung Hei Fat Choi! Maligayang Chinese New Year ho sa lahat ng Taga-Ilog/Pilipino! Nawa'y magkaroon tayo ng Kasaganahan hindi lang sa salapi at pagkain kundi sa Kalusugan, Kawisyuhan, Katarungan, at ala-Katipunan na Kapatiran.

Ang KASO, hindi ho mangyayari ang magagandang bagay na ito kung hindi tayo lubhang mag-iingat sa mga naglipanang NAKAKALASONG consumer items. Dahil hindi tayo pinoprotektahan ng ating pamahalaan laban sa mga delikadong imported na bagay (as a consequence of our membership to the globalized trade/World Trade Organization) pati mga Chinese New Year Lucky CHARMS at ORNAMENTS (at mga baso at plato, school supplies, make-up, atpb.) ay maaring napakasama sa ating kalusugan at isipan. Kung kaya NASA ATIN ang paghahanap ng paraan upang makatulong matiyak na hindi tayo madadali.




Ayon sa Eco-Waste Coalition, 14 sa 30 samples na binili sa Binondo ay may mataas na lamang lead at iba pang toxic metals. The samples--"feng shui amulets, bagua, bracelets, piggy bank, door signage, dragons and other animal figurines, joss paper and sticks, kiat kiat money tree, red fish hanging decor, rice urn, and other enhancers and activators for good health and fortune" contained lead, arsenic, chromikum, cadmium, and mercury "above levels of concern."

Tulad ng mga naunang public release ng grupo, natuklasan ang mga nakakalasong metal content gamit ang handheld XRF analyzer. Sa atin pong ikababatid, ang arsenic, cadmium, lead at mercury ay kasama sa listahan ng World Health Organization ng “Ten Chemicals of Major Public Health Concern," at, kabilang ang chromium, ay nasa “Priority Chemicals List” sa Pilipinas.

Dahil gusto tayong unti-unting mapatay, este, dahil INUTIL ho ang ating pamahalaan na pangalagaan ang ating kalusugan (kahit regular na bayad tayo ng bayad ng buwis o kinakaltasan nito ang mga remittances natin), tayo na ho ang pag-ingat hanggang wala pang overhaul, himag....

Ibig kong sabihin ho ay basta INGAT lamang po tayo sa ating mga binibili. Hanggang maari siguro ay mga tunay na lokal at katutubong gamit na laman ang ating gamitin o mamuhay na lamang tayo ng simple para mas IWAS LASON ngayong bagong taon at sa buong taon.

Kung Hei Fat Choi! Maligayang Bagong Taon de Intsik (?)!!! :)

_________

References:


EcoWaste Coalition. "Maging Mapagtanong, Maging Mapanuri at Maging Maingat" (EcoWaste Coalition Reminds Consumers to Take Precaution against Toxic-Laden Lucky Charms. 22 January 2012. http://ecowastecoalition.blogspot.com/2012/01/maging-mapagtanong-maging-mapanuri-at.html

EcoWaste Coalition. Chinese New Year Lucky Charms and Curios Tested Positive with Toxic Metals. 21 January 2012. http://ecowastecoalition.blogspot.com/2012/01/chinese-new-year-lucky-charms-and.html


 
Photo credits:

EcoWaste Coalition

http://www.hellokids.com/_uploads/_tiny_galerie/200901/chinese-new-year-0-source_1cb.jpg

http://1.bp.blogspot.com/_DHqGp13VpV0/TUruxotIGyI/AAAAAAAADc8/pcDmlyhVFOQ/s640/happy-chinese-new-year.jpg

.

No comments:

Post a Comment