Pages

Tuesday, December 6, 2011

Ang BANSANG Tagalog at ang 'Marangal na Dalit ng Katagalugan'

(Updated December 9, 2011)

Ang unang pambansang awit ng "Pilipinas" ay ang MARANGAL NA DALIT NG KATAGALUGAN' na ipinagawa ni  Gat Andres Bonifacio y de Castro, Supremo ng Kataastaasang Kagalanggalangang Katipunan nang manga Anak nang Bayan, kay Julio Nakpil y Garcia. Si Nakpil ay hindi lang isang musikero kundi isang bayani na lumaban laban sa mga Kastila. Ayon sa blog na gawa ng kanyang saling-lahi:
He served as the Secretary of Command under Andres Bonifacio using a covert name, J. Giliw. Together with Supremo Isidro Francisco, Nakpil accepted to command the revolution north of Manila. His deep concern for the Katipuneros lack of munitions earned him the task in watching over the funds and purchase of weapons. In one of his missions, he bravely led the extraction of gun powder kegs from the Spanish powder magazines in Morong to resupply the revolutionists in Cavite.


Narito ang orihinal na sulat-kamay na titik ng 'Marangal na Dalit ng Katagalugan'' ni Julio Nakpil:


(Image enlarged and photoshop.enhanced by JB)


The final copy of 
the Himno Nacional of the secret-society-turned-revolutionary-government is not the same as the original or draft. Below is the final song lyrics, which slightly differ from the draft (in the photo below):
Mabuhay yaong Kalayaan
At pasulungin ang puri't kabanalan
Kastila's mailing ng Katagalugan
At ngayo's ipagwagi ang kahusayan

(Image enlarged and photoshop.enhanced by JB)



Narito ang pinagsamang una at ikalawang bahagi ng pambansang awit na Marangal na Dalit ng Katagalugan, pinal na sipi na mula sa blog ng pamilya ng bayaning si Nakpil:

Mga imaheng pinagsama at  inayos ni JB


Tagalog/Katagalugan  =  Bansa/Mamamayan ng "Pilipinas"


Tungkol sa paggamit ng "Katagalugan" o salitang "Tagalog," nila Supremo Andres Bonifacio y de Castro at iba pang mga Katipunero, dapat maunawaan na ang ibig sabihin nito ay bansang ito o mga mamamayan nito. Lahat ng ipinanganak sa arkipelago, kabilang ang mga Bisaya, Kapampangan, Ilokano, Tausug, atbp. ay mga Tagalog. Sa madaling salita, hindi lamang iyong mga kasapi sa ethnolinguistic na grupo sa Gitnang Luzon ang Tagalog kundi lahat ng mga mamamayan dito.


Kung pareho pala ng ibig sabihin ng "Pilipino" o "Pilipinas" ay bakit Tagalog/Katagalugan pa ang ginamit? Noong panahon kasing iyon, ang “Filipino” ay ginagamit pantukoy sa mga Kastilang ipinanganak dito sa ating mga Isla at ang natives ay "indio" ang tawag. Hindi siguro masikmura nina Bonifacio, Emilio Jacinto y Dizon at sampu ng mga bayani nating Katipunero na gamitin ang salitang 'Filipino' para sa ating mga 'Pilipino' dahil naghihimagsik nga sila eh.


Dahil kakatwa at hindi katanggap-tanggap sa mga Katipunero noon na gamitin ang salitang "Filipinas" na isang katagang hindi lamang bansag ng mga mananakop kundi nagpapahiwatig pa ng kolonyal na estado ng bansa dahil mula ito sa pangalan ng Hari ng Espanya (King Philip/HaringFelipe) noong unang sakupin ang ngayon ay "Pilipinas."


"Tagalog" is a term derived from Taga-ilog"," which is a term that literally translates as "from/of the river" or, simply, riverine. Bonifaco and other  independentist Filipino heroes of the earlier century chose this country name in place of the very colonial "Filipinas" (now Philippines). The inspiration for Tagalog/Taga-Ilog is the archipelagic feature of the Southeast Asian country that renders its over 7,000 islands dotted with rivers or surrounded by bodies of water.


Malinaw na ang tinutukoy ng salitang Tagalog batay sa konsepto at paggamit dito ng mga Katipunero ay ang buong kapuluan at mga mamamayan nito. Makikita ito sa tanyag na isinulat ng pangunahing nagtatag at nagpalakas ng KKK, si Supremo Bonifacio, sa "Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog" at iba pang kasulatan. Ayon sa historyador na si Milagros Guerrero:
In his patriotic writings, Bonifacio expressed his concept of nationhood. In K.K.K Katungkulang Gagawin ng mga Z.Li.B., Pagibig sa Tinubuaang Bayan, Hibik ng Filipinas sa Ynang Espana and Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog, he referred to the Philippine islands as sangkapaluan or Katagalugan. In a revolutionary leaflet printed in Cavite during the first quarter of 1897, Bonifacio wrote: "Mabuhay ang Haring Bayang Katagalugan."

 

Walang duda na ang Katipunan ay isang pambansang pakikibaka at ang mga kinausap at tinawag nila Bonifacio upang lumahok dito ay ang lahat ng mamamayan ng kapuluan, ang mga 'Tagalog.' Binigyang linaw at ipinagpatuloy ni Hen. Macario Sakay ang ganitong konsepto sa kanyang pagtatatag ng Republika ng Katagalugan noon kalagitnaan ng mahabang Digmaang Pilipino-Amerikano (1899-1914). Ayon kay Sakay (na isang Katipunerong nakasama/nakatulong nina Bonifacio noong Himagsikan laban sa Kastila):
Ang mga Nayon, bayan Hucuman nitong Filipinas ay siyang tinatauag na Kapuluang Katagalugan, sa macatuid baga, ay gaya ng Jolo, Mindanao, Kabisayaan, Kailokohan iba't iba pang lupa na tunay na Tagalog.[28] (The villages and municipalities of this Filipinas are called Katagalugan Archipelago, which in effect, are the likes of Jolo, Mindanao, Visayas, Ilocos and all other different lands that are truly Tagalog.)


Ipinaliwanag ng Katipunero/manghihimagsik na si Carlos V. Ronquillo sa kanyang unpublished memoir, “Ang Paghihimagsik ng 1896-1897” (The Revolution of 1896-1897) na ang ibig sabihin ng pagtawag nila ng "tagalog" ay tumutukoy sa ating lahat na mamamayan ng bansang ito. Sa madaling salita, ang "Tagalog" ay nangangahulugan ng bansag natin ngayon sa ating sarili na "Pilipino." Ayon kay Ronquillo:
Ito ang dapat unawain ng mga bumabasa: sa tawag naming tagalog na makikita sa bawat dahon halos ng kasaysayang ito, ay di ang ibig naming sabihi’y ang paris ng palagay ng iba, na inuukol lamang sa tubong Maynila, Kabite at Bulakan, at iba pa, hinde kundi ang ibig naming tukuyin ay Filipinas…

Sapagka’t sa palagay naming ay ganito ang talagang nararapat ikapit sa tanang anak ng Kapilipinuhan. Ang tagalog o lalong malinaw, ang tawag na “tagalog” ay walang ibang kahulugan kundi ‘tagailog’ na sa tuwirang paghuhulo ay taong maibigang manira sa tabing ilog, bagay na di maikakaila na siyang talagang hilig ng tanang anak ng Pilipinas, saa’t saan mang pulo at bayan.

Kung sakaling magbabago o ma-overhaul ang sistema ng Pilipinas, mainam na mapalitan ang kolonyal at nakakainsultong pangalan nito pabalik sa Tagalog/Katagalugan na siyang ninais ng ating mga bayaning Katipunero. Maari ring gawing "Taga-Ilog" para mas malinaw na ito ay tumutukoy sa buong kapuluan dahil sa ngayon ay malalim ang pagmamaliit sa Tagalog/Katagalugan na republika nina Bonifacio at Sakay. Anupaman, malinaw na ang Tagalog na tinutukoy dito sa Himno Nacional na ginawa ni Nakpil ay ang lahat ng mamamayan ng bansang/kapuluang ito.

7 comments:

  1. Walang duda... na kapag binanggit ng mga ninuno nating mga Katipunero, ang "TAGALOG" o "KATAGALUGAN", ang tinutukoy o ang ibig nilang sabihin ay ang buong kapuluan...
    na ako rin ay naiilang nang tawaging Pilipinas o Philippines.
    Nakakalungkot na ang ibang mga kababayan natin na Bisaya, Ilokano, Kapampangan, atbp. ay hindi matanggap na tawaging "TAGALOG" o "KATAGALUGAN" ang lupa nating tinubuan.
    May mga komento akong nabasa at narinig tungkol sa mungkahi na palitan ng "TAGALOG" o "KATAGALUGAN" ang bansa natin.
    May nagsabi na "NO WAY", "HINDI YATA PUEDE ITO" at "IMPOSIBLE.
    Hanggang hindi nagagawan ng paraan at bigyan ng solusyon ang isyu na ito, patuloy pa rin na magiging isa sa napakaraming tinik na nakaharang sa daan tungo sa proseso ng pagkakaisa ng sambayanan at mahal nating bayan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. tama naman sila, hindi maaaring tawagin katagalugan ang buong kapuluan sapagkat ang tagalog ay isang lenguahe at tumutukoy sa taong nagsasalita ng wikang tagalog. paano mo masasabing tagalog ang ipinanganak sa pampanga kung natuto lang siyang magtagalog nung tumuntong siya ng kinder? malalaman mo rin sa punto nila kung ano ang kanilang pinagmulan, hindi ba?

      Delete
    2. Anonymous, natawag na ngang Tagalog ang buong kapuluan at ang mga bayaning magnhihimagsik pa nga ang gumawa niyan. nakapa.simplistic at paiwas na pagdadahilan na limitahan ang kahulugan ng Tagalog sa salita at ethnic race na taga medyo bandang Gitna at Timog Luzon.

      Mula kay Supremo Andres Bonifacio hanggang kay Hen. Macario Sakay at mga gustong magpatuloy ng adhikain ng Katipunan, Tagalog ang nais ipangalan ng magigiting na tagapagtulak ng tunay na kasarinlan na ito sa ating kapuluan. At ang basehan ay ang natural na archipelagic features ng ating bayan na riverine, mailog, naiikutan o hitik sa anyong tubig.

      Delete
  2. ang pagtuturo ng tamang kasaysayan, partikular ang sa katipunan at kay bonifacio, ay makakatulong, ex-castillo.

    ReplyDelete
  3. MABUHAY ANG IYONG ALAALA HENERAL JULIO NAKPIL! MABUHAY ANG ATING SUPREMO!

    ReplyDelete
  4. ang ganda nya p nkaka relate mabuhay kyo julionakpil

    ReplyDelete
  5. ang katagalugan ay hindi lamang tumutukoy sa mga tagalog na bilang isang ethnic group bagkus ito ay tumutukoy sa mga taong naninirahan malapit sa ilog kaya marahil tinawag na katagalugan ang buong pilipinas sa panahon nina bonifacio dahil sa katotohanang ang buong kapuluan ay napalilibutan ng katubigan...

    ReplyDelete