Pages

Saturday, November 19, 2011

Balitang Tate? Salamat sa RT

Buti na lang at nandiyan ang media outfit na RT.com (dating Russia Today) dahil kung hindi ay mas matinding "zombiezation" ang nangyayari sana sa mga mamamayan ng mundo kabilang ang Kalbong Agila.
Bago.bago lang nagiging sikating ang RT sa mga taga Kanluran at mga mamamayan ng mga tutang bansa nito kagaya ng Pinas. Subali't batay sa isang survey ng Nielsen Research na ang RT na ang paboritong news source ng mga Amerikano sa Washington, D.C., maliban sa BBC.

Ang dahilan daw dito, ayon sa FAIR, isang media watchgdog group, ay dahil hindi pinagtutuunan ng mainstream U.S.-based news channels ang mga balita sa ibang bansa. Kitang-kita ang bias ng US mainstream media noong 2003 nang nag.rally ang kalahating milyong Amerikano laban sa Iraq War nguni't halos hindi ito ibinalita sa U.S.

 
Ang 2009 na pag-aaral ng Nielsen Research ukol sa American media patronage ay noong Enero 2010 pa pinalabas. Mas lalo na sigurado ngayon kung kailan pumutok na ang OWS o Occupy Wall Street Movement. Sabi nga ng isang OWS protester nitong linggo lang na ito:
Nationally we have managed to change the narrative, especially in the mainstream and corporate media in the US. If it were not for news organizations like Russia Today, many of us here would not be getting the information economic situation on our economic situation and foreign policy. - Jeannie Dean

Ang RT, financed by the Russian government (parang katulad ng BBC ng Britanya) ay itinatag noong 2005 ngunit noong 2008 lang nagumpisang targetin nito ang U.S. market. Ang channel ng RT ay nasa top ten most viewed sa kategorya news and politics sa kasaysayan ng YouTube. Mukhang ang isang nagpasikat sa RT ay ang coverage nito sa 9/11 at OWS at Libya invasion issues, na minamaliit ng mainstream U.S. corporate media. 
 

_____


Mga Batis:

TV Audience in Washington, D.C. Metro Area Prefers Watching Russia Today to Other Foreign TV News in Prime Time. http://en.sdelanounas.ru/

Foreign News Channels Drawing U.S. Viewers. IPS News.http://www.ipsnews.net/news.asp?idnews=50157&fb_source=message 
 
Pinagkunan ng mga Larawan:
http://rt.com/
http://www.richardcassaro.com/wp-content/uploads/2011/10/Dont-trust-the-corporate-media.jpg
 

No comments:

Post a Comment