Pages

Saturday, November 12, 2011

Ang Nakakalasong Suliranin sa Bombilyang CFL


 Bakit kaya tinutulak ng pamahalaan ang paggamit ng CFL o compact flourescent light na mga bombilya kahit may lamang toksikong mercury ito at WALANG BABALA sa mga etiketa o label nito?

Oo nga't mga 70% ba o higit daw na mas matipid ang CFL kaysa ordinaryong incandescent na bombilya subali't pag nabasag kasi ang CFL, may peligrong ma.inhale ito na maaring magdulot ng

Bawa't flourescent light ay may 4-5 mg. mercury na ginagamit bilang reactant sa phosphor (the white lining in the bulbs) para ma.convert ang absorbed UV light bilang puting ilaw. Kahit kakarampot na mercury lamang ito, delikado pa rin dahil pag nabasag ang bombilya, nagiging mercury vapor ito sa room temperature at maaring ma.inhale at makapasok sa katawan. In fact, mercury is at its most toxic state as mercury vapor and children are particularly vulnerable.

Ang masamang maaring idulot ng mercury sa katawan ay memory loss, impaired judgement, increased blood pressure, mga problema sa pandinig at sa bato, atmaluluwag na ngipin.

Isa pa, 4-5 mg nga lang kada bombilya eh kaso, ayon sa National Institute of Occupational Safety and Health ng Estados Unidos, hindi dapat lumampas sa 0.05 mg. kada cubic meter ng hangin sa loob ng 8 oras ang bawa't isang tao. At karamihan ng nasinghot na mercury ay pumapasok sa katawan.

http://teachers.yale.edu/curriculum/search/viewer.php?id=initiative_08.07.07_u&skin=l

"Mercury is highly toxic. Mercury accumulates in body tissues and organs and causes adverse health problems. It enters the body through inhalation of mercury vapors or by skin absorption when handling the substance. xxx

"High level mercury exposure can result in severe neurological damage and alter the functions of the nervous system. Human lungs readily absorb 75-85% of inhaled elemental mercury vapor, allowing it to diffuse across the alveolar membranes and attack red blood cells and the central nervous system."

http://acc6.its.brooklyn.cuny.edu/~scintech/mercury/WhatBigDeal.htm

Dapat ay ituro rin ng pamahalaan at ipaskil sa lahat ng etiketa ng mga CFL ang tamang 
paraan ng handling at disposal ng bombilyang nabasag. May mga hakbang na dapat ipatupad, ayon sa EPA o Environmental Protection Agency ng Kalbong Agila. Ang una at maaring pinakamahalaga ay:

"1. Before Clean-up: Air Out the Room

"Have people and pets leave the room, and don't let anyone walk through the breakage area on their way out.

"Open a window and leave the room for 15 minutes or more.

"Shut off the central forced-air heating/air conditioning system, if you have one."

Puntahan ang URL na ito sa iba pang mga hakbang:

http://www.energystar.gov/ia/products/lighting/cfls/downloads/CFL_Cleanup_and_Disposal.pdf

**********

Ang mas mainam at ligtas na gawin siguro ay ibang klaseng bombilya na lang ang gamitin.
Baka i.phase out na ang incandescent subali't nandiyan ang LED lights na walang mercury at mas efficient pa kaysa CFL. Mas mahal nga lamang ang LED subali't mas matagal ang buhay kaysa CFL kaya mura na rin long.term.

Mga mga flashlight at electric lamps na LED na. Tingnan natin kung may pang.isahang bombilya na dito sa Pilipinas....
 _______
 
Pinagkunan ng mga Larawan:
 http://keetsa.com/blog/recycle/swedish-firm-to-recycle-old-cfl-bulbs/

http://prolightbulbs.com/wp-content/uploads/2011/10/Mercury-in-CFL-Light-Bulbs.png

http://1.bp.blogspot.com/_naOn3mjJicg/TNK8e_0N-aI/AAAAAAAAAB8/57n4v3neI9k/s1600/s-CFL-BROKEN-large.jpg
 

No comments:

Post a Comment