TAGA-ILOG News
ayon kay dok @Zeus Salazar, Ama ng Pantayong Pananaw, "Tingnan din ang sinundan nitong islayd: ang dapat at nararapat ay ang isingit pagkatapos ng baytang ng "kinagisnang wika", mangyari pa, ay ang P/filipino, ang "wika ng lahat" ayon sa kasalukuyang islogan ng Buwan ng Wika na siyang dapat at nararapat ding maging wika ng buong sistema ng edukasyon. Bandang huling hati ng hayskul maaari nang bigyan ng pagkakataon ang kabataan na simulang mag-aral ng alinmang wikang banyaga na gusto o hilig nila; maaaring dalawang wika ang ihain -- ang isang wika ng ating kapaligiran tulad ng Indones o Malay, Thai at Vietnamese; at ang isang wika sa ibayo ng Timog Silangang Asya, tulad ng Tsino, Ingles, Kastila, Ruso, Hapones (ayon sa dami ng populasyong nagsasalita at sa kapakinabangang maaaring idulot nito sa pambansang kapakanan). Sa unibersidad maaaring ihain ang iba't ibang wika pa ng buong daigdig, ayon sa hilig at kagustuhan ng mag-aaaral."
Search This Blog & Links
Thursday, October 27, 2011
Samu't saring mga paskil - Oktubre 25, 2011
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment