Sunday, June 12, 2011

Watawat ng Katipunan - Tunay na Sumasagisag sa Kalayaan

 (updated December 7, 2011)
 ni Jesusa Bernardo


ITO ang aking watawat dahil itong bandila ni Supremo Andres Bonifacio y de Castro ang tunay na sumasagisag sa kalayaang hindi hango sa diwa ng Kanluranin kundi sa isang pangkapatiran o hubog-Pilipinong sosyalistang bansa. Ang watawat na ito rin ng  Kataastaasang Kagalanggalangang Katipunan nang manga Anak nang Bayan ay walang bahid ng dugo na bunga ng kriminal na pang-aagaw ng pang-himagsikang kapangyarihan mula sa tunay na Unang Panghimagsikan Pangulo.

Ang watawat na gamit ngayon ng Pilipinas ay hindi lamang mukhang inspirado ng matatalas na bituin ng bandila ng imperyalistang Kalbong Agila kundi sumisimbolo pa sa isang pakikipagsabwatang nauwi sa pagnanakaw ng kalayaan ng ating bayan. Sa totoo, hindi tunay na kalayaan ang winawagayway ng bandila ng "Unang Republika" ni Hen. Emilio F. Aguinaldo.


Katipunan Flag of Supremo Andres Bonifacio y de Castro


Hindi tayo naging malaya ng Hunyo 12, 1898 dahil nagpaloko sa Kalbong Agila ang switik sa kapwa pinoy na si Aguinaldo. Hindi rin tayo tunay na naging malayang tunay noong Hulyo 4, 1946 dahil ginawa lang tayong tuta ng imperyalistang Amerika sa isip at sa pag-hawak sa ating mga prosesong pang-ekonomiya at pang-politikal.

The more real Independence Day for the Philippines is either the January 1892 conception of the Katipunan or the August 23/24* Cry of Balintawak, or the August 24 (1896) transformation of the secret revolutionary society KKK into a revolutionary government. The January 1892 foundational document of the Katipunan speaks for itself:
Principal orders

For the achievement of all that is set out in the foregoing Covenant, we are ordering the entire subject population of these Islands, which in time will be given a proper name, and we are appealing to them with the utmost fervour to implement and accomplish the following decisions:

1o
It is hereby now declared that from this day forward these Islands are separated from -[Spain]- and that no other leadership or authority shall be recognised or acknowledged other than this Supreme Catipunan.

2 o
The Supreme Catipunan is constituted forthwith, and will be the body that exercises sovereign power throughout the Archipelago.

********

While it is not clear exactly when the First Cry (or First Shout) was, the establishment of the Philippines' first revolutionary government based on the Katipunan organization on August 24 has been established by historians Milagros Guerrero, et al. The event itself is a good choice for Philippines' real independence day because it officially unveiled the Katipunan secret government, ushering in the national uprising against the colonizers.As the blog New Philippine Revolution puts it: "...when Bonifacio gathered the Katipuneros in Banlat, Kalookan, he was formally pronouncing to the whole world the existence of a Philippine government."  Ayon sa iginagalang na historyador at antropologo na si Dr. Zeus A. Salazar, mas tumpak na gawing simula ng pagiging bansa o estado (ang tinawag na "Haring Bayan" nila Bonifacio) ang petsa kung kailan inorganisa:
...ang pamahalaan, kasama ang hukbong sasalakay sa Intramuros, mula sa kasapian ng KKK na kumikilos at nakapagtipon...[Organisado at] determinado na sila na pabagsakin ang rehimeng Kastila sa pamamagitan ng pag-atake sa Intramuros. Nabigo man ang sabay-sabay na pagsalakay sa sentro ng kapangyarihang Espanyol sa Pilipinas, tuluy-tuloy na ang Himagsikan kahit na [sa di katagalan ay susuko sa mga Kastila] sina Aguinaldo sa pamamagitan ng Kasunduan ng Biyak na Bato.

The bottom line is that our real independence is predicated on the secret-society-later-turned-revolutionary-government Katipunan that has been conceived and organized to achieve full and complete separation from colonial Spain sans any compromise. Aguinaldo's June 12, 1898 declaration ridiculously stated that Philippine independence was "under the protection of the Powerful and Humanitarian Nation," the United States of America that did not send any representative apparently in refusal to officially recognize the declaration. The vile Bald Eagle nation, of course, was already cooking its imperialistic designs on us at that point. The same "great" imperialistic nation would next unfurl its neo-colonial  scheme on our country come July 4, 1946 and up to now has never really left us. Why we are still not really or fully free.

Kailangan ay palayain natin ang ating mga sarili at kung hindi ay malapit-lapit na tayo sa kangkungan. Upang magampanan ang tunay nating pagpapalaya sa ating Inang Bayan, kailangan nating balikan ang adhikain ng Katipunan at tapusin ang naudlot na Himagsikan ng 1896. :)


*May konting pagtatalo sa eksaktong petsa, kung Agosto 23, 24, o isa pang araw na malapit
_______

References:


http://www.ncca.gov.ph/about-culture-and-arts/articles-on-c-n-a/article.php?i=5&subcat=13

http://kasaysayan-kkk.info/docs.casaysayan.htm

http://newphilrevolution.blogspot.com/2010/06/june-12-is-not-independence-day.html

http://banlawkasaysayan.multiply.com/photos/album/6/Nasaan_Kailan_at_Alin_ang_Tunay_nating_Kalayaan?&album=6&view%3Areplies=reverse

http://www.filipiniana.net/ArtifactView.do?artifactID=PRR001000005&query=%20Philippine%20Revolution

3 comments:

  1. (jb comments from a social networking site)

    ok ho... salamat sa dagdag kaalaman lalo na yung hindi naman talaga huminto ang Himagsikan kahit na nakipagkasunduan sina Aguin....


    pwede rin yan... pagktapos nating makamtan ang tunay na kalayaan ay magkakaroon na tayo ng tunay na kapayaan that we deserve. si bonifacio at ang katipunan sa totoo ay nanalig sa diyos at makikita iyan sa kartilay at dekalogo at sa ilang sinulat ng supremo. we deserve real independence and peace founded on that independence. pula para sa buhay at paglaban/pagbabantay para sa kalayaan at l para sa langit ng kapayapaan hindi "pacified" kundi natural mula sa pagiging malaya.


    syempre ho dapat nating igalang ang kasalukuyang bandila dahil ito sa ngayon ang sumisimbolo sa ating republika. habang iyan ang bandila dapat nating igalang dahil kabastusan pag hindi. pero magandang pag.usapan din ho siguro kung ang bandila bang ito ay tunay na karapat-dapat sa ating bansa.


    tama ho... actually, halos sigurado akong papalitan ang kasalukuyang bandila pag nagkaroon ng radikal na pagbabago na katulad ng kkk. ang bandila at ang pangalan ng bansa ay babaguhin, halos sigurado ako, dahil mahalaga ang mga gamit pangsimbolo sa pagkabansa, pagka.estado. at kung bakit dapat palitan ang bandila at pangalan ng bansa sa republika sa ilalim ni aguinaldo ay siguro malinaw na sa ating lahat.


    aamin ho ako na sinusubukan kong pukawin ang isipan ng mga pilipino sa pamamagitan ng paglalabas ng katanungan ukol sa kung ano ang sinisimbolo ng kasalukuyang bandila. pati ang pangalan ng bansa sa susunod pa.

    pero sa totoo ay maganda ang disenyo ng kasalukuyang bandila. maari sigurong isama ang ilang katangian nito sa magiging bagong bandila kung sakali. iyon nga lamang ay may nagsabi na ang posisyon ng tatsulok nito ay malas ayon sa feng shui. lol.



    tumpak na tumpak ho ang inyong sinabi... sapat na kaalaman nga ho para isang pamayanang mulat at hindi napapaikot at tinatapakan ng [dilawang] elit kakuntsaba ang [imperyalistang] dayuhan. pag dumating ang araw na iyon ay mapapalitan nga ho ang ating bandila sa isang demokratikong paraan sana. pati pangalang laging nagpapaalala na tayo ay naging kolonya ng kastila

    ReplyDelete
  2. (jb comments from a social networking site)

    ang ganda ng idinagdag mo... although yung may 1, 1898 ay mas na laban ng kalbong agila laban sa papalubog na colonial power, ang espana, kasi nga ay may "alyansa" nga daw kay aguinaldo. pero naisip kong ipalabas kaya natin ng medyo maingay yung oktubre 14 bilang kalayaan laban sa kalbong agila-ano kaya maging reaksyon ng mga makakabasa nito? readers that i presume are so steeped in the pro.american propaganda or vehemently anti.japanese propaganda. subali't dapat din nating malaman o maintindihan ang kalayaan daw natin sa petsang iyon para maintindihan nating ang estado ng kalayaan o hindi ng ating bayan.


    moral strength ho ang kailangan natin... upang makalaya tayo at mamulat na rin. dahil kulang tayo sa moral strength ay sinasara natin ang ating isip sa mga kabalastugang nangyayari sa ating bayan, kung sino ba o ano ang tunay na mga pinagmumulan ng ating lugmok na kalagayan.

    kaya nga ho gusto ko ang katipunan dahil sa moral discipline na binibigay nito. propaganda lamang ang siansabing walang diyos si supremo bonifacio dahil malakas nga ang pananalig nito at isinasabuhay niya ito. siyempre galit at pinapatay nila ang mga prayle at kastila (ng may laban naman at hindi yung tulog) dahil talaga namang masasama sila noon subalit hindi ginawa ni supremo ang mag.traydor at pumatay ng kapatid/compatriots sa adhikaing kalayaang ng pilipinas.


    tama ho... moral strength in terms of pantay pantay na hustisya, paglaban sa korapsyon, pang-aabuso, paggalang sa boses ng tao sa pamamagitan ng paglaban sa pandaraya sa halalan at paggalang sa halal ng tao at hindi pag.coup d etat sa tunay na halal, kalayaan mula sa mga mapaniil na patakarang bunga ng ganid na interes ng elit o mga pwersang imperyalista, at pagtingin sa ating mga kababayan bilang mga kapwa kapatid sa kabuuan.

    kung makukuha nating ang ethics ng katipunan ay baka sakaling umayos ang bayan.


    hindi ako sigurado kung anong tinutukoy mo ka tony tungkol sa pakikialam ng relihiyon nguni't ang sumagi sa isip ko ay ang edsa 2. kasi ang sinasabi ko rin diyan ay hindi dapat nakialam ang simbahang RC/cardinal sin at pinababa si erap dahil dapat ay "give to caesar what is due him and to God...." ok ang maniwala sa diyos/next life/spiritual world katulad nila supremo bonifacio dahil maaring pagmulan itong moral strength. pero ang makialam ang relihiyon sa government ay mali. ang sabihin pa ay saksakan ng dmnya ang ipinalit kay erap.

    pero kahit hindi kasing tindi ni gloria ang ipinalit kay erap ay mali dahil sedisyon ang ginawa nila. pinalabas lang na people power pero ang totoo ay planado na from day 1 of erap's administration. mali dahil hindi dapat tinatapakan ang boto ng tao, lalo na yung walang pandarayang boto. mali dahil hinusgahan si erap nang walang proper trial. kahit kanino ginawa ito ay mali. iyan ang isang ehemplo ng sinasabi kong kailangan natin ng moral strength. si cory at ilan lang ang nag.mea culpa sa edsa 2 coup na iyan. noong 2004 ay hello garci naman. tapos ngayong mayo 10, 2010 ay pandarayang hocus pcos naman. at kokonti lamang ang nagsasalita laban dito, kabilang na nga si bb. grace.

    ReplyDelete
  3. (jb comments from a social networking site)

    tama ka.... naisulat ko nga ang tungkol diyan dito:

    "Reason 2. Tolerance of, if not complicity in covering up, the 2004 electoral fraud

    "Noynoy's little-spoken but nonetheless criminal deeds against the people did not end with the 2001 EDSA coup. During the 2004 elections, Noynoy allowed, or perhaps helped facilitate the electoral cheating committed against Fernando Poe Jr. in the conspiracy to fraudulently declare Arroyo as the winner of the presidential race...

    "The only time Filipinos got to know that Fernando Poe Jr. (FPJ) really won in the 2004 polls was when the Hello Garci wiretapped tapes came out, which primarily showed that Arroyo engaged in conversations with elections commissioner Virgilio Garcillano in connection with operations surrounding the May 11, 2004 polls. However, even when the Aquinos already learned about the tapes, Noynoy did not immediately withdraw support from the Illegitimate "President." In fact, he even voted AGAINST the airing of the tapes during the fifth Congressional hearing on the "Hello Garci" issue on June 30, 2005, the first anniversary of the surreptitious wee-hour-of-the-morning congressional proclamation of Arroyo as "President-elect."

    THE UNPRINCIPLED GALL OF NOYNOY AQUINO

    http://jesusabernardo.newsvine.com/_news/2010/03/26/4074909-the-unprincipled-gall-of-noynoy-aquino


    panlasi lang yung truth commission na iyon.... kaya kahit si erap mismo ay tutol doon. truth commission na ang ay hawak ang si hilarious davide? that would have been a big joke. hindi kailangan ng truth commission or any other special body to run after gloria dorobo. regular court na hindi i.influence ng politika ang kailangan. totoong hustisya pero ayaw rin kasing habulin ni abs ng totohanan kasi nga ay siya ang tunay na secet candidate via hocus pcos ni dorobo.


    fyi lang, dito pala ang internet link ng sinulat ni dr. milagros guerrero na agosto 24 naging open de facto na pamahalaan ang katipunan:

    http://www.ncca.gov.ph/about-culture-and-arts/articles-on-c-n-a/article.php?i=5&subcat=13

    madalas ko kasing isulat na ginawa ngang panghimagsikang pamahalaan nina boni ang katipunan (ilang araw bago ang 29 o pagsiklab ng pangkalahatang paghihimagsik)


    oo nga, icon. pag nagka.overhaul/revo dito sa pinas, talagang dapat palitan ang watawat at pangalan ng bansa. ewan ko na lang kung anong klaseng himag iyon pag hindi binago ang bandilang sumisimbolo sa kriminal na kataksilan laban sa ama ng himagsikan at katangahang pakikipag "alyansa" sa kalbong agila at ang pangalang laging nagpapahiwatig na tayo ay sinakop ng kastila.


    oo sa pangkahalatan.... pero kung gaano ka.inspirado ng kalbong agila at espana ang bandila ni aguinaldo ay hindi tayo masyadong sigurado. si aguinaldo daw ang may disenyo noon pero may nagsasabi na binase niya iyon sa bandila ni gregorio del pilar at may nagsasabi rin na isang opisyal dati ng katipunan ang nag.disenyo talaga noon (ayon sa sinult ni ka tony donato). pero para sa akin ay maliwanag na yung mga bituin ay inspirado talaga ng watawat ng imperyalistang amerika kasi wala naman yatang precedent sa mga katipunan flags iyon eh.


    oho.... gusto ko nga hong idagdag kanina na ang araw ay talagang isa sa mga simbolong ginamit sa katipunan. yung tungkol ho sa triangulo eh ang problema ho ng kasalukuyang bandila natin ay triangulong hindi nakatayo o parang bundok na na earthquake o nawala sa axis. lol. sige ho at itatanong ko ho ang iba kay prof. michael.

    ReplyDelete