Pages

Tuesday, May 31, 2011

Lakambining Pilipina, Hindi Tisay

ITO si Gregoria de Jesus, ang "Lakambini ng Katipunan" nang kanyang kapanahunan. Dalagang Pilipina/Taga-Ilog. Magandang dilag--isang katangian na maaring nagustuhan ng kanyang naging asawa na si Katipunan Supremo Andres Bonifacio y de Castro. In the English language, Gregoria is a "native beauty." Sa kasamaang palad ay hindi ang ganitong kagandahan ang hinahangaan, pinupuri, hinahangad, o binabandera sa mga parada at sagala.





Tulad ngayong buwan ng Mayo, panahon ng Santacruzan. Ang binabandera o kung hindi man ay ang laging pinakasikat at sinasabihan ng "maganda" ay iyong mga tisay o malapit sa tisay, yung mga mapuputi. Sila madalas ang mga Reyna Elena, Reyna Emperatriz. Simply put, these types of Filipina beauties command the longest stares, the greatest admiration.

Much as this has been the seemingly 'natural' state of affairs in the Philippine Islands for centuries now, mukhang hindi yata tama na agrabayado ang katutubong lahi natin dahil hindi ba't nakalaya na daw tayo sa kuko ng mga kolonyal/imperyalista Kastila at Kano? Ang ating lahing kayumanggi at may katamtamang ilong ay bakit ba mababa ang antas sa lipunan? Hindi tama ito. Hindi dapat na tinatanggap na lamang ito.

"Natural" to appreciate more the fair-skinned and mestizas but racism against one's own race is never natural. Accepting what the pale-skinned colonizers taught us--that their race is superior and ours is inferior--is crazy and pathetic.

May isang negrong Amerikano na nakapansin ng rasismo dito sa ating bayan. Matagal ko nang nabasa ang kanyang artikulo at hinding-hindi ko malimutan dahil puno ito ng katotohanan. Ayon kay Morgan Johnson, kalat at laganap ang rasismo sa Pilipinas. Dagdag niya:

...this is not racism in its purest form. Filipinos are not so much discriminating on the basis of race as much as mere skin tone. Philippine society is very much segregated by skin color. The paler your skin the greater the level of success is available to you. Likewise, dark skin is a fast ticket to the bottom. Another writer on this topic comments on the fact that most of the idols of Philippine music and cinema are fair-skinned with sharp, European features. I noticed that myself.

Napansin ni Morgan ang isang bagay na nakakaligalig sa ating lipunan--na karamihan sa mga malalakas na pamilya sa politika ay mapuputla ang balat. Itinuro niya na galing sa pananakop ng Kastila ang rasismong ito. At kahit hindi niya idinagdag na ang kanyang pamahalaan Kalbong Agila ay sinakop ang ating bayan gamit ang argumentong rasismo ay sinabi naman niyang nagpatuloy ang hindi magandang ugaling o aspeto ng kultura nating ito noong pananakop ng Amerikano.

Morgan added that "Unfortunately, one of the traits of Spanish Catholic cultures is to deny any faults and to become angry and defensive if somebody points them out." Sangayon ako dito. Panahon na upang mahalin natin ang ating lahi, ang ating ugat. Hindi tamang hanggang ngayon ay tinatapakan natin ang ating mga ninuno, sarili nating pinagmulan.

Nakakaawa naman tayo sa pagpapatuloy ng rasismo laban sa sariling-lahi. Sa sobrang pagtataas ng maputlang balat sa ating lipunan ay kahit anak sa labas lamang ng puting G.I. sa isang sex worker (noong bukas pa ang mga Base Militar ng Estados Unidos) ay tinitingala. Tayo lamang ang ganito sa parteng ito ng mundo dahil sa ibang bansa sa Asya ay awtomatikong mababa ang tingin sa mga hybrid na anak ng G.I.s. Hindi sa minamaliit dapat ang mga ipinanganak sa nasabing kalagayan pero tama ba namang ang kanluraning kulay ng balat at kaanyuan ng mukha ay itaas sa pedestal at ibaba naman ang kaanyuang Malay sa ating sariling bayan?



___


Original photo credits:

http://bahaynakpil.org/images/lola_gorya_invite.pn
http://i52.tinypic.com/ru8uvs.jpg
http://i51.tinypic.com/dbgwsj.jpg
http://t3.gstatic.com/images?q=tbn%3AANd9GcSRNN0TiHiiem-tRBDkW9CEim0RHhcNoVoga1zVP0d6McR0NFzSbA&t=1
http://t2.gstatic.com/images?q=tbn%3AANd9GcR_xXx2u-6dtCrbFMIcUHkay9iPEV3xHvShOR68xRJY5rvu-lGbUQ&t=1






Reference:

Johnson, Morgan. Racism in the Philippines. http://www.helium.com/items/600557-racism-in-the-philippines

1 comment:

  1. huwaran at dakila si oryang, ng himokin siya ng ilang kaipunero na ipaghiganti ang sinapit ng supremo, hindi siya pumayag at mas pinili pa niyang manahimik upang maiwasan ang civil war ng mapagisa ang lahat para sa inaasam na kalayaan, yan ang tunay na babaeng filipina, hindi makasarili, MAKATAO at MAKABAYAN, tulad din ng dakilang Supremo :D

    ReplyDelete