Friday, April 8, 2011

Gat Emilio Jacinto y Dizon: ‎"¡¡ Gising na, mga tagalog!!

Ang malamang sa hindi nalathalang sinulat ng bayaning si Emilio Jacinto y Dizon na tumatawag sa lupang Katagalugan (Pilipinas) upang gumising na at ipaglaban ang kalayaan at harapin ang bukang liwayway ng pagkakapatiran at katotohanan.

"When, Tagalogs, when shall the sun blaze, when shall you be strong and your suffering end? Ay! If ...one looks at your condition, your hearts bursting..."
Emilio Jacinto Seal as Punong Hukbo
of KKK forces in Manila, Morong,
Bulacan & Nueva Ecija (late 1896-early 1897)

kasaysayan-kkk.info
Emilio Jacinto ¡¡ Gising na, mga tagalog!!, October 23, 1895 Source: Archivo General Militar de Madrid: Caja 5677, leg.1.83 Introduction This stirring rallying call to the patriotic cause has the rhythm of oratory, and so far as is known it w... MORE


Gat Emilio Jacinto y Dizon:

"¡¡ Gising na, mga tagalog!!

"Mahigit sa tatlong dan taun - ¡kahangahangang kalaunan! - na lumubug sa kalunuran ng bangis at daya ang araw ng ligaya nitong Katagalugan! Mahigit sa tatlong dan taung tayo’y na sa dilim, dilim na nakapangingilabot ng gabi ng kaalipinan! ¡At ang gabing ito’y tahimik na katulad ng mga libingan! ¡at sa katahimikang ito’y walang ibang nadidingig liban ang kalauning nga mga tanikala, o kaya ang mapanglaw na daing o kaya naman ang binging galit ng pusung tinuhug ng kalis ng ganid! Ang gabing ito’y malaun nang tutoo! ang himbing ng tulug ay nakakikutaya [?] na!..."MORE

Para bang mga naghihirap at patuloy na napapaikot na pinoy sa ngayong panahon ang kinakausap ni Gat Emilio Jacinto, ah:

"....¿Hangang kailan, hangang kailan, mga tagalog, iisikat ang araw ng inyong lakas kasabay ng inyong kaginhawahan? ¡Ay...! kung nakikita ang inyong kalagayan, pusu’y nagpuputuk, mata’y nagdidilim, dugu’y kunukulu at kusang napapahiaw ang tapat na dibdib: - ¿Diyata, mga kapatid? ¿diyata’t kayo’y mamamalagi na sa ganitong kabulagan at kaalipinan?"....MORE
 __________


Raw Photo Credits:

(Jacinto Punong Hukbo seal.) http://kasaysayan-kkk.info/gallery.selyos.htm

1 comment: