Apart from the obvious "love-your-own," 'live (speak) your patriotism' rant, one other reason why we should speak and write in the Filipino language is because our nation needs to foster the Filipino/Taga-Ilog perspective in the ultimate aim of BUILDING our own identity.
To those who haven't noticed, the Filipino perspective--if there is one that's identifiable--as it stands today is only partly indigenous and is more of a colonial mix. More or less. The reason is that we have a damaged history and culture: damaged by very successful periods of colonialism and neo.colonialism.
Sa mga hindi pa nakakapansin diyan, ang Pilipinong pananaw--kung may mapagkakakilanlan ngang ganoon--ay maliit lamang ang katutubo sangkap at, bagkus, ay mas malakas ang pagiging kolonyal. Mahigit kumulang. Ang dahilan ay ang pagkakaroon natin ng napinsalang kasaysayan at kultura: napinsala ng napakamatagumpay na mga panahon ng pananakop at neokolonyalismo.
Sa pagsasalita at pagsusulat sa ating sariling wika, maitataguyod natin ang Pantayong Pananaw (PP) na siya namang makakatulong sa pagbuo ng ating tunay na pagkabansa. By speaking and writing in our own language, we can foster the Pantayong Pananaw (PP) or FOR-US Perspective/'FROM-US-TO-US
PANTAYONG PANANAW
Ang Pantayong Pananaw ay isang teoryang ginagamit sa kasaysayan na nagpapanukala na ang ugat at kalagayan ng Pilipinas at mga Filipino ay dapat pag-aralan alinsunod sa punto de bista o pananaw ng Filipino at sa sariling diskursong taglay nito. The PP, according to Portia Reyes, is valuable both to the Filipino historian and the discipline of Philippine history. "For the historian, this is a metaphorical return to himself and to his people. For the discipline, this is the operational Filipino written historical discourse´s start". Ayon kay Dr. Zeus A. Salazar na pangunahing nagtatag ng Pantayong Pananaw:
"...ang lipunan at kultura natin ay may “pantayong pananaw” lang kung tayong lahat ay gumagamit ng mga konsepto at ugali na alam natin lahat ang kahulugan, pati ang relasyon ng mga kahulugan, pati ang relasyon ng mga kahulugang ito sa isa’t isa. Ito ay nangyayari lamang kung iisa ang “code” -- ibig sabihin, may isang pangkabuuang pag-uugnay at pagkakaugnay ng mga kahulugan, kaisipan at ugali. Mahalaga (at pundamental pa nga) rito ang iisang wika."
The PP has been a tool of Salazar, et al. in trying to redress the imbalance of our people's self-representation and discourse in Philippine historiography that has most unfortunately been "framed in Western language and ideology." Worth pointing out is how such a bias has rather ridiculously gone on for generations of Filipino historians. A fundamental tenet of the PP ('FROM-US-TO-US) Perspective is the use of the Filipino language in writing Philippine history because our language acts as the backbone and root of the Filipino experience. Put it in another way, just about only the Filipino language can do historiographical justice to our history, society, and culture in terms of best capturing the local ideas, definitions, feelings, and message of the Filipino psyche.
For societies with undamaged or strong society and culture [Read: dominant Western societies], that equivalent PP (FROM-US-TO-US perspective) hardly needs to be emphasized. Sabi nga ni Salazar:
"...ang pantayong pananaw kadalasan ay hindi hayag sa mga tao kung buo ang lipunan at kalinangan, pagka’t iyon na ang kinagisnan nila at wala nang iba pang kulturang natututunan, maliban sa mga elementong nakakapasok sa (at inaangkin ng) kanilang batayang kalinangan. Nakikita ito sa kanilang mga ugali, kilos at gawain na nakasalalay sa iisang wika. Para silang mga isda sa tubig. At kung mapapalabas sila sa kanilang kultura at lipunan, kailangan pang maipaliwanag sa kanila ang mga gawain at ugali sa ibang kultura at lipunan. Kailangan nilang ibahagi ito sa kanilang kakultura sa pamamagitan ng kanilang sariling wika. Sa pagpapaliwanag na ito, ang pananaw ay masasabing “pansila” -- ibig sabihin, patukoy sa iba at hindi sa kapwa: “ganito sila,” “ganito ang ugali nila,” “ganito ang mga tagalabas banyaga.”
Ang mahalagang papel na ginagampanan ng wika sa kultura, pananaw at pag-iisip ng mga tao ay nakikita na sa mga makabagaong pag-aaral:
"“You can’t actually separate language, thought and perception,” said Debi Roberson, a psychologist at the University of Essex in the U.K. ...“All of these processes are going on, not just in parallel, but interactively.”"
The world through language: What language can tell us about how we think
http://scienceline.org/201
Sa madaling salita, ang ating wika ay hindi lamang kasangkapan sa pagpapahayag ng ating kasaysayan at kultura. Ang mismong paggamit ng ating wika ay tumutulong magpalakas at magtataguyod ng ating pagkatao o pagkalahi, kalinangan, at pagkakakilanlan bilang isang bansa.
Ating wika para sa Pantayong Filipino/Taga-Ilog na Pananaw.
Otherwise, let's stop calling our country a nation but, rather, just a protractedly colonized territory pretending to be some nation.
________
Mga Sanggunian:
Groeger, Lina. "The world through language." Scienceline.org. 7 Jan. 2011. http://scienceline.org/201
Pantayong Pananaw. Wikipilipinas. http://en.wikipilipinas.or
Reyes, Portia. "Pantayong Pananaw and Bagong Kasaysayan in the new Filipino Historiography. A History of Filipino Historiography as an History of Ideas. Abstract. Bremen, Univ., Diss., 2002.
Salazar, Zeus A. "Pantayong Pananaw: Isang Paliwanag*." http://images.balanghay.mu
"Zeus Salazar." Wikipilipinas. http://en.wikipilipinas.or
Karagdagang Pagbabasa ukol sa PP:
Guillermo, Ramon. "Exposition, Critique and New Directions for Pantayong Pananaw." March 2003. http://kyotoreview.cseas.k
S. LILY MENDOZA: Theoretical Advances in the Discourse of Indigenization (A Summary of Pantayong Pananaw). 22 Oct. 2007. http://bagongkasaysayan.mu
Salazar, Zeus A. "Ang Pantayong Pananaw Bilang Diskursong Pangkabihasnan." 24 Setiembre 2007. http://bagongkasaysayan.mu
Dito sa Facebook:
Roland Abinal Macawili Notes. http://www.facebook.com/an
Wensley Reyes. http://www.facebook.com/we
Photo art:
Jesusa Bernardo
.
Ang "Pilipinong Pananaw" ay Pangkami sa sentido nitong paggiit sa "Pilipino" vis-a-vis sa iba, tulad hal. ng pananaw ng banyaga o napasabanyagang Inglesero. Ang Pantayong Pananaw ay nagtatakda ng panloob na talastasan ng mga nakatira sa Pilipinas/Katagalugan tungo sa pagbubuo ng bansa batay sa ipinaglaban ng KKK na Inang Bayan. Nakakabit ito sa Himagsikan ng KKK at ng mga kasunod nitong kilusan (Sakay, etc.) at hindi maaaring ibatay sa estadong Inglesero ng kasalukuyan na siyang kinalabasan lamang ng pakikipagsabwatan ng mga pumaslang sa Supremo sa imperyalismong Amerikano. Siguro, mas malawakang maipaliwanag ito ni Atoy Navarro, sakali mang mabasa niya ng komentaryong ito. Gayumpaman, mas malaliman pang maiintindihan ito pag nabasa na ang mga sulatin ng BAKAS.
ReplyDeleteIsa pa, Taga-ilog, hindi ako naniniwala sa kabulastugan ni Fallows na "damaged culture" di-umano ang Pilipino. Tama lamang ito sa mga Inglesero at produkto ng sistemang ng edukasyon na iniwan dito sa atin ng mga Amerikano. Sa pangkalahatan, nananatiling tapat sa sariling kalinangan ang Bayan. At ang pinakabatayan ng katapatang ito ay ang patuloy na pagtangkilik sa sariling wika, pambansa man ito o mga kaugnay nitong wikang "Austronesyano" sa kasalukuyan.