Wednesday, December 15, 2010

Tungkol sa KUNDIMAN 1800

KUNDIMAN 1800

Isa sa pinakasikat na Kundimang Tagalog noong panahon ng Himagsikang Pilipino (1896-1899). Kilala din sa tawag na "SA DALAMPASIGAN."




One of the most popular Tagalog Kundiman during the Philippine revolution against Spain (1896-1899) was the patriotic "Kundiman 1800" (otherwise known as "Sa Dalampasigan" or the Kundiman song "By the Shores of Manila Bay"). Interpreted by Juan Silos Jr. and his Rondalla. Audio from a vinyl ph
 
Pinalitan ang titik nito dahil pinagbawal ng Kalbong Agila ang kanta, maaring upang mapanatili maging ang musika lamang nito.

Ang "rare copy" ay interpretasyon ni Juan Silos Jr. at ng kanyang Rondalla.
 
Ito ang orihinal na makabayang titik ng Kundiman 1800:

Sa dalampasigan ng dagat Maynila,
Luneta ang tawag ng mga Kastila;
ay doon nga binaril ang kaawa-awa
pobreng Filipino, Martir nitong Lupa.

Naramay sa dusa ang ating tanggulan,
Panganay na Burgos at bunsong si Rizal;
Sa inggit at takot ng Prayleng sukaban,
Pinatay at sukat walang kasalanan.

O mga kalahi! Lakad, pagpilitang
Tunguhin ang bundok, kalawakang parang,
Gamitin ang gulok at sibat sa kamay,
At ipagtanggol ang Lupang tinubuan!

Huwag manganib, Inang Filipinas
Sa kahit anomang itakda ng palad
Di kami tutugo't hanggang di matupad
Itong Kalayaang aming hinahanap!

No comments:

Post a Comment