Pages

Thursday, June 28, 2012

Ang tunay na 'Tragedy': Ang Bilyon.bilyong Pisong HOCUS PCOS


Para sa ala-ala ni Robin at Maurice ng Bee Gees... AT ang halalan ng Mayo 10, 2010... nang gabing iyon nang kita na ang pandaraya, nasambit ko na 'TRAGEDY... elite control has been sealed tight' with the use of the PCOS machines.


Kapal ng apog ni pekeng "Pangulong" A_Noy  na nagsabi na ang "Tragedy" daw ay ang pagbalik sa manual polls. Ang Halalang Mayo 10, 2010 ho ay naging napakadaya, mas malala pa sa Hello Garci 2004 dahil wholesale kung baga ang pag.doktor sa dapat ay sagradong boto ng taumbayan. Pinaniwalaan ho ito nila Jamby Madrigal, JC de los Reyes, at Nicanor Perlas (at least noong 2010), kabilang ang ilang pangkat ng computer experts at foreign observers.  Ibinunyag din ni Joma Sison kung paano ito nangyari sa antas ng pagplaplano nang sabihin niyang minaniobra ang halalan ng Central Intelligence Agency (CIA) ng Kalbong Agila, Arroyo, at kampo nga ng Aquino. Maging si Pangulong Joseph Estrada, bago ito nag.concede, ay ganito ang paniniwala at sa katunayan nga, ang kampo nito mismo ang nagpauso, kung hindi man unang gumamit, ng katagang "HOCUS PCOS" bilang isang masisteng pangtukoy sa dayaan.

Hindi pa nakontento si BS Aquino sa pagkakaupo niya sa Malacanang sa masamang paraang taliwas sa demokratikong proseso, nais pa nitong ang mga susunod na halalan ay maging katulad ng Mayo 2010 na dinaya via Hocus Pcos. Itinulak nitong anak ni Ninoy at Cory na siguraduhin AES o automated ang sistemang halalan ng bansa--na dali-dali namang inaprubahan naman ng kanyang Korte Suprema. Napakabilis, parang utos ng haring di mababali dahil sa loob lamang ng tatlong araw ay nakuha ni BS Aquino ang nais.
Hunyo 11, 2012 - isang araw bago talakayin ng Korte Supremoa ang mga kaso nagpaparatang na ma.anomalya ang bilyong.bilyong kontrata sa diumano't may diprensiyang vote counting machines, pinagtanggol ni Abs ang PCOS machines. 'May kredibilidad' daw ito at padikta din nitong sinabi na ayaw na daw niyang makarinig ng kahit anong pagtatalo kung gagawing automated o hindi ang halalan. "Tragedy" daw kung babalik tayo sa mano-manong paghalal ng mga pinuno ng pamahalaan. Inutusan din niya ang Commission on Elections o Comelec na siguraduhing hindi na babalik sa mano-manong sistema, partikular para sa halalan sa 2013.

Hunyo 12, 2012 - Madaliang itinalakda ng tumatayong Punong Hukom ng Korte Suprema na si Antonio Carpio ang mga petisyon laban sa paggamit ng PCOS machines na bibilhin sa halagang

- Sinusugan din ng mga alipores ni 'Pangulong' BS Aquino sa Kongreso ang direktiba nito sa pamamagitan ng pagtutulak sa Korte Suprema sa paggamit ng PCOS machines. Ayon kay Ben Evardone, mambabatas mula Silangang Samar at pinuno ng komite sa pampublikong impormasyon sa Mababang Kapuluan, ang mga petisyon laban sa plano ng Comelec na bumili ng PCOS machines ay maikakalendaryo nito habang idinagdag na kailangan ang pasya nito dahil nakakatakot daw na bumalik ang Pilipinas sa mano.manong pagbibilang ng mga boto.

Hunyo 13, 2012 - Sa botong 11-3, inilabas ng Korte Suprema ang hatol na nagbabasura sa apat na petisyong tumututol o humahamon kung may bisa ang desisyon ng Comelec na bilhin ang bilyon.bilyong piso PCOS machines para sa halalan sa susunod na taon. Isa sa mga argumento ng nagpepetisyon laban sa PCOS machine ay ang hindi pa natatamang depekto nito na madaling nagpapasok ng dayaan.

Yuyurakan na naman nga ang tinig ng taumbayan ay kikita ulit ng limpak.limpak silang magkakasabwat sa pagluto ng pagbili sa basurang PCOS. Ang tawag diyan ay paggisa sa sariling mantika. Ito ang tunay na "Tragedy"--ang madalian at profitable.sa.mga.Dilaw na pang pagyurak sa kasagraduhan ng balota at pagbaboy sa karapatang ng taumbayan na marinig at mabilang ang bawat boto nila. Kung ang panibagong sukdulang kawalanghiyng ito ay pababayaan na naman ng taumbayan ay para na rin namting sinabi ng likas nga sa mga Pilipino ang mandaya o pabayaan ang pandaraya, ang manapak ng tinig ng bayan.

Napakahaba na ng litanya ng pandaraya at pang.gagantso sa taumbayan... mula pa Kumbensyong Tejeros hanggang ngayon. Aba eh kung wala nang pagasang malunasan itong matinding kasalanan na ito labang sa Inang Bayan ay mainam pa sigurong tigilan na natin ang paghahangad na mangibabaw ang moral o ang tama at imbes ay sumama na lang tayong lahat sa panloloko sa masa, sa isa't isa parang mas masaya!:)





_________


Mga Batis:

Estrada camp, others warn of massive poll fraud. May 14, 2010. http://taga-ilog-news.blogspot.com/2010/05/estrada-camp-others-warn-of-massive.html


Foreign Powers Coercing the Filipino Masses for a Noynoy Aquino "Presidency"? http://jesusabernardo.newsvine.com/_news/2010/05/28/4382462-foreign-powers-coercing-the-filipino-masses-for-a-noynoy-aquino-presidency


High court okays P1.8-B PCOS buy By Benjamin B. Pulta 06/14/2012. http://www.tribuneonline.org/headlines/20120614hea1.html


How Joma Sison first revealed the AQUINORROYO operations behind the May 10, 2010 automated poll fraud. http://blog-by-taga-ilog-news.blogspot.com/2010/06/how-operations-for-aquinorroyo-secret.html


The Impunity of the Pro-Noynoy SWS Survey. http://jesusabernardo.newsvine.com/_news/2010/07/26/4753863-the-impunity-of-the-pro-noynoy-sws-survey


Noynoy, Comelec, allies push SC to OK PCOS. June 13, 2012. http://www.tribuneonline.org/headlines/20120613hea2.html


Noy defends PCOS credibility as SC rules on purchase pleas By Fernan J. Angeles 06/12/2012. http://www.tribuneonline.org/headlines/20120612hea6.html


Hocus PCOS. Ninez Cacho-Olivares. 05/17/2010. http://www.tribuneonline.org/commentary/20100517com2.html


Hocus-PCOS info war. DIE HARD III. Herman Tiu Laurel. http://www.tribuneonline.org/commentary/20100521com5.html


Manalo, Charlie. PMP bares proof of massive fraud. 05/16/2010. http://www.tribuneonline.org/headlines/20100516hed1.html


Perlas, Nicanor. PCOS Machines in Antipolo – The Untold Story Part I. http://blog-by-taga-ilog-news.blogspot.com/2010/06/pcos-machines-in-antipolo-untold-story.html


Why The May 10, 2010 Philippine Polls Failed: The PCOS Forensics. http://jesusabernardo.newsvine.com/_news/2010/07/03/4606536-why-the-may-10-2010-philippine-polls-failed-the-pcos-forensics

.....