Pages

Friday, April 15, 2011

Deklarasyon ng KALAYAAN, Enero 1892 - Foundational document of the KKK (Catipunan)

KKK Logo (art rendering)
Photo Art: JB

 Ang Kataastaasang Kagalanggalang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK) ay pinagplanuhan na nila Gat Andres Bonifacio y de Castro ilang buwan BAGO pa man opisyal na ipinanganak ito noong Hulyo 7, 1892.

The Katipuneros DECLARED INDEPENDENCE, from Spain (not just as a goal but as a proclamation) even before Aguinaldo's Malolos Republic did.

kasaysayan-kkk.info
MAAGANG PAGPLAPLANO SA KATIPUNAN: “Casaysayan”; “Pinagcasundoan”; “Manga daquilang cautosan”, January 1892.

Caming nag

Alang-alang sa manga buctot at capusongang gaua na nanga tatala sa nangungunang casaysayan, manga cadahilanang inahihiualay sa... nitong Sangcapuloan.

Yamang ang unang majalaga at pinuputungan ng masaganang carangalan at capurijan sa alin mang maningning na Kajarian ay ang majal na catungculan na mag tangol sa caniyang bayan, mag paca jirap sa icaguiguinjaua nito, gugulin ang dugo sampo nang bujay sa icararangal ng caniyang bayan, manga capatid at anac, upang juag sacupin, lupiguin at apijin ng ibang cajarian.

Yamang ang tauo ay pinag calooban ng P.D. nang ganap na caramdaman....MORE

KATIPUNAN Initiation Rites

Ang pinakabuo at hustong-hustong paglalarawan ng inisasyon ng Kagalanggalang Katipunan ng mga Anak ng Bayan.

"...giving the stage directions and script for each of the officers involved – Brothers President, Sentinel, Terrible, Secretary, Treasurer and Fiscal."

...Pangulo, Taliba, Mabalasik, Kalihim, Tagaingat-yaman, at Tagausig....
kasaysayan-kkk.info
Source: Philippine Insurgent Records, L.R.53 (Microfilm reel no.160)
 
Pagbubukas ng Karurukan

------ ng -----

K.K.K.N.M.A.N.B
...
-------------------------------
Sa paglapit sa pinto ng Karurukan, ay magpakilala sa Taliba, kung pauang kapatid, alinsunod sa mga hudiatang lihim, sapagkat kung hindi makapagpakilala, bukod sa di pasukin, ay ibibilango pa.

Ang Tagausig, ang siyang namamahalang maglagay ng mga tanod sa paliguid liguid ng Karurukan.

Kung narating na ang oras na taning na pagbubukas ng Mahal na Karurukan, at nakaupo na ang lahat sa kanikanilang dapat upoan, ang Pangulo ang magsasalita ng gayon:
Pangulo = Kapatid na Taliba, napasiyasat na baga ninyo ayon sa mga hudiatang lihim, kun ang mga kaharap ay pauang mga Kapatid?....MORE

Ang Inggit kay Supremo Andres Bonifacio

The makings of the Tejeros power grab can well be gleaned from this letter.

Ang sulat ni Supremo Andres Bonifacio y de Castro sa Mataas na Sangunian ng mga Hukbo ng Katipunan sa dakong Hilagaan nang binisita niya ang Kabite.

Bonifacio received "great exultation" but, as well, a "WORM of ENVY" that led to black propaganda vs. the Supremo.
KKK Logo drawn by Bonifacio
kasaysayan-kkk.info
Transcribed below (in the original Tagalog, followed by an English translation with annotations) is a previously unpublished letter that Bonifacio wrote from Cavite on December 12, 1896 to the Katipunan military command in the “Northern District”, the region to the north and east of the....
 

13.

Hindi na gawang sagutin agad ang inyong sulat baga mat siya kong hangad sa pagka’t ako’y inanyayahang ng mga pinuno dito na dumalaw sa mga bayan nilang nasasakupan at dooy ipinagkakapuri ng ating Katipunang ibalita ko sa inyo na ako’y... naging dahil ng malaking pag sasaya ng bawat bayang aming pasukin. Ito’y buhat pa nang aming pagdating ay siya nang isinalubong ng ating mga kapatid dito, at siyang naging mula na gumising sa hamak na kalooban ng ilang kababayan ang uuod ng kaingitan na bumubulog ng kaasalan ang ako’y ipamaraling bata ng mga fraile at ibat iba pang ugaling gamiting sandata ng mga taksil na gaya nang sinasabing lumabas sa diario ng kaaway na pag sira sa akin....MORE
 
 

Artemio Ricarte a.k.a. 'Vibora' ukol sa Karumihan ng Tejeros Convention

KKK Logo drawn by the Supremo
Ang Kumbensyon sa Tejeros ang kauna-unahang maruming halalan ng mga Pilipino. Kinilala ni Hen. Ricarte ang anomalyang ito. Subali't sa huli ay tinanggap pa rin niya ang posisyon. Bakit?

"...may karumihan o kalabuan ang pagkaparaan ng pagkahalal sa akin; sapagkat napaguari ko na hindi nasunod ang tunay na kalooban ng mga taong bayan at...."
kasaysayan-kkk.info
Sources: Photograph of the first page of the original document in Adrian E. Cristobal, The Tragedy of the Revolution (Makati City: Studio 5 Publishing Inc., 1997), p.131; photograph of the final four lines of the original document in Carlos Ronquillo, Ilang talata tungkol sa paghihimagsik....
‎"That they kill me that same night, for the reasons above cited, or that they give me three hours, or at least one hour, to think over what I must necessarily do in order to accept said office; this second request was but a mere pretext, in order to enable me to absent myself from that Assembly. I obtained nothing of what I requested, because not even one of them gave me his assent."....MORE

Saturday, April 9, 2011

Initiation Ritual of the Kataastaasang, Kagalanggalangang Katipunan nang manga Anak nang Bayan

Ang ritwal na dapat sundin ng isang kasapi ng Katipunan na may antas na "Kawal" (Soldier) na iaangat sa antas ng "Bayani" (Patriot).

"Katipon" ay mukhang ginamit na pangkalahatan salita para sa lahat ng kasapi. Noong Nobiembre 1895, napagkasunduan ng KKK Supreme Assembly na alisin na ang antas na Bayani at itira na lamang ang "Akibat"... (Companion) at "Kawal."....MORE
Seal used by the Supremo in 1897 as
Pangulo of the Kataastaasang Kapulungan
of the Haring-Bayang Katagalugan
(Sovereign Tagalog Nation, or People).
Ang nauna ay bahagi ng "Introduction" ng historyador na si Jim Richardson, mula sa wikang Ingles.

kasaysayan-kkk.info

This document sets out the ritual to be followed when a KKK member with the rank of Kawal (Soldier) is to be elevated to the rank of Bayani (Patriot).
...Baga mat, lahat ay nababatid na hindi rin magiging kalabisan ang sa inyoy ipaalaala, na bago papakiaalamin sa ating mga mataas na kalihiman ay lubos na kinakailangan, matatap natin tunay na tunay, na kung mahal, matapang, tapat, matiaga at lubos na daluhong sa pag titiis ng mga karalitaang at mga kapighatiaan na aabutin sa kakilakilabot na pag lalaban na lagi nang tatayoan sa ating mga kaaway.....MORE
 _____

Raw Photo Credit: http://kasaysayan-kkk.info/gallery.selyos.htm

Talumpati ni Supremo Andres Bonifacio sa Paggunita kina GOMBURZA

Ang hindi natapos na talumpati ni Supremo Andres Bonifacio y de Castro ukol sa paggunita ng pagkakapaslang ng mga kolonyalistang Kastila sa tatlong paring kilala sa tawag na  GOMBURZA.

"Transcribed below is the unfinished draft of a speech Bonifacio wrote for the commemoration the previous year, 1895. The day would come, he pledged, when “those with debts will have to pay.” ....MORE
KKK Logo drawn by the Supremo

kasaysayan-kkk.info
The killing of Burgos, Gomez and Zamora was also seen as a momentous, pivotal event by the Katipunan To mark the anniversary of the executions in 1896, Pio Valenzuela relates, each of the popular councils was instructed to erect a catafalque, shrouded in black, with a torch at each of the four cor...
Supremo Andres Bonifacio: 
"Ang bayan, pinanunhan ng buong katiisan, at sa pagkat mahina, mahina sapagkat di magkakaisa sa pag daramdam at pag dadamayan…. ang malalin na pag hihimutog at nabigkas ang “May araw ring sisikat ang araw ng Katuiran, at magbabayad ang may mga utang.”...MORE
__________

Raw Photo Credit: http://kasaysayan-kkk.info/gallery.selyos.htm

Friday, April 8, 2011

Gat Emilio Jacinto y Dizon: ‎"¡¡ Gising na, mga tagalog!!

Ang malamang sa hindi nalathalang sinulat ng bayaning si Emilio Jacinto y Dizon na tumatawag sa lupang Katagalugan (Pilipinas) upang gumising na at ipaglaban ang kalayaan at harapin ang bukang liwayway ng pagkakapatiran at katotohanan.

"When, Tagalogs, when shall the sun blaze, when shall you be strong and your suffering end? Ay! If ...one looks at your condition, your hearts bursting..."
Emilio Jacinto Seal as Punong Hukbo
of KKK forces in Manila, Morong,
Bulacan & Nueva Ecija (late 1896-early 1897)

kasaysayan-kkk.info
Emilio Jacinto ¡¡ Gising na, mga tagalog!!, October 23, 1895 Source: Archivo General Militar de Madrid: Caja 5677, leg.1.83 Introduction This stirring rallying call to the patriotic cause has the rhythm of oratory, and so far as is known it w... MORE


Gat Emilio Jacinto y Dizon:

"¡¡ Gising na, mga tagalog!!

"Mahigit sa tatlong dan taun - ¡kahangahangang kalaunan! - na lumubug sa kalunuran ng bangis at daya ang araw ng ligaya nitong Katagalugan! Mahigit sa tatlong dan taung tayo’y na sa dilim, dilim na nakapangingilabot ng gabi ng kaalipinan! ¡At ang gabing ito’y tahimik na katulad ng mga libingan! ¡at sa katahimikang ito’y walang ibang nadidingig liban ang kalauning nga mga tanikala, o kaya ang mapanglaw na daing o kaya naman ang binging galit ng pusung tinuhug ng kalis ng ganid! Ang gabing ito’y malaun nang tutoo! ang himbing ng tulug ay nakakikutaya [?] na!..."MORE

Para bang mga naghihirap at patuloy na napapaikot na pinoy sa ngayong panahon ang kinakausap ni Gat Emilio Jacinto, ah:

"....¿Hangang kailan, hangang kailan, mga tagalog, iisikat ang araw ng inyong lakas kasabay ng inyong kaginhawahan? ¡Ay...! kung nakikita ang inyong kalagayan, pusu’y nagpuputuk, mata’y nagdidilim, dugu’y kunukulu at kusang napapahiaw ang tapat na dibdib: - ¿Diyata, mga kapatid? ¿diyata’t kayo’y mamamalagi na sa ganitong kabulagan at kaalipinan?"....MORE
 __________


Raw Photo Credits:

(Jacinto Punong Hukbo seal.) http://kasaysayan-kkk.info/gallery.selyos.htm

Andres Bonifacio: Mararahas na manga Anak ng Bayan

Ang proklamasyon ni Generallissimo Andres Bonifacio y de Castro na nagpapakita ng KARANGALAN ng KATIPUNAN habang nakikibaka para sa kalayaan ng ating lahi. Unlike the debased war conduct of the colonial Spaniards.

Sa kasamaang palad, ilang linggo pa lamang siya ay dinaya, inagawan ng kapangyarihan at pinatay ng mga gahaman/hindi tunay na nagmamahal sa bayan.

KKK Logo drawn by
Supremo Andres Bonifacio
 Andres Bonifacio: Mararahas na manga Anak ng Bayan Undated proclamation, circa March 1897

Ang inyong ipinakilalang katapangan sa pakikihamak sa kaaway na mga kastila buhat pa ng simulan itong panghihimagsik, ay siyang nagsasabing mataas na di ninyo ikinasisindak ang ugong ng paghahanda at pagsalakay dito ng hukbong akay ni Polavieja, na sa kaunting panahon ay nagpakilala na ng malabis na kaduagan at hamak na kaasalan ng alipin sa kanyang pagpapahirap at malimit na pagpatay sa makapal na kalahing hindi nagsisilaban. Yaong pagpapasunog nito sa mga bayan, yaong paglapastangan at pagdungis sa capurihan ng mga babai na di pinacundanganan ang canilang cahinaan, yaong pagkitil ng buhay ng mga matatandang hindi na macausad at sangol na sumususo pa, na cailan may hindi aasalin at gagawin ng sino pa mang lalaking may puri at may tapang, ay humihingi ng isang masiglang paghihiganti at matinding caparusahan.

Sa inyong pamimiyapis mangyayaring abutin ang cayo'y tanghalin bangkay sa gitna ng parang ng pakikidigma; nguni't ito'y isang kapurihang inyong maipamamana sa ating Bayan, sa ating lahi, at sa ating angkan.

Ang inyong mapupugtong hininga, ay siyang magbibigay buhay sa ating Bayan at siyang matamis na alaala sa gunita ng inyong mga kapatid na maiiwan.

Dapat naman ninyong mabatid, na ang kadahilanan ng ating paggugugol ng lalong mahalaga sa loob at sampu ng ingat na buhay, ay ng upang tamuhin at kamtan yaong linalayong Kalayaan ng ating Bayang tinubuan na siyang magbibigay ng buong caguinhawahan at magbabangon ng ating kapurihan na ilinugmok ng kaalipinan sa hukay ng kadustaang walang makatulad.

Sasagi kaya sa inyong loob ang panlolomo at aabutin ang panghihinayang na mamatay sa kadahilanang ito? hindi! sapagka't nakikintal sa inyong gunita yaong libolibong kinitil na buhay ng mapanganyayang kamay ng kastila, yaong daing, yaong himutoc at pananangis ng mga pinapangulila ng kanilang kalupitan, yaong mga kapatid nating nangapipiit sa kalagimlagim na bilanguan at natitiis ng walang awang pagpapahirap, yaong walang tilang pag agos ng luha ng mga nawalay sa piling ng kanilang mga anac, asawa at matatandang magulang na itinapon sa iba't ibang malalayong lupa at ang katampalasang [?] pagpatay sa ating pinakaiibig na kababayan na si M. Jose Rizal, ay nagbukas sa ating puso ng isang sugat na kailan pa ma’y di mababahaw. Lahat ng ito ay sukat ng magpaningas sa lalong malamig na dugo at magbunsod sa atin sa pakikihamok sa hamak na kastila na nag bibigay sa atin ng lahat ng kahirapan at kamatayan.

Kaya mga kapatid, igayak ang loob sa pakikipaglaban at paasaasahan ang pagtatagumpay, sapagka't na sa atin ang tunay na katuiran at kabanalang gawa; ang kastila, iyang kasuklamsuklam na lahing dito’y napasuot, ang tanging ipinaglalaban, ay ang maling katuirang panggagaga at panlulupig dito sa di nila bayan.

Sa lahat ng ito, ng malubos ang kabanalan at kapuirhan ng ating lahi, ng tanghalin ng Sandaigdaigan ang kamahalan ng ating kalooban, ay huag nating tularan ang kalabang kastila sa pagkahamak ng asal na ugaling gamit sa pakikidigma, huag tayong makipaghamok sa kaibigan lamang pumatay, kundi sa pagtatangol ng Kalayaan ng ating Bayan, at abutin sa mahigpit na pagkakayakap nating mga anak ng Bayan, ay maihiyaw ng buong lakas na Mabuhay! Mabuhay! ang Haring Bayang Katagalugan!

ANDRES BONIFACIO
Maypagasa

Limbagan ni Z. Fajardo sa Malabon รณ Mapagtiis

 http://www.filipiniana.net/publication/mararahas-na-manga-anak-ng-bayan-undated-proclamation-circa-march-1897/12791881639128/1/0


English translation here:
kasaysayan-kkk.info

Supremo: "To preserve the sanctity and glory of our race so that the world may recognize our nobility, let us not imitate our Spanish enemies in debasing the conduct of war. "...MORE
 Andres Bonifacio: Mararahas na manga Anak ng Bayan Undated proclamation, circa March 1897 Source: Pedro S. de Achutegui and Miguel A. Bernad, Aguinaldo and the Revolution of 1896: a documentary history (Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 1972), pp.329-32. [Tagalog text copied from...MORE

_________


Raw Photo Credit:

http://kasaysayan-kkk.info/gallery.selyos.htm

Thursday, April 7, 2011

Book Read: "Geopolitics of the visible: essays on Philippine film cultures"

Excerpts (re Fil-Am War):

In a landscape in which all resistance was "insurgency" and insurgency was punishable by death, the best and the brightest of a generation of Filipino men and women were exiled, excommnicated, imprisoned, tortured, hanged, shot, starved and blow up with artillery. This process of overcoming native resistance by force was called "pacification." In an action of classic guerilla warfare foreshadowing Vietnam, villages were burned to the ground, civilian food supplies destroyed, carabaos killed, and local economies shut down so that villagers could not supply resources to a general population who might all be potential resisters. Better to burn twenty-five tons of rice than to let resisters eat. Better to "shoot all natives who may be found on the road between dark and daybreak" around American telegraph lines and "cause all houses in the vicinity to be burned to the ground" than to risk the sabotage of communication lines by local villagers night after night. Better to hang as spies and traitors those who fed resistance fighters a hot meal, or who transported medical supplies. or who carried a message, or who rang the church bell upon arrival of troops than to recognize that the entire culture might be resistant to American occupation. The other face of American Manifest Destiny was colonial violence, something that was little recognized or represented at the time, and something that remains remarkably forgotten now in the American cultural psyche.







Editorial review: 

In this anthology of essays about Philippine cinema, geopolitics takes off from the post -- World War II detente foreign policy of the United States to illuminate issues of transparency of power and power relations. It lays bare the geopolitics of the visible in order to render the almost invisible working operation that makes both visibility and invisibility possible.

Title Geopolitics of the visible: essays on Philippine film cultures
Author Roland B. Tolentino
Editor Roland B. Tolentino
Contributor Roland B. Tolentino
Edition Illustrated
Publisher Ateneo de Manila University Press, 2000
ISBN 9715503586, 9789715503587
Length 384 pages


http://books.google.com/books?id=eO0VVq9lY7EC&pg=PA302&dq=%22isabelo+abaya%22&hl=en&ei=l8iMTYPtEY3irAfluujhDQ&sa=X&oi=book_result&ct=result&resnum=6&ved=0CEIQ6AEwBQ#v=onepage&q=%22isabelo%20abaya%22&f=false